Chapter 9

39 1 0
                                    

NAG-AASIKASO ng mga plates na kailangan niyang ipasa si Rome nang napatingin siya sa journal na dala niya. Binuklat niya 'yon at nalaman na wala doon ang picture nilang dalawa ni Olivia. Tinignan niya ang lahat ng gamit niya pero wala talaga kaya inis niyang sinara ang mga librong nakapatong sa lamesa niya at inisip kung saan nga ba niya maaaring mawala 'yon.

Mahalaga sa kanya ang picture na 'yon dahil ito ang madalas niyang tinitignan kapag nagawa siya ng mga plates and floor plan para na rin magsilbing inspiration niya. "Sa Coffee Shop ko ata nawala." bulong niya sa sarili niya kaya agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas sa opisina niya.

Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang secretary niya na galing sa hindi kalayuan, "Architect, may bisita po kayo. Patricia daw po." habol nito sa kanya. "Tell her na may importante akong kailangan hanapin. Paghintayin mo na lang siya sa office ko, give her some snacks." utos ni Rome habang nagmamadaling sumakay sa elevator na hindi man lang nga tinapunan ng tingin ang secretary niya.

Pagkababa sa lobby ay mabilis siyang naglakad papunta sa parking lot at agad na sumakay si Rome sa sasakyan niya, habang pinipilit na pakalmahin ang sarili niya na mahahanap niya pa ang picture na 'yon.

Importante sa kanya ang picture na 'yon dahil bigay sa kanya 'yon ni Olivia noong college sila. Binigay nito sa kanya bilang token of appreciation dahil sa lagi niya ito hinahatid sa bawat klase.

"Love, I have something for you nga pala." ngiti ni Olivia habang nakangiti at may kinukuha sa dala nitong shoulder bag. Kararating lang nila sa usual table na madalas nilang upuan para kumain ng lunch at pagkalapag nila ng gamit ay agad nang sinabi ni Olivia 'yon.

"What is it?" tanong ni Rome habang pinapanood ang girlfriend na abala pa rin sa paghahanap ng kung ano sa kagamitan nito. "Wait lang. Hindi ko mahanap." saad ni Olivia at isa isa nang inalis sa bag niya ang mga gamit niyang dala. Lihim namang natatawa si Rome sa ginagawa ng girlfriend kaya lumipat siya sa tabi nito upang tulungan sana itong hanapin ang hinahanap nito.

"Shhh. Doon ka lang, mamaya makita mo pa mga kalat dito sa gamit ko." saad ni Olivia at kinuha ang isang pouch mula sa bag niya at binuksan. "Oh, here it is." ngiti nito at nilabas ang isang maliit na scented envelope at inabot kay Rome.

"Hope you like it!" ngiti niya dito. Ngumiti naman si Rome at binuksan ito. Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang makita niya kung ano ang laman nito. "Sabi mo kasi, ayaw mo na ginagastusan kita, kaya ayan na lang. Walang gastos na kahit ano." tawa ni Olivia.

"I love it, love. Nakakatuwa." saad ni Rome habang tinitignan pa rin ang wallet size picture nilang dalawa. "Token of appreciation lang 'yan sa endless effort and pagod mo sa hatid at sundo sa akin. Kahit umuulan at mainit tapos wala ka pang dalang payong sobrang consistent mo pa rin. Ang layo kaya ng Beato Angelico Building sa Main Building." ngiti ni Olivia.

Tumawa naman si Rome at hinalikan sa noo si Olivia. "Wala 'yon, love. Ang importante sa akin hindi ka napapagod o kung anuman. And, sabi mo nga malayo 'yong mga building natin kaya kaunting pasensya kapag medyo late ako magsundo, hindi 'yong nalate lang ako ng ilang minuto parang gusto mo na makipaghiwalay." biro ni Rome. Sinamaan naman siya ng tingin ni Olivia at kinurot sa utong, "Ikaw kasi! Hindi ka nagre-reply sa mga chat at text ko, kaya ano bang malay ko kung hindi mo na ako susunduin para makapunta na lang ako mag-isa sa iba kong klase." pagtatanggol naman ni Olivia sa sarili.

"Love, edi mas matatagalan ako kung magte-text pa ako. Kaya, sorry na." panunuyo ni Rome. Tumawa naman si Olivia at dinikit na lang ang mukha niya sa boyfriend. "Oo na, I love you, love!."

Nang makarating na si Rome sa Coffee Shop ay agad siyang lumapit sa isang waitress na nakatayo sa hindi kalayuan. "Miss, can I ask a question?" tanong ni Rome dito. "Yes, Sir. Ano po 'yon?" tanong pabalik ng waitress.

PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon