Chapter 9: ( Isshhhmayyll/Smile )

348 15 1
                                    

Nicole

Akala nya komo Friends na kami, mas magiging madali ang lahat, para makapasok sya sa Banda.

Nahirapan kaming buoin to tas, maghahire kami ng basta basta lang?

Buti kung yung papalitan nya,

Ganun ganun lang,

Nung High School pa namin binuo tong Banda namin,

buti na lang naisipan ng kuya ni Chaze, na magtayo ng Bar and Resto,

4 years na din kami sa Chandler’s Bar,

Pinag-isipan yung name noh, hahahaha,

Ayokong umalis ng banda kahit nag-break kami ni Chaze,

Dahil bago pa man magkaroon ng samin,

Meron na nitong banda,

Classmates kami nila Jed, Pat, Harvey, Chaze, Cath and Jhana nung nasa High school pa kami,

Kami nila Cath, Jhana, Jed at Pat magkababata,

Sila Chaze at Harvey nung HS lang namin nakilala.

Magpinsan si Jed at Cath, at BFF naman ni Jhana si Jed,

BFF na may something na hanggang ngayon, mga bulag at manhid padin, dahil hindi pa magkaroon ng label yung relationship nila,

Tong kasing si Jed mabagal din eh,

Manang-mana sa Bestfriend nyang si Harvey,

Alam ko namang Mahal na ni Harvey si Cath

High School pa lang, kaya lang syempre, ayaw ko namang pangunahan sila,

Mas magandang sila na yung tumuklas sa mga bagay bagay sa kanilang dalawa,

Si Chaze naman, Sinagot ko yang pagka graduate lang namin ng high school, pa choosy lang talaga ako, kaya, pinatagal ko pa, actually 2nd year high school pa kami nung nagstart na mangligaw yan eh,

Nag-iinarte lang ako, mas matagal pa yung ligawan kaysa sa mismong Relationship -_-

Mas gusto ko kasi yung handa na kong magmahal bago ko ibigay yung puso ko sa kanya,

Kaso First Love, First BF and First Heartache din.

Enough muna sa love na yan,

Masyadong masakit sa imaginary bangs ang mga bagay bagay sa love.

“Bakeks! Bakekang!”

Hindi ako lilingon bahala ka jan -_-

“Zannea!!!”

Sya lang ang lalaking naglakas loob na tawagin ako sa First Name ko. Kahit si Chaze at yung mga Ungas kong kabanda hindi nagtry na tawagin ako sa first name ko, big deal yun sakin, malalaman nyo din kung bakit, wag excited -_-

“Ano ba yon?”

“Sabay na tayong umuwi, parehas naman tayo ng way eh, please ^__^v”

“Eh ano pa bang magagawa ko nakasunod kana, tsaka alangan namang lumiko pa ko andito na ko, tss -_-“

“Pwede bang yung Pambayad utang mo sakin eh, yung Pagsabay nateng pag-uwi?”

“Abusado kana ah! Gusto mo kong maging Friend tas ngayon, sasabay ka pa sakin umuwi, di ko kailangan ng kasama! Marunong akong umuwi mag-isa”

“kaya pala, muntikan ka ng masagasaan”

“Eh kasi………… ano………. eh ewan sayo………, bahala ka!”

“Dahil magulo yung isip mo nung gabing yon? Dahil ba dun kay Santos?”

“Ok, enough na, labas kana dun, wag mo ng iinvade ang personal life ko ok?!”

“Sorry, naisip ko lang naman, tsaka narinig kong sinabi ni Jed kanina”

“ok lang, wag mo na lang ulitin, tsaka, ayaw ko na ding maalala pa yun”

“nga pala, number mo na lang di ko pa nakukuha, libre lang naman yun eh, bat ayaw mong ibigay?”

“Wala akong load, at hindi ako mahilig magtxt”

“ok lang, ^___^”

“Ang kulit mo talaga, pag kinuha mo yung number ko, mawawalan na ko ng number, so wag na”

“Medyo Waley ka sa part na yun ah, hahahahaha”

“Ay sayang ibibigay ko na sana kaso wag na lang”

“Joke lang naman, ito, Minsan, practisin mo ding ngumiti ah, mas maganda ka kasi pag ngumingiti”

“Eh ganto ako eh, anong magagawa mo?”

“Alam mo Bakeks, Habang pinapakita mo kay Santos na lagi kang malungkot, iisipin nung mahal mo pa sya”

“Alam naman nyang hindi ako palangiti, so bakit kailangan ko pang magpanggap?”

“Nararamdaman kong hindi yan ang natural mo, may ilalabas ka pa, at nakakasiguro akong, ako lang ang makakapaglabas nun”

“Wow, taas ng confidence sa sarili tol, babaan mo din minsan, tsaka payong kaibigan ah, kape kape kadin, para tubuan ka ng konting nerbyos”

“Ayokong uminom ng kape, papait yung buhay ko, iinom na lang ako ng Bakekang’s Juice, dun, siguradong tatamis pa ang buhay ko, baka magkadiabetis pa ko sa sobrang tamis”

“Pinaglihi ka ba sa pick up lines? Dami mong alam eh! Daig mo pa si kuya kim”

“Sayo lang naman ako ganito, kaya ok lang yan”

“ang dami mo na sigurong naloko sa mga pick up lines mong yan”

“wala pa naman kahit isa, kung meron mang mabibihag, ikaw palang dahil sayo ko pa lang to, sinubukan, at sayo lang ako naglakas ng loob subukan”

“So ako pala yung malas na babaeng nasubukan ng mga walang kwentang pick up lines mo ganun?”

“Hindi, dahil ikaw lang ang gagamitan ko ng mga baon ko, so dito na ko bakeks, see you tomorrow, muwaah :*”

Wow, ang kapal,

Masyadong kampante sa sarili nya, pwes nagkakamali ka kung akala mo, mabibihag mo ko sa mga patibong mo kulangot, tignan lang naten kung sinong unang susuko.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon