chapter 3: Family

486 17 0
                                    

Chapter 3: Family

Tinatahak namin ang daan ngayon papunta sa mansion dahil alam na ni dad na nandito na 'ko sa pinas

Tinawagan at pinapunta niya kami ngayon para mag dinner dahil meron daw siyang importanteng sasabihin

Napag-alaman ko rin na gising na si auntie Glenda, gusto ko tuloy siyang puntahan at alamin ang kalagayan niya ngayon

Nang matapos ang gulo kanina sa cafeteria ay imbis na ipatawag sina Lucas pati na rin ang mga kaibigan niya para mag take ng consequence ay mukhang pinagsabihan lang nila ito

Napag-alaman ko rin na masususpend ng one week sina Kenneth, Hans at Gio. Samantalang sila Lucas ay wala man lang naging parusa and that's not fair

At alam kong dahil yon sa magkakapatid na Rivas, na kaibigan nila

Nang makarating na kami sa mansion ay agad kaming sinalubong ni manang Nelda, matagal na siyang namamasukan dito sa'min, bata palang kami ay siya na ang nag-aalaga sa aming magkakapatid

"Lexine! Lucas!" masiglang tawag niya samin habang palapit sa gawi namin kaya agad akong napangiti

"Manang!" bati ko bago siya niyakap ng mahigpit, na miss ko siya sobra

Siya na ang tumayong nanay namin simula ng iwan kami ni mommy, she's been good to us kaya close na close talaga kaming dalawa at tanging siya lang ang kakampi ko dito sa bahay

"Mabuti naman at nakauwi na ang mga alaga ko. Pinapatawag kayo ng daddy niyo, nasa hapag na sila at kanina pa nag hihintay sa inyo" nakangiting ani niya matapos bumitiw sa pagkakayakap sakin bago bumaling kay Lucas pero agad din siyang natigilan ng makitang may pasa ito sa mukha

Basag ang gilid ng labi niya at may pasa din siya sa ilalim ng mata niya dahil sa nangyari kanina

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinis ang mga sugat dahil siya nalang daw ang gagawa. Matigas ang ulo niya at ayaw niyang pinapakialaman siya

"Lucas? ano nanamang nangyari sa mukha mo? napaaway ka nanaman bang bata ka? ikaw talaga bakit ba napakahilig mo sa gulo? halika't linisin natin yan para hindi ma-inpeksiyon at gumaling agad" bakas ang pag-aalala niyang mga tanong

This is one of the reason kaya malapit kami ni kuya Gavin sa kaniya, she really cares about us

Pero imbis na sumagot ito ay pumanhik nalamang ito sa taas patungo sa kwarto niya at hindi ko alam kung sasabay pa ba siyang mag dinner sa'min

Dad and Lucas are not in a good terms until now, dahil may galit pa rin si Lucas sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan

Nagpasya na 'kong puntahan sila sa veranda at habang naglalakad kami ni Manang ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa'kin sa States

Pagkalabas namin ay agad bumungad sakin si dad, kuya Gavin at ang dalawang babae na nakaupo naka upo sa kani-kanilang upuan na hindi ko kilala

Pero yung isa ay madalas kong nakikita sa Rivas na sa tingin ko ay ka-edad ko lang, sa pagkakaalam ko ay isa rin siya sa mga scholar ng Rivas

"Sino yung dalawang babae, manang?" tanong ko sa kaniya pero tinapik niya lang ang kamay ko "Sige na" aniya bago lumapit sa mga katulong

"Welcome back sis" pagbati ni kuya Gav pero hindi ko nalang siya pinansin at naglakad palapit sa kanila

"Take a sit first, where's Lucas?" seryosong tanong ni dad bago ako imupo sa katabing upuan ni kuya

"Upstairs" I simply said as I put the napkin on my lap

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now