chapter 4: Sister's Argument

418 19 3
                                    

Chapter 4: Sister's Argument

Kakapasok palang namin ngayon sa cafeteria nang may matanaw kaming isang pamilyar na bulto

Alam kong si Summer 'yon na kasalukuyang kasama ang mga kaibigan niya at mukhang may pinagkakaabalahan

Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ay si Van na kasama nila ngayon habang nakikipagtawanan sa kanila

He's Van Mendoza, ang captain ng Red Storm. Isa rin siya sa mga matalik kong kaibigan dito sa Rivas

Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit kasama niya si Summer, iisipin ko palang na may namamagitan sa kanila ay hindi ko maiwasang mag selos

Nabanggit sa'min ni Van noon na meron na siyang nobya pero wala siyang balak ipakilala sa'min, but that's impossible na si Summer 'yon- at hindi ako papayag

I admit that I have a feelings for him, well halos lahat naman yata ng kababaihan dito at hindi ko sila masisi

Van is an ideal man, pero hangga't maaari ay pinipigilan ko ang nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang pagka-kaibigan namin

"Bakit kasama nila si Van?" takang tanong ni Solace pero agad ko na siyang hinila palabas para dumiretso sa isa pang pinto dito sa Cafeteria para mas makita sila ng maayos

"What are you planning to do?" kinakabahan nitong tanong habang nakasilip kami sa pinto

Nagmamatyag lang kami dito habang pinapanuod ang bawat galaw nila, hindi namin naririnig ang mga pinag-uusapan nila dahil nasa malayong parte parin kami

Naguusap-usap sila ngayon bago nagsitayuan at mukhang nagmamadali

Wala yata silang balak kunin ang mga gamit nila at balak pa yatang ligpitin ni Summer 'yon pero agad na nila itong hinila palabas

Mayroong magandang ideya na pumasok sa isip ko kaya napangiti ako ng wala sa oras

Tignan lang natin ngayon Summer kung anong mararamdaman mo sa gagawin ko

Agad akong lumapit sa pinag p-pwestuhan nila kanina bago tinignan ang mga ginagawa nila kanina lang

"Lexine" tawag sa'kin ni Solace na syang kasama ko ngayon

Buti nalang ay maaga pa at kami palang ngayon ang tao dito Cafeteria, hindi naman kami mapapansin ng mga crew dahil may nakaharang na pader dito

Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong plate na mga ginagawa ng mga archi students

Nang may makita akong black paint ay agad ko itong kinuha at napangisi nalang ako sa naisip ko

"Lexine!? what are you trying to do!?" mahinang sigaw nito sa'kin

Akmang bubuksan ko na ito nang bigla nalang niyang hinablot ito sakin at pilit nilayo

"Can you stop Solace!? kailangan kong makaganti sa babaeng yon" inis kong sabi sa kaniya at pilit itong binawi

"But that's not a good idea! mahirap gumawa ng plate! tsaka baka may makakita sa'tin dito" dagdag pa nito bago luminga-linga sa paligid pero hindi ko na siya pinansin at sinimulang buksan ang takip nito

Wala akong alam pagdating sa arts pero
this time susubukan ko munang maging isang artist

Agad-agad ko itong binuhos don na napaka satisfying tignan. Well, hindi ako sigurado kung sa kaniya ba talaga ito, but I really hope na hindi ito kay Van

Van is also an archi students, iisipin ko palang na same department sila ay kumukulo na ang dugo ko

"Lexine, let's go! tama na yan, baka may makakita pa sa'tin dito" kinakabahan nitong sabi

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now