1

17 0 0
                                    



"Jira, okay lang ba talaga na mag-isa ka?" paulit-ulit na tanong ni Mama sakin simula pa last week

Natapos na kasi ang school year ko. Meron akong almost a month na bakasyon, kaya nakapagdesisyon ako na umuwi muna ng probinsya since wala naman na akong gagawin sa bahay. Ayoko naman maulit na nakatunganga lang ako for the whole month tulad last year.

Ngayon nandito kami sa Sanjuan kasi dito ako susunduin ng van na babiyahe pauwi sa probinsya namin. Ewan ko ba bakit sobrang nag-aaalala sila sa akin eh ang tanda ko na. Ang problema ko lang naman ay ihi ako nang ihi, at nahihiya ako magsabi sa driver.

ILANG oras na nakalipas simula nang sunduin ako. Paulit-ulit pinapaalala sa akin ni Mama na magsabi sa driver kung gusto ko magCR. Nakakahiya nga kanina kasi ang daming tao sa van at narinig nilang lahat 'yun.

5 hours ang biyahe, at kakarating palang namin sa may Dalahican Port kung saan kami sasakay ng barko. So far, wala pa naman akong nagagawa na nakakahiya at ang babait ng matatanda sa van. Kinakausap nila ako at tinatanong kung sino mga kamag-anak ko na nakatira sa Marinduque.

"Ano? Kamusta? Okay ba biyahe niyo?" tanong ni Mama habang nakavideocall kami

"Okay naman po. Tulog lang ako buong biyahe. Mababait din yung ibang pasahero." sagot ko sakaniya. Buong usap namin ay tungkol lang sa biyahe, saan ako dapat pumunta, at kung ano dapat ko na gawin. "Ma, sige na po. Nandito na yung barko. Tatawag ako pagdating ko run. Bye! Love you."

Bumili lang ako ng donut pasalubong para sa mga tao sa bahay. Wala naman kasi mabibilhan ng ganito run, and if meron sa malayo pa. Matatanda na mga tao sa'min wala na silang lakas magbyahe nang malayo.

Agad naman akong naghanap nang upuan sa taas pagkarating ng barko. Maganda naman puwesto ko sa loob at hindi masyadong malamig. Tatlong oras din ang biyahe ng barko, nakarating na rin kami sa may Balanacan Port. Tulog lang ako buong biyahe, at kung gigising man ako 'yun ay para magCR.

UMAGA na nang makarating ako sa bahay, sinalubong ako nila Lola, Tita, 'yung asawa ng pinsan ko, at 'yung pamangkin ko na si Zia. Sobrang dami nilang tanong sa'kin kasi first time ko magbiyahe mag-isa.

"Zia, samahan mo si Ate Jira mo. May bibilhin lang siya sa bayan." sigaw ni Nanay Vane, pero Tita ko talaga siya, kapatid ni Mama. Nasanau lang kaming lahat na magpipinsan.

"Opo!" sigaw ni Zia

Sumakay lang kami sa tricycle papuntang bayan. Pagkarating namin 'dun, agad ako bumili ng mga kailangan ko tulad ng sabunan, hair brush, slippers, at kung ano pa. Marami rin akong nabili kasi sabi ni Mama huwag ako magdala masiyado ng mga gamit.

Bumili rin kami ng milktea niya tapos fruitshake sa akin kasi hindi naman ako umiinom ng ganun. Nakapagdecide rin kami na tatambay muna sa may Bay dito sa bayan, para siyang Manila Bay din pero hindi ko alam ang tawag.

"Ate, mabili lang lang ako ng clip 'dun. Abalikan kita. 'Wag kang maalis ha." paulit-ulit niyang paalala at umalis na rin

Bukod sa takot niya na mawala ako, takot din siya maglakad pauwi sa bahay. Nakaupo lang ako habang pinapanood ung wave ng tubig. Paubos na rin yung fruitshake ko kaya hindi ko muna hinigop at nilapag lang kasi gusto ko ipatikim sa Lola ko. Baka magustuhan niya at magpabili.

"Ang basura dapat ilagay sa basurahan." gulat ako sa boses na biglang nagsalita at sobrang hindi ko naintindihan ano ibig sabihin niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NO TITLE YETWhere stories live. Discover now