chapter 11: Damian Buenavista

363 18 1
                                    

Chapter 11: Damian Buenavista

"Lucas?" gulat kong banggit sa pangalan nito nang siya agad ang bumungad sa'kin pagkapasok ko palang ng kwarto ko

Kasalukuyan itong nakaupo sa paanan ng kama habang may hawak-hawak na babasaging baso na naglalaman ng alak

Maraming pasa at sugat ang mukha nito dahil sa natamo niya kanina na ngayon ay natatakpan ng maliliit na band-aid

Kanina ko pa siya gustong puntahan pero hindi ko alam kung sa'n nila ito dinala

Abot-abot tuloy ang pag-aalala ko dahil baka binalikan nanaman siya ni Cross o baka may ginawa ng masama ang mga kaibigan nito sa kaniya

"What came to your mind and you thought of having a relationship with him?" walang emosyong tanong nito habang nananatili parin sa sahig ang paningin niya

"You should rest–"

"Ang tanong ko ang sagutin mo!" putol nito sa sasabihin ko bago ako hinarap ng isang matalim na tingin

His eyes were burning right now because of madness at dala na rin siguro ng alak na nainom niya

"Wala kaming relasyon at yung nakita mo, hindi 'yon totoo" pagtatangi ko

Peke itong natawa "Meron siyang isang babae na laging binabanggit at hindi ko alam na ikaw pala 'yon, and you know what sucks me? 'yon yung tinulangan ko silang hanapin ka at hindi man lang kita nakilala! Samantha right? that bullshit name of yours!" hindi ko maiwasang magpakawala ng malalim na hangin dahil sa sinabi niya

"I'm sorry, nang dahil sa'kin nasira ang pagka-kaibigan niyo, but believe me, Lucas, that's not my intention" nang matapos kong banggitin 'yon ay hindi ko maiwasang mapatili ng bigla nalang nitong marahas na ibinato sa gilid ko ang baso na hawak-hawak niya dahilan para lumikha 'yon ng nakakabinging ingay

Is he out of his mind!?

"I don't give a damn about those fucking friendships! for pete's sake! there's a lot of men out there, Lexine! pero bakit siya pa!? do you know how dangerous person he is? he's a demon you wouldn't think to mess with, he killed a lot people- innocent or not!" biglang bulyaw nito na halos magpaatras sa'kin dahil sa takot

Hindi ko maiwasang mapalunok ng magsimula itong tumayo at lumapit sa gawi ko

"Noon palang sinabihan na kita na wala kang pwedeng magustuhan kahit isa sa kanila, binalaan na kita pero hindi ka nakinig! and worst, si Kaizer pa talaga ang pinatulan mo! hindi mo siya kilala, hindi mo alam ang mga kaya niyang gawin! Do you have any idea kung gaano kabaliw ang gagong 'yon sa'yo? he can kill for you, Lexine! for pete's sake!" mahabang sambit nito at huli na para mapigilan ko ang palad kong lumapat sa pisngi niya

Bakit ba napakadali nalang para sa kaniya na pangaralan at husgahan ako!? ni hindi niya nga alam ang totoong kwento!

"Wala kang alam sa mga nangyayari, Lucas, baka nga mas kilala ko pa siya kaysa sa inaakala mo" pinahid ko ang mga luhang rumaragasa sa pisngi ko "Pero sige, gusto mo ng sagot sa mga tanong mo? pwes ibibigay ko 'yon sa'yo!" matigas na sabi ko

"Yes, I admit, we had a relationship back then, pero matagal ko ng tinapos ang namamagitan sa'ming dalawa. I didn't even love him when we were together at hindi ko kayang mahalin ang taong sumira ng buhay ko!" panimula ko habang siya ay nananatili lang na nakatitig sa'kin at nakikinig sa mga sinasabi ko

Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga ugat nito na halos kumawala na sa leeg niya hudyat ng pagpipigil

"Nakita ko kung paano siya walang awang pumatay, nakita ko kung paano niya pinahirapan ang mga taong mahahalaga sa'kin! Hinarap ko 'yon ng mag isa! because I don't have my family with me! si Auntie nalang ang nando'n para sa'kin noong mga panahon na 'yon pero pati siya gustong ipagkait sakin ni Cross!" I stopped to breath and wiped my tears

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now