CHAPTER 12

9.2K 217 3
                                    





Good evening, again may book signing po ang psicom bukas sa Sm north edsa national bookstore. June 18, 2023 12:00 pm to 2 pm po ako nandoon if gusto niyo ipa sign ang copy niyo ng book ni Eros. See you!




Isang bungalow style na bahay ang nakita ni Azmyrah matapos nilang makarating sa bahay ni Demitrious, and she was amazed how clean and neat his house knowing na lalake ito. Wala din naman kaseng nabanggit sa kanya ang binata na may kasama ito sa bahay at wala din naman talaga din siyang nakitang may kasambahay ito doon. so he's living alone then?

"Welcome to my abode.." Sabi ng binata na tinuro ang kulay brown na sofa sa sala niya, buti na lang talaga at malinis siya sa bahay kaya naman walang problema kapag may hindi siya inaasahan na bisita na dinadala dito. 



"You live alone here?" Tanong ko sa kanya, kalalabas lang namin sa ospital at siya na din ang nagmaneho dahil kaya naman na daw niya. Nung una nga sabi ko ay ako na o kaya 'yong driver ko pero nagpilit siya kaya naman hinayaan ko na lang din. 




"Yes, I live alone Alyssa. Hindi din naman ako madalas umuwi dito dahil puwede naman ako matulog sa trabaho." Kuwento ng binata na may kinuhang bottle juice mula sa ref niya, kung siya lang kanina ay sa headquarters nila siya didiretso pagkalabas ng ospital pero kase nandoon din kanina ang dalaga kaya dito niya na lang ito inaya sa bahay niya. 



"Hindi pa daw gano'n kagaling ang sugat mo kaya hindi ka puwedeng mag galaw-galaw." Sabi ko pa, akala yata niya porket nakalabas na siya ng ospital ay okay na at magaling na siya pero hindi pa. Actually may kailangan pa siyang inumin na antibiotics for one week.



"Nahh I told you daplis lang 'to okay? And beside wala pa 'to sa mga nangyari sa akin before." Parang wala lang na kuwento ni Demitrious dahil 'yon din naman ang totoo. Pang apat na beses niya na 'tong nabaril ngayon at mukhang malakas yata siya sa itaas dahil puro daplis lang ang nangyayari sa kanya. Ngayon nga lang din siya natagalan sa ospital dahil dumugo nga at bumuka ang tahi niya sa gilid.




Sinimangutan ko nga siya, ilang beses niya na sa akin sinabi na daplis lang daw ang nangyari sa kanya pero para sa akin malala na 'yon. "Aalis na pala ako, magpahinga ka na at wag mong kalimutan inumin ang gamot mo." Bilin ko sa kanya, dapat naman kase talaga ay hindi na kami mag-usap diba? Dahil 'yon din naman ang tama, yes we had sex but it doesn't mean we need to be close or have a relationship afterwards. 



"Uuwi ka na?" Tumingin pa si Demitrious sa rilo sa kanyang braso, alas singko na ng hapon. "Dito ka na kumain magluluto ako." Sabi niya sa dalaga, parang ayaw niya na kase itong pauwiin at parang gusto niya pa itong kausap. 




"Mag-order ka na lang muna ng pagkain kung nagugutom ka, wag ka nga muna daw magkikilos sabi ng doktor diba?" Ulit ko sa kanya. 



"I'm good Alyssa, kita mo kaya ko pa ngang tumakbo." 




I shook my head, bakit kaya may mga tao na ang hirap umamin kahit may masakit na sa kanila? Yong bang itatanggi kahit na obvious naman na hindi okay. "Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo, sige na I have to go." Aba ang suwerte naman ng lalakeng 'to dahil two days na akong panay punta sa kanya sa ospital at buti na nga lang din ay maluwag ang schedule ko sa hotel kaya nakakaalis-alis ako.




Tumayo naman agad ang binata ng tumayo din si Azmyrah tsaka niya mabilis na hinawakan ang kamay nito. "Please? Dinner with me?" Pakiusap niya pa dito.





She tooked a deep breathe, wala na mukhang mamaya pa siya makakauwi nito. At laking tuwa ni Demitrious ng mag-oo sa kanya ang dalaga. 

  

  Azmyrah watched him while he's doing his works on his small kitchen, small talaga dahil triple naman ng laki ang kusina niya sa kusina ni Demitrious. Hindi naman siguro ito mapapano kung magluluto ito isa pa ito naman mismo ang nagsabi na okay lang talaga siya kaya hinayaan na lang din niya. 




"There you go.." Nakangiti pang sabi ng binata matapos ilapag ang umuusok pang niluto niyang ulam nilang dalawa. Buti na lang at kaka-grocery niya lang noong nakaraan kaya naman may laman ang ref niya. Hindi din kase niya alam kung kailan ba siya uuwi dito sa bahay niya kaya napaka-importante na may laman lagi ang ref niya. 




"Pork adobo right?" Tanong ko pa ng makita kung ano ang niluto niya.




"Yes, pero ibang adobo 'yan Alyssa dahil humba ang tawag diyan." Nilagyan ni Demitrious ng kanin ang plato nito bago niya nilagyan ang plato niya. 




Napakunot noo naman si Azmyrah dahil hindi naman niya alam na may iba pa lang version ang adobo at matitikman niya nga ang luto nito ngayon. 

"Matamis!" She's reffering on the adobo they are eating now. 



"Yep, pork humba ang tawag diyan at matamis talaga ang luto sa ganyan." Paliwanag pa ni Demitrious nilagyan niya ng muscavado sugar 'yon'at hindi 'yong natural na asukal lang. Ngayon lang ulit siya nakapagluto kaya naman hindi din siya sigurado kung tama lang ba talaga ang timpla ng luto niya ngayon. "Okay lang ba ang lasa? O masyadong matamis?" Tanong niya. 




Umiling ako bago sumubo ulit, sakto lang ang tamis ng luto niya at hindi naman overrated ang pagka matamis nito. "Ayos lang, you really know how to cook huh? Ako kase hindi marunong." Pag-amin ko, well hindi ko naman itatanggi 'yon dahil hindi naman talaga. Mas gugustuhin ko kaseng kumain na lang sa labas o kaya mag-order na lang ng pagkain.



"Buti naman at nagustuhan mo ang luto ko, ayos lang 'yon tsaka sa sobrang busy mo malamang talaga ay pahinga na lang ang ginagawa mo pagkagaling sa hotel mo."




"Pero nakakatuwa lang dahil ngayon lang ako nakakita ng lalake na marunong sa kusina." Dagdag ko pa, I don't know but I found him sexy while I'm watching him being busy on his kitchen. Dahil parang ang layo sa itsura niya na marunong sa kusina tapos malalaman mo pa ang trabaho niya. 




Parang nag-abot tenga naman ang ngiti ng binata sa sinabi na 'yon ni Azmyrah sa kanya, ito kase ang tipo ng babae na parang ang hirap i-please dahil nasa dalaga naman na  ang lahat. 



#maribelatentastories

 Azmyrah Alyssa RamirezWhere stories live. Discover now