Prologue

7 3 1
                                    

Tahimik akong nag luluto ng pumasok ang tita ko sa kusina para batiin ako at dahil malungkot ako kasi hindi uuwi ang mga parents ko para sabay naming icelebrate ang birthday ko, ay tinanguan ko nalang siya sabay ngiti.

"Happy birthday ateeeee!" Sigaw ng kapatid ko sabay yakap sa akin pero agad naman akong umiwas dahil wala pa ako sa mood.

"Nothing special" Tuyo kong tugon at umupo nalang sa upuan sa likod ko dahil sa sobrang lungkot ko ay nawawalan ako ng gana.

Ilang birthday ko na ang hindi sila present dahil sa mga pride at ego nila, pero wala akong ginawa kundi intindihin at hayaan nalang dahil ako na din ang naturingang matanda sa amin ng kapatid ko.

"Meron kaya! Ipag oorder ka mamaya ng handa ni tita saka imbitado ang mga Kaibigan at mga Pinsan natin kaya hindi magiging boring ang birthday mo ngayong taon" Masayang sabi ng kapatid ko, tinanguan ko ito at tumayo na ulit.

Sabagay, walang mangyayari kung mag mumukmok lang ako rito. Malas din ang pagiging walang gana sa lahat kaya nginitian ko nalang siya at umalis na sa dirty kitchen.

"Happy birthday Apo!" Masayang bati ng lola ko.

"Salamat po nay" Ngiti kong tugon at umalis na din.

"Kiana!" Patuloy lang ako sa paglakad at hindi ito pinansin. 'BAHALA KA DYAN' sabi ko sa isip ko at patuloy pa rin ang paglakad.

It's my boyfriend, my first boyfriend. Hindi ko alam kung bakit ko ba pinatulan kahit hindi ko naman talaga madama na mahal ko siya or kahit kagustuhan. Ewan ko ba sa sarili ko, gustong gusto nantitrip ng lalaki.

Walang may alam na may karelasyon ako dahil alam kong hindi sila papayag, besides just for fun lang naman kung anong meron sa amin. Malay ko bang trip lang din naman niya? Hindi ko masasabi dahil madaming history ng pangloloko ngayon.

Lumipas ang oras at nag datingan na ang mga bisitang inimbita nila.

Wow sila nag desisyon?

"Hi love! Hindi ka iinom don?" Maloko nitong sabi kaya inirapan ko siya at umalis sa kinauupuan ko para lumipat ng pwesto malapit sa mga kaibigan ko.

"May ireto ako sa friend" Kinikilig na sabi sa akin ng kaibigan ko.

"Ano nanaman? tigilan niyo ko kakareto dahil study first ako" Palusot ko sa mga ito kahit ang totoo ay may karelasyon ako.

"Dali na gwapo 'to tangi" Pangungulit niya pa sa akin kaya tumabi ako sakanya para tignan ang pinapakita niya sa akin.

"Yan! nag hahanap din kasi ng maliligawan dahil broken" Tawang sabi sa akin ng kaibigan kong si Patricia.

"Nako naman Pat, mag rereto ka nalang sakin yung may sabit pa? ayokong maging rebound te!" Hirit ko saka kumuha ng baso para maki inom sakanila at baka matawag nanaman akong KJ.

Ramdam ko ang matalim na tingin sa akin mula sa malayo kaya luminga linga ako at tama nga ang hinala ko.

Nakaupo siya sa garahe at kasama ang mga lalaki kong mga tito uminom. Nakatingin sa akin ito ng masama na akala mo may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan, umiwas agad ako ng tingin at tinuon nalang ang tingin ko sa kaibigan ko na nagkukwento. 

"Nasan sila tita?" Biglaang tanong nila sa akin ng mapansin na wala ang aking mga magulang.

"Ah, wala sila." Tipid na sagot ko at tinungga ang baso na kanina ko pa pala pinanggigigilan ng hawak dahil naalala ko nanaman ang mga magulang ko.

"Eh yung tita at lola mo? pati yung kapatid mo?" Takang tanong nito sa akin.

"Umalis si tita dahil may emergency daw sa may bahay ng asawa ng tita ko, yung kapatid ko naman nasa loob ng bahay nag lalaro ng ML, saka malalim na din ang gabi kaya baka tulog na rin yung lola ko." Paliwanag ko sakanya at uminom ulit.

NAGISING ako sa tapik sa balikat ko at napagtanto na wala na pala yung mga bisita at yung mga nag iinom sa paligid.

"Hmmm." Ungot ko at tinignan ng masama kung sino man yung tumapik sa akin.

"Love, tara?" Sambit nito at inakay ako. Inalalayan niya akong lumakad, dahan dahan ang lakad nito na para bang iniingatan mag ingay.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Inis na tanong ko sakanya dahil hindi papasok sa bahay ang tinatahak namin.

"Basta." Dahil sa sobrang kalasingan ko ay hinayaan ko nalang ito kung saan ako dalhin dahil may tiwala naman kami sakanya.

Maya lang ay naramdaman ko ang matigas at malamig na papag sa likod ko.

'Teka? higaan niya 'to ah?' 

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko itong nakatingin sa akin na tila nag nanasa ang mga mata niya.

"Kanina pa ako nag titimpi, naririnig ko mga usapan niyo na may nirereto sayo, pumapayag ka pa?" Gigil nitong sambit "Alam mo ba kung gaano ka hirap mag pigil ng selos?" dugtong pa nito at nag simulang lumapit sa akin.

"F*ck you." ito na lamang ang tanging nasabi ko bago ito tuluyang nakalapit at halikan ako.

"Hmm.."

Lost Feelings.

Written by ShagamiReese
All rights reserved copyright 2024

Lost feelings.(On-going)Where stories live. Discover now