chapter 28: Not An End

182 13 1
                                    

Chapter 28: Not An End

Wala sa sariling napabangon ako sa kama nang bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang matagal ko nang hinihintay

Tinanggal nito ang coat niya at basta nalang 'yon hinagis sa sofa "Are you trying to kill yourself by not eating your meal? Kung namimiss mo 'ko ay sabihin mo nalang, hindi yung nagpapagutom ka pa" bagnot na sabi nito habang niluluwagan ang necktie niya

Tama siya, madalas ay dalawang beses nalang ako kumain sa isang araw dahil sa akalang sisiputin ako nito pero nagkamali ako

Tumikhim ako "Mabuti naman at naisapan mo pa 'kong dalawin rito" pag-iiba ko ng usapan

"Of course, makakalimutan ko ba ang asawa ko?" nakangising sagot nito na nagpaurong ng dila ko

Naiilang akong napaiwas ng tingin. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli naming pagkikita

Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagkulong sa'kin rito dahil simula rin nang araw na 'yon ay hindi na siya muling nagparamdam

"I missed you" malambing na sabi nito matapos tumuntong sa kama

Sa isang iglap ay nakita ko nalang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya at hindi ko namalayan na naihaga na pala ako nito sa kama

Buong akala ko ay may gagawin pa siya maliban ro'n pero nanibago ako nang bigla nalang pumulupot ang braso nito sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kaniya

Ilang minuto kaming magkayap at hindi ko maitatanggi na napakagaan no'n sa pakiramdam

Kung hindi lang ito naging marahas sa pagsasama namin ay hindi malabong mahulog ang loob ko sa kaniya mula pa noon

"Ano bang balak mo sa'kin? sila Xchenna kasama mo na ba sila?" mahinang tanong ko habang nakahimlay ang ulo sa dibdib nito

"Do you really want to see them?" kahit nagtataka ay napilitan nalang akong tumango

"They are waiting for you downstairs" wala sa sariling nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sinabi nito

Kahit walang kasiguraduhan ay agad akong bumangon at lalabas na sana nang bigla nalang akong nitong tinawag sa pangalan ko

Naninibago ko itong nilingon. Nakaupo na ito ngayon mula sa kama pero hindi ako nito magawang tignan

"You can now leave. Ihahatid kayo ni Armando pauwi" mabigat sa pakiramdam na sabi nito na nagsimulang mag-pagulo sa isip ko

Kahit nagtataka ay mas pinili ko nalang lumabas at nang tuluyang makababa ay agad bumungad sa'kin ang mga bata

"Mommy!" napangiti ako at agad silang inambahan ng yakap

"Sinaktan ba kayo ng daddy niyo?" bakas ang pag-aalalang kong tanong at nakahinga lang ako ng maluwag nang sabay silang umiling

Sana lang ay hindi sila tinakot ng tatay nila

"Ma'am, let's go?" nabaling ang tingin ko kay Armando na ngayon ay nasa gilid na namin

Bigla kong naalala ang huling sinabi sa'kin ni Cross. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin 'yon sa isip ko

There's something wrong with him na hindi ko maipaliwanag. Hindi siya ganito, malayong malayo kung umakto sa lalaking nakagawian ko

"Sigurado ka bang iiwan mo siya? baka magsisi ka" biglang sabi ni Damian na nagpaagaw ng atensyon ko

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon