Chapter 18: Valentine's Day (Part 2)

8 2 0
                                    

Prince POV

Pumunta ako sa music room , syempre dito fav kong tambayan. Umupo ako banda sa may piano, huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang tumugtog.

Pumikit ako dinadama ko ang pagtugtog , napatigil ako at napamulat ng mata ng maramdaman kong may tao sa harapan ko.

Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko.
"Wow ang galing mo namannn,,"
Pumapalakpak na sabi niya.

Kala ko mahiyain siya kala ko lang pala.
Nagulat ako ng tumabi siya sakin sa upuan.

"Pwedeng ako naman?hehehhe"
Tumango nalang ako tsaka tatayo na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.

"Dito ka muna samahan moko"
No choice ako kaya napaupo nalang ako.

Nagsimula na siyang tumugtog, mukhang nag eenjoy nsman siya sa ginagawa niya. Kaya di ko maiwasan na mapatitig sa mukha niya. Well maganda talaga siya, matangos ang ilong , may mapupulang labi-- di ko natapos pagmumuni muni ko ng mapatingin siya sakin at ngumiti.

"Nagustuhan mo ba?"
Ngiting tanong niya sakin.

"Ahh oo ang ganda nga eh"
"Really?"
Ngumiti ulit siya, at nag stretch.
Kaya tumango nalang ako.

"Thank you pala at di ka umalis"
Tumango nalang ako sakaniya.

"Tara balik na tayo dun baka hinahanap kana nila, at baka  hinahanap na rin ako ni heizel"
Maglalakad na sana siya ng..

"Bakit pala alam mong nandito ako?"
Tanong ko agad sakaniya, kanina pa kasi ako naguguluhan kung bat alam niyang nandito ako.

"A-ahh kasi.."
Napakamot naman siya sa ulo niya at ngumuso.Cute.

"Sinundan kasi kita kanina nung umalis ka, nagpaalam lang ako sa kanila na pupunta ng comfort room pero sinundan tlaga kita pero di na kita naabutan"
Kagat labing sabi pa niya.

"Tapos?"
"Tapos ayun umabot ako dito sa paghahanap sayo, maglalakad na sana ako pabalik dun kaso narinig kong may tumutugtog ng piano... Kaya nacurious ako at pumasok. Sorry di ako kumatok peacee hehehhe"

Di nalang ako umimik at nauna nalang maglakad.
"Teka hoy hintayin moko"
Habol pa niya sakin, matangkad naman siya pero bat ang bagal niya maglakad ? Tss.

Bigla akong huminto bigla kaya ayun nabunggo na naman ulo niya sakin.

"Aray sakit ng ilong ko hmmmp, bat ba kasi bigla kang hihinto ah"
Nakasimangot na sabi niya.

"Sabi mo kasi hintayin kita"
Sinamaan agad niya ako ng tingin ohh ohh chill parang nangangain ka naman eh.

Naglakad ulit ako pero mabagal na baka kasi di na naman ako nito maabutan.

Habang naglalakad kami ,pinagtitingin kami ng bawat studyanteng madadaanan namin.

"Sino siya? Bakit kasama niya si prince?"
"Oo nga di naman basta bastang sumasama si prince sa babae eh"
"Oh baka naman nilandi lang niya ang prince natin?"
"Ngayon ko lang siya nakita dito"
"Oo nga pero kung umasta parang close na close sila ng prince ko"

Ibat ibang boses ang naririnig ko. Nakakainis naman ehhh napahinto ako ng maramdamang huminto siya.

Tiningnan ko siya, ngumiti naman siya sakin.
"Cge mauna kana prince ,kahiya naman sa mga fans mo"
Napailing iling nalang ako at hinawakan kamay niya.

"Hindi pwede, di mo pa alam pasikot sikot ng school natoh"
Pagkatapos nun hinila ko siya  at bumalik sa pwesto namin kanina.

"Oii tol saan ka galing ah? At bat kasama mo si althea?"
Tanong agad sakin ni kyle pagkarating namin.

"Wala nadaanan ko lang siya kaya sinabay ko na"
Pagsisinungaling ko.

"A-ahh oo nakita ko kasi siya, para kasing naliligaw na ako kanina kaya hinelp niya ako"
Nakangiting sabi niya.

Nagkatinginan nalang kaming dalawa, dito kami nagkasundo hanepp.

"Ehh tulong lang tapos  kelangan magkaholding hands?"
Panunukso ni clent.

Late ko na narealized na hawak ko pa pala kamay niya , kaya nakaramdam ako ng hiya at bigla ko binitawan kamay niya.

"A-ahhh natalisod kasi ako kanina kaya tinulungan niya ako."
Nahihiyang sabi ni althea.

"O-oo yun nga"
"Wowwww first time mautal ng isang Prince Morales"
Sinamaan ko nalang sila ng tinging lahat , kaya natatawa nalang sila at nag change ng topic.

Napatingin ako kay heizel na di na umiimik at tahimik lang na nakatingin samin. Nilapitan ko siya.

"Ayos kalang ba?"
Tanong ko sakaniya, napatingin namn agad siya sakin.

"Ahh oo ayos lang ako"
Ngumiti siya ng peke.

"Althea tara na maghuhunting pa tayo ng bbbois eh"
Biglang nag iba ang mood niya at hinila si althea. Napakaway nalang si althea samin bago sila maglaho sa paningin ko.

Haysss mga babae nga naman hirap intindihin.
"Oh ayan kana  naman nakakunot na naman kilay mo"

Napatingin ako kay kyle ng akbayan niya ako.
"Oks lang yan makikita mo pa naman sila eh"
Sabay kindat niya sakin.

Kaya sa inis ko natulak ko siya.
"Bahala na nga kayo diyannn!!"
Naiiritang sabi ko at padabog na umalis dun, narinig ko pa silang tumatawa kaya mas lalo akong naasar. Grrr kainiss kayo!!

----------

Someone's POV

Nasa labas ako ng school ng anak ng taong kinamumuhian ko ng husto. Nakita ko silang nagkakasiyahan dahil sa valentines nga, pero kalaunan ay parang naasar yung prince. Napangisi ako sa nakita ko, andito lang naman ako sa puno nag mamasid sainyu.

"Anong ginagawa mo dito?"
Epal talaga tong taong toh bigla nalang nasulpot.

"Syempre nagmamasid ako sa mga galaw ng anak ng walang pusong taong yun"
Naiinis ako na alalahanin ang mga bagay na ginawa sakin ng francisco na yun.

"Kaya ikaw keep it up, wag mo silang iwala sa paningin mo"
Paalala ko. Marahan naman siyang tumango, good boy.

"Pero yung lance ang pangalan di ko masyadong nahahagilap kasi di namin siya kaklase"
Napakunot naman ang noo ko sa nalaman.

"Hayaan mo nalang siya , pareho lang naman silang anak, kay prince kanalang mag focus at subaybayan mo siya ng mabuti wag na wag mong hahayaang makawala sa paningin mo maliwanag?"
Di siya umimik at malamig na tumingin sa mga mata ko.
Pero kalaunan ay nagsalita din siya.

"Hanggang kailan mo ito gagawin? Hanggang kailan ka titigil sa pinag gagawa mo mom?"
Di ko mapigilang mainis sa tanong niya.
Nakalimutan naba niya ginagawa ng pamilyang yun samin?

"Hanggat wala ng matira sa kanila!!!"
Inis na usal ko at padabog na umalis.

Third Person POV

Naiwang nakatayo at bigo ang isang lalaki habang pinagmamasdan ang likod ng kaniyang ina.
" I understand u mom kaya ko ginagawa ang mga toh. Galit din ako sa taong yun pero di ibig sabihin nun damay na pati mga anak niya. Patawarin niyo ko prince pero di ko kayang suwayin ang utos ng mommy ko"
Bulong niya sa sarili at malungkot na naglakad papalayo sa lugar na yun.

Di pa siya nakakalayo ng may mag salita sa likod niya.
"Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan mo itatago ang lahat? Wag mong hahayaang mawala sayo ang lahat"
Turan niya bago umalis.

"Sino ka? Narinig mo ba pinag uusapan namin kanina?"
Napatulala at napaisip nalang siya  sa sinabi ng misteryosong babae.

~~~~~~~
To be continued...

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now