Wedding Crasher

807 11 0
                                    

"Ice sige na ayan na yung simbahan oh!" Turo ni Mari sa simbahan sa harap namin

"Hahahaha sige na Ice bakit kasi natalo ka sa laro ayan tuloy" natatawang asar naman ni Cindy saakin.

"A-ano nga ulit gagawin ko?"

"Ang gagawin mo lang ay patigilin mo ang kasal yun lang! Hahahaha!" Natatawang sabi pa nya. Punyeta! Para namang ganun lang kadali! Hello? Hindi ko kilala ang kinasal jan tapos guguluhin ko? Nakakahiya!

Pero hindi papayag ang mga loko-loko kong mga kaibigan na hindi ko magawa ang dare. Natalo kasi ako sa laro namin kaya eto ako ang napagtripan.

"Gago mga baliw may kasal pa ba ngayon eh mag-gagabi na?" Palubog na kasi ang araw, may night wedding ba talaga? Ang alam ko sa umaga o hapon lang ginagawa mga yun diba?

"Oo meron, mayaman anjan. Baka pag pinatigil mo ang kasal alukin ka ng malaking halaga para lumayo tanggapin mo ha? hahahaha" aba iba din talaga to mag-isip si Cindy

"Go na maghihintay kami dito" sabi naman ni Mari at tinulak na nila ako palabas ng sasakyan. Tangina naman talaga oh!

Pinagpapawisan at kinakabahan na akong nakatayo dito sa harap ng malaking pintuan ng simbahan. Sarado ito ngayon at mukhang ongoing pa talaga ang kasal sa loob.

Huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid. Para matapos na, hindi naman nila ako kilala kaya okay lang to, kaya mo to Ice!

Buong pwersa kong binuksan ang pinto at malakas na isinigaw ang "ITIGIL ANG KASAL!" Pota pangarap ko lang to dati, ngayon nagawa ko na hahaha

Napalingon ang lahat saakin at natigil sila father sa kanilang seremonyas. Teka teka yun lang ba gagawin ko? Pero bitin naman ata. Kaya ang ginawa ko, kinakabahan man ay nilabanan ko, naglakad ako papasok hanggang sa nakarating ako sa gitna ng aisle. Pinatitigan ko ang groom na natataranta at pinagpapawisan. Gwapo naman sya, pero hindi ko bet. Mukhang babaero eh.

Sunod kong tiningnan ang bride nito at muntik na akong mapaluhod dahil sa sobrang ganda nito. Literal na luluhudan rold! Nagkatitigan kaming dalawa at napansin kong umiiyak ito na tila humihingi ng tulong.

"Babae ba yan ni Anthony?"

"Nako kawawa naman si Sasha" rinig kong bulungan ng mga marites na nasa gilid ko. Salamat sakanila nalaman ko ang pangalan ng dalawa.

"Father itigil nyo na po ito! Nagmamahalan po kami ni Sasha!" Exaggerated na napasinghap ang mga matatanda at umingay ang lahat. Uh-oh ano ba kasi tong iniisip mo Ice?

Tatalikod na sana ako ng biglang may humila saakin at pinaharap ako sakanya.

"Pot—" hindi ko na natapos ang pagmumura ko dahil hawak ng magandang bride ang mukha ko at.. kasalukuyan akong hinahalikan. Huwaaaattt???

"Thanks for saving me. What's your name?" Bulong nya habang nakadikit ang mga noo namin.

"Ahh-Ice"

"Ice love, let's go" mejo may kalakasan nyang sabi. Kaya umani na naman ng sari-saring bulungan mula sa mga pamilya ng groom at bride.

Hindi pa ako nakaka-recover ay hinila na ako ni Sasha at patakbong lumabas ng simbahan. Di alintana ang mga mapanghusgang tingin at pagtawag ng pamilya nya sakanyang pangalan.

Putangina Ice, ang dare ay manggulo lang hindi mangidnap ng bride!

Napakamot na lamang ako sa ulo. Nagkatinginan kami ni Sasha at nginitian nya ako. May mabuti naman atang naidulot ang pag wedding crash ko, ah bahala na!

Oneshot Collection [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon