CHAPTER 11

7.6K 190 5
                                    


Hi! Sa Sunday na po ang book signing ng The governor sa National bookstore Sm north Edsa, see you po!







Sa ospital kung saan nagpagamot si Demitrious siya dinala ni Azmyrah, sinabi niya kung saan banda 'yon at buti na lang din talaga ay marunong mag-drive ang dalaga dahil ito ang nagmaneho papunta dito sa ospital. Ayaw man sana niyang makita siyang ganito nito at balak p nga sana niyang ihatid ay hindi na niya din kase matiis ang sakit sa kanyang tiyan dahil tingin niya ay bumuka ang tahi no'n. 




  I darted my sight to him, hindi ko akalain na tumakas pala siya dito sa ospital at ngayon ay alam ko na kung bakit niya ginawa 'yon at dahil nga daw gusto niya akong makita. And I was right too, dahil ng kausapin ko ang doktor na tumingin din pala sa kanya dito ay tama daw talaga ng baril ang sugat sa may tiyan niya. At hindi pa naman talaga siya puwedeng lumabas dahil kahapon lang din siya dinala dito pero tumakas nga daw kase si Demetrious kanina. 



"What? Malayo naman 'to sa bituka." Sabi ng binata kay Azmyrah dahil parang hindi niya matagalan ang tingin nito sa kanya. Yong tingin na masama at alam niyang wala siyang maisasagot dito dahil may kasalanan naman talaga siya. 




"Ahhh malayo ba sa bituka?"Nilapitan ko nga siya at tinusok ang tagiliran niya kung saan nandoon ang nakatakip na gauze pad sa sugat niya. "Ano hindi masakit? Hindi masakit?" Inis na sabi ko. 




Napa "aww" na lang si Demitrious dahil sa ginawa ng dalaga dahil masakit 'yon. Tsaka niya hinawakan ang kamay ni Azmyrah at hinila ito para makaupo sa kinahihigaan niyang hospital bed. "Salamat sa paghatid sa akin dito, kaya ko naman na kaya puwede ka ng umuwi kung gusto mo. Tawagan mo na lang din 'yong driver mo para masundo ka." 




Hindi naman hinila ng dalaga ang kamay niya na hawak ni Demitrious dahil ang kamay nito na may dextrose ang nakahawak sa kamay niya, baka kase mahila ang karayom doon at mapano na naman ito. 




"Wala kang kasama dito, tsaka bakit ba kase tumakas ka? Tingnan mo nga paano kung naimpeksyon 'yang sugat mo? Eh di mas malaking problema." Sa totoo lang natakot talaga ako kanina ng makitang kong may sugat siya, at oo naniniwala na ako ngayon na isa talaga siyang NBI agent dahil 'yong mismong doktor din ang nag-kumpirma sa akin kanina ng mag-usap kami. At nakakatakot pala talaga ang trabaho niya dahil parang pulis na din pala. Buti nga daw at hindi napuruhan si Demitrious sa pagkakabaril at   daplis lang ang nakuha nito. 




"I tried to call you para sana mangamusta pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko, so I went to your hotel to visit you earlier."



"With matching flowers? and kahit hindi ka pa naman talaga okay at hindi pa magaling 'yang sugat mo tumakas ka pa din dito? At uminom ka pa!" Muli kong sermon sa kanya, yes this is indeed a sermon dahil maling-mali ang ginawa nito na umalis dito sa ospital. Buti sana kung sumaglit lang sa akin pero hindi eh, sumama pa talaga sa bar ni Theresa at nakipag-inuman pa. I knew it was a chill drink but still he was not allowed to drink dahil bawal nga sa kanya. Kaya nga kanina dalawa kami ng doktor na pinapagalitan siya dahil mali ang ginawa niya.



But instead of getting annoyed to Azmyrah, Demitrious smiled to her. "Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may nag-aalala sa 'yo at may nanenermon." Sabi niya dito, iba pala talaga at hindi katulad kapag mga kasamahan niya sa trabaho ang ganito sa kanya. Para kaseng may paru-paro na lumilipad sa tiyan niya ngayon, hindi naman masasabi na lasing siya dahil beer lang din naman ang ininom nila at tatlong bote lang din 'yon tapos light pa. 



Doon ko na hinila ang kamay ko. "H-Hindi ako nag-aalala sa 'yo no!" 



Pero mas ngumiti lang lalo ang binata sa nakitang reaksyon mula kay Azmyrah. "Okay sabi mo eh, pero hindi 'yan ang nakita ko kanina Alyssa." Sabi pa niya, natural hindi naman aamin sa kanya ang dalaga, at iba naman ang nakita niya dito kanina simula ng nasa parking lot sila ng bar ng kaibigan nito  kaya sigurado siya na nag-aalala ito sa kanya. 




"Talagang hindi, and you know what? magpahinga ka na at matulog ka na. Kase 'yon naman ang sinabi kanina ng doktor diba? You need to rest so.." Nakataas pa ang kilay na sabi ko sa kanya, kahit sino naman ay mararamdaman kanina ang naramdaman ko dahil gun wounds nga ang mero'n siya at naiisip ko na baka magkaroon ng komplikasyon 'yon lalo pa at dumudugo na pero buti na lang at hindi. Bumuka din kase ang tahi sa sugat niya kaya nag-dugo at pagdating nga namin dito sa ospital ay tinahi ulit 'yon ng doktor. 




"Basta thank you for bringing me here in the hospital Alyssa, salamat talaga." Pasasalamat ulit ni Demitrious bago siya hinila ng antok at nakatulog. 

   


    Dalawang araw pa ang nilagi ni Demitrious sa ospital dahil maliban sa doktor na hindi siya agad pinayagan makalabas ay naroon din si Azmyrah na binabantayan siya. Nakilala din tuloy ng dalaga ang nagpakilalang si Achilles na matalik na kaibigan ni Demetrious na isa ding agent. At iba pang kasamahan nito sa trabaho na dinalaw ang binata sa ospital. 




"Nakakatuwa lang dahil mukhang alam ko na kung bakit nitong mga nakaraang araw ay parang ang saya-saya ng kaibigan ko. At ngayon alam ko na kung bakit at sigurado akong dahil sa 'yo 'yon." Sabi ni Achilles na nakipag-kuwentuhan kay Azmyrah, kakatulog lang ng kaibigan niya kaya naman makikipag-kuwentuhan muna siya dito bago umalis. 




"Nahh, don't say that to me, wala kaming relasyon ng kaibigan mo kung 'yon ang iniisip mo." Agad kong tanggi, mamaya kaseng hapon ang labas niya dito sa ospital at kung hindi nga lang niya ako kinausap kagabi ay buti sana kung pumunta ako dito. Pero siguro pagkatapos nito ay tsaka ako iiwas sa kanya na dapat ay noong nakaraan ko pa ginawa. 




"But you we're worried to him, and I saw it. Natutuwa lang ako para kay Demitrious dahil kung ano mang mero'n sa inyo ay alam kong deserve niya 'yon." Makahulugang sabi ni Achilles kay Azmyrah, kilala niya ang kaibigan dahil ilang taon na din naman silang magkakilala at madalas ay sila ang magkasama sa hinahawakan nilang kaso. At sana nga itong babae na kausap niya ngayon ang makasama na ng kaibigan niya, na totoo at hindi panang-dalian lang. 



#maribelatentastories

 Azmyrah Alyssa RamirezWhere stories live. Discover now