Chapter 1

4 3 0
                                    

"Kiana, gumising na kayo at may paparating na bisita!" Napamulat ako dahil sa sigaw ng aking tita. Pumikit pikit ako bago tuluyang bumangon at ginising ang aking kapatid na nasa tabi lamang.

"Bumangon ka na kung ayaw mong masigawan na naman dyan" Mahinhin kong paalala sa aking kapatid na ngayo'y hindi pa rin bumabangon dahil na rin siguro sa sobrang puyat nito kagabi dahil halos mag puyat ito sa pag lalaro ng kanyang online games.

Hinampas ko ang puwetan nito upang matinag dahil kung hindi pa siya babangon ay baka puntahan na naman kami rito at bugbugin ng todo.

Oo, tama kayo ng basa. Bata pa lang, mahigit 10 taon pa lamang kami ay narito na kami sa puder ng aking tita. Hinayaan kami rito ng aming mga magulang dahil hindi nila kami kayang alagaan sa kadahilanang busy ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.

"TANG*NANG! SABING MAG SI GISING NA KAYO DYAN AT MAY DARATING NA BISITA!" Sigaw ng tita ko habang may dala dalang pamalo, kaya dali dali na rin akong tumayo at hinayaan nalang ang aking kapatid na matulog.

"Bahala ka dyan kung ayaw mong tumayo" Bwisit kong sabi, dahil baka pati ako nanaman ay madamay dahil sa kakuparan niyang tumayo.

At dahil hindi pa bumabalik sa huwisyo ang katawan ko ay napagdesisyunan ko nalang munang dumiretso sa kusina at mag timpla ng kape bago lumabas at simulan ang nakagawian naming trabaho.

"Good morning Nay!" Masiglang bati ko, nakita ko itong nananahi sa gilid ng mga sako na gagawing tabing sa dirty kitchen namin dahil kapag umuulan ay nababasa ang mga ilang gamit na nakatago doon.

"Good morning din sayo" Pabalik na bati nito at ngumiti, nginitian ko rin ito at tinabihan.

"Masaya ka ata Nay?" Pabirong sabi ko rito, tumingin siya sakin bago mag salita "Paanong hindi magiging masaya e may bago na tayong kakatulungin sa pag tatrabaho dito sa bahay araw araw" Ngiting sabi nito sakin at tumawa.

"Ha? ang buong akala ko ay hindi na kayo kukuha pa ng katulong dahil nadala na kayo sa nangyari kay tatay?" Takang tanong ko rito. Simula nung mangyari ang insidenteng kabitan serye sa pagitan ng aking tatay, which is lolo ko ay hindi na raw sila ulit kukuha pa ng bagong katulong dito sa bahay.

"Lalaki naman ang mga ito at alam namin na hindi tayo mapapabayaan, mga babae pa naman tayo dito lahat" Tumango tango ako sa sinabi ng aking nanay, dahil may point nga naman siya. Dulo ang bahay namin at walang masyadong bahay kaya siguro naisip na din nila kumuha dahil delikado nga naman at palaging may nakawan na nangyayari sa aming barangay.

Nung matapos akong magkape ay dumiretso na ako sa kusina para labhan ang mga basahan na gagamitin ko sa pag punas ng ibabaw ng terrace, araw-araw ganito ang gawain ko tuwing mag sisimula ang umaga.

Kanya kanya kami ng mga gawain hanggang sa matapos para lahat kami ay mag papahinga ng sabay sabay at walang lamangan dahil minsan ay pinag tutulong tulungan namin ang isang gawain kung mabigat man ito. Masasabi kong mahirap ang araw araw na ginagawa namin dahil sa sobrang lawak ng bakuran at laki ng bahay ay hihilingin mo nalang mag kapasok araw araw para makatakas sa trabaho.

Natapos ako sa pag pupunas ng terrace kay nilabhan ko na ulit itong basahan at inilagay sa lagayan. Kumuha na din ako ng walis ting-ting para makapag walis at matapos na sa harapan ng bahay habang wala pa yung bisita na sinasabi nila.

"Kolas, pagkatapos mo dyan ay pwede ka na mag luto para makapag almusal na din tayo bago dumating yung tao" Mahinhin na sabi ng tita ko, tinanguan ko lang ito at bumalik sa pag wawalis para makatapos na agad. Napaisip ako kung anong naging ganap sa kwarto nung iniwan ko yung kapatid ko na tulog pa.

Speaking of her, nakita ko itong nakaupo sa ibabaw ng terrace habang nag kakape. Dinilaan ako nito ng makita akong nag lalakad papunta sa direksyon nito.

"Hindi ako napalo HAHAHAHA!" Hagalpak na tawa nito sakin at sabay higop ng kape niya na akala mo nanalo siya sa lotto.

"Wow? pero pag ako nyan hindi ako papalagpasin niyan" Sarcastic kong sabi.

"Sino kaya yung darating? Sana gwapo" Pag iiba nito ng usapan.

"Mama mo gwapo" Pambabara ko rito at umalis na para gumawa na ulit ng gawain para makapag luto na dahil kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.

Lumipas ang tanghali ay wala pa rin ang sinasabi nilang bisita, natapos na lahat ng gawain namin ngayong araw at bukas ay marami kaming gagawin kaya pinagpahinga kami ng maaga.

"Tara te, laro tayo ML" pag aaya nito sakin.

"Ayaw" Ngumuso ito dahil sa pag tanggi ko.

Gustuhin ko man mag laro pero tambak ako ng Assignments at project, dahil hindi ko napasukan ang isang subject naming may activity nung mga araw na nilalagnat ako. Nasa grade 10 pa lang kami pero puro advance study ang tinatalakay at pinapagawa sa amin.

"Wag mo na gawin yan! Babagsak ka rin naman" Pang aasar ng kapatid ko at patuloy na binabasa ang notebook ko kung saan nakalagay ang direksyon kung paano ito gawin.

"Eh? kung tinulungan mo nalang ako ede naging madali buhay ko, pag ikaw yung nag papatulong galing mo ha" Mahinhin ngunit pagalit kong sabi rito.

"Ay bahala ka dyan! Nag m'ml yung tao rito e" Tumatawa nitong sambit saka tumalikod sa akin.

Natapos ko ang mga Activity at Assignments ay nakaramdam ako ng antok kaya napagdesisyunan kong matulog muna dahil hindi ko nakuha yung sapat na tulog kanina.

"Walang gigising sakin makakatikim ng sapok" Paalala ko sa kapatid kong ngayon ay lumayo sakin dahil malakas ang sound ng cellphone nito.

NAGISING ako dahil sa galit na sigaw ng tita ko kaya bumangon ako at nag tanong kung bakit galit na galit nanaman ito.

"Bukas nalang daw kasi tutuloy yung bisita" Tanging sagot ng kapatid ko na nag lalaro pa rin ng ML.

Napatingin ako sa labas at napagtanto na gabi na pala kaya tumayo ako at kumuha ng gamit pang ligo at dumiretso nalang sa banyo kesa madamay pa sa galit ng demonyita kong tita.

Lost feelings.(On-going)Where stories live. Discover now