Chapter 32: (Sinong babalik?)

130 9 0
                                    

Nicole

 

 

 

 


"Babalik na daw si Chaze sa banda" Sabi ni Patrick habang nakasandal sa pader ng Canteen habang nakasukbit ang bag mya sa balikat nya. Babalik si Chaze? Bakit pa?







"Bakit daw???"







"Hindi ka ba nagmamadali Harvey? At itatanong ko muna kay Chaze kung bakit?"







"Siraulo ka Jed."





"Guys Stop it! Maging sensitive kayo! Alam nyo namang..." Hindi na natuloy ni Cath yung sasabihin nya dahil tinitigan ko sya.







"Ok lang. nakamove on na kaya ako" Pagyayabang ko sa kanila.






"UTOT MO!" sabay sabay nilang sabi at pinanlisikan ako ng mata. Mga walang hiyang to ayaw maniwala. Totoo naman eh!







"Who's Chaze?" Nagtatakang tanong ni Andrea na syang kumuha sa atensyon naming lahat.






"Si Chaze yung Dagang alaga namin sa bahay, Andeng." Sabat naman ni Kulangot na halatang naiirita sa topic namin kanina pa. Nagseselos ba sya?






"Err! Siraulo! Sino ba kasi yun? Gwapo ba yun?" Natawa naman ako sa tanong nya, mukhang interesado pa tong si Meztisang hilaw kay Chaze. Bagay naman sila, magkakasundo sila nun panigurado, isang madaldal at isang tahimik at mainitin ang ulo, Bagay na bagay, mas ok pa sakin kung sya ang liligawan ni Chaze kesa sa Denise na yon na pumeste sa buhay ko.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon