chapter 6: Resemblance

330 17 2
                                    

Chapter 6: Resemblance

Malayo-layo pa ang lalakarin bago makarating sa gate nang bigla nalang akong harangan ni kuya Rolan na isa sa mga bantay namin

"Ma'am, saan po kayo pupunta? kabilin-bilinan po ng daddy niyo na huwag kayong palalabasin ng mansion" hinihingal nitong bigkas na ikina-ngiwi ko, bigla nalang kase ako nitong hinabol nang makitang papalabas ako ng mansyon

After the incident in the field, dad and I had a conversation a few days ago at hindi ko alam na tinotoo niya talagang grounded ako sa buong week na 'to

I'm still mad at him and we're still in a state of discord, at lalo lang yatang nadagdagan ang galit ko simula nang makita ko silang nag b-bonding ng Summer na 'yon na parang wala lang sa kaniya ang nangyari

Si Summer masaya, tapos ako, nag s-suffer? that's so unfair

Gustuhin ko man na bumalik sa bahay ni Lucas maski siya ay hindi naman kami hinayaan ni dad, desidido na talaga siyang buuin ang pamilyang matagal ng wasak at wala ng paraan para mabuo ulit

"Ano bang pake mo? gagawin ko lahat ng gusto ko and no one can stop me, even you" madiin kong tugon sa kaniya at lalampasan na sana ito nang bigla nanaman ako nitong hinarangan

"Ano bang problema mo!?" asik ko rito, kung meron lang talaga ako kapangyarihan na tanggalin sila sa trabaho ay matagal ko ng ginawa, I despise them all

"Ma'am ayoko pong mawalan ng trabaho, may pamilya pa po akong binubuhay. Kaya sige na po, sumunod nalang po kayo" pagmamakaawa pa nito

Balak ko sanang pumunta kanila Tita Mellisa na mommy ni Louise, Walking distance lang naman ang daan papunta sa kanila dahil nasa parehong Village lang naman kami

Kating kati na kong lumabas dahil ilang araw na kong nabubulok dito, pero mukhang hindi na matutuloy dahil sa guard na 'to

"Lexine! don't act like a mule! hindi ka pwedeng lumabas kaya bumalik ka rito!" agad akong napalingon kay kuya Gavin nang bigla nalang itong sumigaw na nasa harap lang ng main door

"Aalis muna 'ko, huwag kang lalabas" madiing bilin nito ng makalapit ako sa gawi niya habang nasa suot-suot na relo pa'rin ang atensyon nito

He is presently wearing a white long sleeve and black pants too na bumagay sa kaniya, magulo rin ang buhok nito na mukhang hindi man lang nag-abalang ayusin at mukhang nagmamadali rin siya

"Sa'n ka naman pupunta?" kuno't noong tanong ko, sa pagkakaalam ko ay lumiban siya ngayon sa trabaho niya na hindi naman niya madalas gawin

Ginagawa niya lang 'yon tuwing may emergency sa bahay o meron siyang mahalagang aasikasuhin at siguradong si Celine ang dahilan nito

"I'm just going to check something out, hindi rin ako mag tatagal dahil binilin ka sakin ni dad" sambit nito habang abala rin sa pagtupi ng sleeve ng polo niya

"Si Celine, kailan mo siya balak paalisin?" pag-iiba at buryong tanong ko na ikinatingin nito saglit sa'kin

"Ate Celine" pagtatama niya "Learn to respect, she's older than you, Lex, you should put the past behind you" seryoso't madidiin nitong wika na ikina-irap ko

Nakakainis lang dahil lagi nalang niyang pinapamukha sa'kin na kailangan ko ng kalimutan ang mga nangyari noon na akala mo naman ay napakadaling gawin

"Ano bang ginagawa niya dito at ganyan nalang kadali sayo na kalimutan ang mga nangyari? tapos kagabi pinagtanggol mo pa siya, iniwan ka niya na halos ikabaliw mo" pagpapaalala ko sa kaniya

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon