Chapter Eleven: Home

118 2 0
                                    

HINDI napigilan ni Savannah ang pananabik na nararamdaman nang tuluyan nang lumapag sa NAIA ang eroplanong sinasayakn nila. Sa kabila ng kabang nararamdaman ay nilukob sya ng kasiyahang muling nakatapak sa sariling bayan. Tulak nya ang push cart na pinaglalagakan ng kanilang bagahe habang si Maurice naman ay karga ni Yael. Agad nyang natanaw na kumakaway sa kanila na si Mommy Rosanna. Nasa tabi nito ang asawang si Angelito at ang Daddy Maurice nya. Agad na niyakap sya nito at maingat na kinuha naman ni Mauricio ang apong mahimbing na natutulog.

"Namiss kita, Hija." sambit ni Rosanna matapos sila magpalitan ng mainit na yakap.

"Ang mommy naman. Noong isang buwan lang eh nasa San Diego ka." nakangiting aniya.

"Ewan ko ba dyan sa Mommy nyo. Noong makalawa lang ay kating kati na naman yan lumipad pa-San Diego kundi lang tumawag noong isang gabi si Yael at sinabing kasama kayo pag uwi ay nakapagbook na sana ng ticket yan." nagkatawanan sila sa sinabing iyon ni Angelito Cojuangco.

"Hala, Hijo. Mag asawa ka na at bigyan kami ng apo. Para naman may palitan na kami ng hihiramin." sabi ng Daddy Mauricio nila sa kay Yael nakutuon ang atensyon.

Naiiling si Yael dahil ito naman ang napagbuntunan ng pangungulit ng mga magulang. Natatawa sya.

"Hena, sumakay na kayo at nagpaluto ako sa mansion."

Pagdating sa tahanan ng mga Cojuangco ay nawindang sya sa dami ng nakahandang pagkain na nakahain sa hapag. Ramdam na ramdam nya ang init ng pagtanggap nito sa kanila at tila ba fiesta ng mga sandaling iyon.

---

THE MONREAL'S HEIR IS BACK.

MAGARETTE MONREAL, ANG BABAENG TUMALIKOD SA KASAL NITO KAY DEX FONTANILLA AY NASA BANSA NA.

MARGARETTE MONREAL IS BACK TOGETGER WITH HER HANDSOME BOYFRIEND, YAEL COJUANGCO.

Tatlong pahayag ang nasa harapan ni Dex ng mga sandaling iyon. Putok na putok ang balitang pagbabalik ni Savannah. Kita nya ang kakaibang kislap ng mga nito na kuha sa larawang nasa pahayagan. Kuha ito noong nasa airport ang babae kasama si Yael at ang mga magulang ng lalaki. Napangisi sya. Panahon na para magbayad ang mga ito. Wala pa syang kongkretong plano pero isa lang ang sigurado nya ng mga sandaling iyon. Maniningil sya.

"She's back, honey. Marga is back." deklara ni Alice na may pangambang emosyon ang mukha.

"Who cares?" wala nyang pakialam na sagot sa kasintahan.

DALAWANG araw bago ikatatlongpung anibersaryo ng mag asawang Monreal ay dumalaw si Savannah sa mansion ng mga ito kasama si Yael, ang Daddy Mauricio nya at si Maurice. Home. Hindi nya napigilang sambit nang makatapak muli sa mansiong bumuo ng pagiging isang Monreal nya. Nagsilimbayan ang samo't saring masasayang alaala nya bilang anak nina Cristina at Gustavo.

"Mommy.. Daddy..." naiiyak na yakap ni Savannah sa kinagisnang magulang. Naluluha pareho ang mga ito at ginantihan sya ng mainit na yakap.

"Miss na miss ka namin anak. Patawarin mo ako sa nagawa ko sayo." lumuluhang sabi ni Cristina.

"No, mom. Ako ang patawarin mo dahil na disappoint ko kayo ni Dad."

Mainit ang palitan nila ng yakap at tama nga si Gustavo. Dalawang kamay pa rin syang tatanggapin ng mga ito. Sobra sobra ang pasasalamat nya dahil ito ang kinamulatan nyang magulang. Bilang anak ng Monreal ay wala na syang mahihiling pa.

"Mom, Dad. Please meet my brother, Yael Cojuangco and our biological father, Mr. Mauricio Serna. And this is my daughter, Dexie Maurice Monreal, your grandchild."

Pagpapakilala nya sa tatlong kasama nya na nakamasid lamang sa kanila. Tigagal pareho ang mag asawa. Hindi nya alam kung saan eksaktong nagulat ang mga ito. Kung kay Yael na kapatid nya, kay Mauricio na tatay nya o kay Maurice na anak nya. Hindi maipinta ang mukha ng mga ito sa pagkawindang.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now