Chapter 2

2 2 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay dumating na nga ang inaantay nilang bisita, 2 lalaki at 3 Babae ang nakita kong nakaupo sa sala at kausap nila ang lola at tita ko na ngayo'y tuwang tuwa at plastic na nakangiti sa mga taong kaharap.

"Ang plastic ng mundo." Natatawa kong wika ng makapasok ako sa kusina. Napatingin sa akin ang kapatid ko na kumakain.

"Kakadismaya naman." Natawa ako sa bungad niya sa akin.

"Gwapo ba? hindi ba't yan ang sinasabi mo sa akin kahapon?" Natatawa kong sabi. Inirapan ako nito at pinag patuloy lang ang pagkain.

"Yan ba yung magiging katulong natin? Mukhang maasim" Sabay kaming natawa sa sinabi nito.

"Don't judge the cover by its book." Banat ko pa kaya patuloy lang ang pag tawa naming dalawa, pero agad din kaming tumahimik dahil pumasok ng kusina ang tita naming ang sama ng tingin.

"Wag kayong maingay at may bisita, nag papapansin nanaman kayong dalawa." Tuyong sambit nito at umalis na.

"Epal mo gurl." Bulong ko at umiling nalang.

Pag dito talaga ako tumira habang buhay ay baka maging bitter nalang ako sa buong buhay ko, dahil pati pagiging masaya naming mag kapatid ay bawal. Ayos lang sana kung yung lola ko lang yung nandito, nakikisabay siya pero pag tita ko no comment nalang.

"Kahit kailan talaga hindi tayo pwedeng maging maingay dito pag nandito si tita" Tumango tango ako bilang sang ayon sa sinabi niya.

"Ay talaga, pag ako inampon dito ng gwapong bisita sasama na ako" Tumawa ako ngunit mahina lang.

"Ganon mo ba talaga kadislike si tita?" Natatawa kong tanong sa kapatid ko, tumango naman siya ng todo.

"Buti nga kamo hindi na rito nakatira si tatay." Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi niya. Until unting bumalik sa akin ang mga masasakit na ala ala.

"Tay! Tama na po...." Umiiyak na sambit ng kapatid ko, pero patuloy pa rin ang hampas nito ng mahabang kawayan sa likod ng kapatid ko.

Huminga ako ng malalim, tinignan ko ng matalim ang lolo ko na nasa harap ko lang at sinusubukan makuha ang atensyon niya. Ilang segundo lang ay nakuha ko na nga ang atensyon nito at tumingin sa akin.

"Wag mo'ko matignan tignan ng ganyan at tatamaan ka sakin makikita mo." Pagbabanta niya sa akin pero hindi ako nag patinag.

Apat lang kaming natira dito sa bahay, at nahuli ko ang lolo ko at ang katulong naming babae na gumagawa ng milagro sa kusina habang kaming mag kapatid ay nasa labas nalilinis ng bakuran.

"P*tangina mong bata ka! Sinasabi ko sayo na wag mo'ko subukan." Sigaw ng tatay ko at nag simulang pumunta kung nasaan ako. Tumakbo ako sa kapatid ko at pilit siyang pinatayo bago pa ako maabot ng lolo ko.

"Tumayo ka please." Pilit ko dito, nagmadali naman itong tumayo at tumakbo dahil na rin siguro alam niyang may balak ako.

Kumuha ako ng buhangin at sinaboy sa mukha ng lolo kong nasa harap ko na.

Bahala na kung ano mangyari dahil hindi na tama na minamaltrato kami kahit wala naman kaming maling ginawa sakanila, hinahayaan namin na disiplinahin kami pag mali kami pero sa ganitong sitwasyon ilalaban ko na kung ano yung dapat.

"Wag ka lang mag papahuli sakin" Narinig ko pa ang sinabi ng lolo ko bago ako makalayo sa kinatatayuan niya.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, laging sumasagi yon sa isip ko at hindi ko namamalayang napapaiyak nalang ako.

"Naalala mo nanaman?" Nag aalalang tanong ng kapatid ko, inangat ko ang tingin ko at tumango.

"Mahirap talagang maalala yung ganon lalo na ikaw yung naging dahilan kung bakit sila nag hiwalay" Tahimik lang akong nakikinig.

Tama lang naman na nag hiwalay sila, hindi deserved ni lola ang isang lalaking katulad ng lolo ko, binigay niya lahat ng kaya niyang ibigay para sa lolo ko. Kelan ba nakuntento ang lalaki? sa loob ng ilang taon nilang pag sasama pinag palit lang niya ito sa panandaliang sarap. Halos nasa lolo ko na nga ang lahat, ang gagawin nalang niya ay maging mabuting asawa at ama sa mga anak niya pero hindi pa niya nagawa. Ganon ba kahirap maging tapat at mabait?

Napailing nalang ako habang naiisip ang mga ito. Siguro nga hindi sila para sa isa't isa para maging maayos at maganda ang kanilang pag sasama.

LUMIPAS ang oras at umuwi na rin ang magulang ng katulong na iniwan. Ang sabi ay dalawa ang magiging katulong pero isa lang ang iniwan.

"Nay naman sabi nila dalawa ang maiiwan bakit ngayon isa lang?" Naiinis na sabi ng tita ko sa lola ko.

"Ewan ko rin, ang sinabi sa tawag ay dalawa sila." Takang sagot ng lola ko at nag patuloy sa ginagawa niyang pananahi.

"Akala ko naman ay hindi na natin kailangan pang magtrabaho." Sabi ng tita ko.

Umalis na ako sa kusina dahil ayokong makinig sa bangayan ng mag ina dahil naiirita lang ako sa kaartehan ng tita ko.

"Hi?" Nakangiting bati sa akin nung lalaki, tinignan ko siya at tila sinusuri ang buo niyang pagkatao bago mag desisyunan na ngitian ito pabalik at tumalikod na para umalis.

"Hindi ka nag sasalita? kanina pa kasi kita nakikitang tahimik lang na parang ang bigat bigat ng problema mo sa buhay." Pahabol pa nito sakin kaya hinarap ko itong muli.

"Oo, tama ka mabigat ang problema ko sa buhay kaya wag mo na sana dagdagan." Pag susungit ko rito at umalis na. Wala akong time sa 'getting to know each other' na yan dahil ang gusto ko ay makaalis na sa lugar na to.

"Uyyyy, type ka ata nung katulong." Inirapan ko nalang siya at umupo.

"Pwede naman siguro kung wala kang magandang sasabihin, pwede bang ishut mo nalang yang bibig mo." Pabiro kong sabi sakanya kaya natawa nalang siya at umupo din sa upuan na nasa harapan ko lang.

"Oy kasi naman kanina pa tingin ng tingin sayo." Pag pipilit nito sakin.

"Sayo na oy, hindi ko kailangan ng sakit sa ulo." Tumatawa kong sabi kaya nag acting itong nasusuka dahil sa sinabi ko.

"Ang gusto ko lang ngayon ay sana naman kunin na tayo dito para hindi na natin iisipin kung paano ba makakatakas sa bugbog at latay natin sa tuwing mainit ang ulo nila" Seryoso kong sabi, sumandal nalang ako sa upuan tumingala sa langit.

Kung may hiling man ako ngayon. Yun ay sana magkabalikan ang mga magulang namin at maging buo kami ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost feelings.(On-going)Where stories live. Discover now