Chapter 4

36 1 0
                                    

HAWAK ni Rome sa isang kamay niya ang picture ni Olivia habang nakatingin sa kawalan. Ngayon ang libing ni Olivia pero hindi niya nagawang makapag luksa nang maayos dahil mula nang na-comatose ito ng halos dalawang linggo ay hindi na siya pinalapit ng pamilya nito dito. Hindi man lang nga niya nakasama ito sa mga huling sandali nito o kahit makita lang itong nakalagay sa kabaong sa buong burol nito.

At kahit sa huling sandali bago ito tuluyang ilibing sa huling hantungan nito ay hindi pa rin siya pinasilip or pinalapit man lang. Kaninang alas siete pa sila ng umaga nakaupo sa labas ng memorial park ni James pero kahit ang mga security guard mismo ay ayaw man lang silang palapitin.

"Kuya, sige naman na oh. Kahit makalapit lang ng saglit ang kaibigan ko sa puntod ng asawa niya. Wala naman na 'yong mga in-laws niya eh." saad ni James na nakikipag usap sa mga security guard.

"Sir, hindi kasi namin masusuway pa si Ma'am Gretchen, dahil mainit pa ang mata noon dito. Bumalik na lang kayo sa ibang araw para wala na talagang tao at mas makapag dalamhati ng maayos si Sir." saad ni Security Guard na nakatingin lang kay Rome na naka upo sa isang tabi. Marahil ay nararamdaman din ng guard na sobra din ang nararamdamang pagdadalamhati ni Rome.

Tulala ito at magang maga ang mata dahil sa sobrang lalim ng iniisip. "Tara na, James. Gusto ko na rin umuwi." aya ni Rome kay James na buong awa na tumingin sa kaibigan. "Sige, tara na, para na rin makapagpahinga ka na." bulong ni James at saka sila sabay na umalis at naglakad papunta sa hindi kalayuan kung saan nakapark ang sasakyan ni Rome.

Nang makasakay na sila ay tumingin si James kay Rome na nakaupo lang sa driver seat at nakatingin sa kawalan at parang wala namang balak paandarin ang sasakyan. "Kaya mong magdrive?" tanong ni James. Hindi sumagot si Rome at sumandal lang sa kinauupuan niya. Napakamot ng ulo si James, "Umalis ka diyan, ako na mag dri-drive. Masunod pa tayo kay Olivia ng wala sa oras sa kakaganyan mo eh." saad nito.

Hindi nagsalita pabalik si Rome pero umalis ito sa kanyang pagkakaupo at lumipat sa kinauupuan ni James kanina.

Nang maka-ayos na silang dalawa ay dahan-dahan nang pina-andar ni James ang sasakyan habang si Rome naman ay tulala pa rin sa kawalan, "Alam kong mahirap at mabigat ang pinagdadaanan mo, pero nandito lang kami ni Ethan para sa'yo par." seryosong saad ni James habang nakatingin sa daan. Ngumiti ng kaunti at tumango si Rome. "Salamat." maikli nitong saad.

Hindi maintindihan ni Rome ang bigat na nararamdaman niya, pakirammdam niya ay tila pauli-ulit siyang sinasaksak sa dibdib ng mga malalaking kutsilyo na tumatama diretso sa puso niya. Gusto niyang ilabas ang nararamdaman niya pero hindi niya malaman kung paano. Gusto niyang umiyak, ngunit ubos na ang mga luha niya. Gusto niyang sumigaw at magwala, pero ubos na ubos na ang lakas niya.

Sinandal niya ang ulo niya sa inuupuan niya at pinatong ang kanan niyang kamay sa dibdib niya saka huminga ng malalim bago unti-unting nagsimulang pumatak ang mga luhang dala ng kalungkutan at pagdadalamhati.

***

LUMIPAS ang araw, linggo, buwan, at halos dalawang taon, hindi pa rin bumabalik sa dati ang lakas ni Rome. Madalas pa rin siyang tahimik at hindi makausap ng maayos. Kahit sa trabaho, isang tanong at isang sagot lang siya lagi kaya naman kahit ang mga nagiging kliyente niyang nagpapagawa ng bahay ay madalas sabihin na suplado ito at hindi marunong mag entertain ng mga clients.

"Inom tayo?" anyaya ni James sa kanya habang nagliligpit sila pareho ng mga plates. Magkapartner sila sa isang malaking commercial building renovation sa Makati kaya abala rin sila at stress na mukhang kailangan ng inom para makapagrelax kahit papaano. "Wedding Anniversary namin ni Olivia ngayon." saad ni Rome. Natahimik naman ng sandali si James, "Ilang taon na nga kayo?" tanong ni James, "8 years." maikling sagot ni Rome at tumingin sa kaibigan, "Want to come with me to visit her?" tanong nito.

PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon