Chapter 17: Mother
Malalim akong napahinga bago inilibot ang paningin sa malawak na paliparan na ito
What happened back then still lingers in my mind— sariwang-sariwa pa rin sa'kin lahat ng sakit na idinulot sakin ng lalaking yon
Paulit-ulit akong nag makaawa sa kaniya noon na huwag niyang ituloy ang binabalak niya pero mas pinili nitong magmatigas
Sapilitan niya akong dinala noon sa America at doon kami namuhay na hanggang sa ipinanganak ko ang kambal naming anak
And after 5 years, finally, nakabalik na rin ako
"Dito po ba nag w-work si daddy? makikita na po ba natin ulit siya?" tanong ng limang taon kong anak na si Xchenna na agad kong ikinailing habang pababa kami ng eroplano
Hangga't maaari ay ayokong sagutin ang mga katanungan nila tungkol kay Cross
Ang alam ng dalawa ay nag ta-trabaho lang ito sa malayo pero ang hindi nila alam ay tinakasan lang namin ang daddy nila
"Thank you for everything at pasabi na rin kay Tita Beatriz na utang ko sa kaniya ang makabalik rito sa pilipinas" sinserong wika ko kay Diego na siyang nag eskort sa'min pabalik ng pilipinas
Nagpapasalamat ako kay Tita Beatriz dahil tinulungan niya kaming makatakas mula sa anak niya
Alam kong mahirap sa side niya na paburan kami kesa sa sarili niyang anak pero mas pinili niya parin gawin ang tama
"My pleasure, Ma'am, and I'm sorry dahil hindi ko na kayo masasamahan dahil kailangan ko rin agad bumalik sa America" sasagot na sana ako nang bigla nalang akong unahan ni Xcherron
"Mommy, let's go, nagugutom na po ako" pag singit nito bago hinawakan ang kamay ko at dali dali itong hinila kaya nagpatianod na lamang ako
Nang malapit na kami sa sasakyan ay ganon nalang kaba ko nang bigla nalang may nag si-sulputan na mga SUV
"Sakay na, dali" nabaling ang tingin ko kay Diego nang bigla nalang kami nitong alalayan kasama ng iba pa niyang kasamahan
Nang tuluyan kaming makasakay ay agad nila itong pinaharurot ng mabilis palayo sa mga nagbabarilan ro'n
"Mommy, what's happening?"tanong ni Xchenna kaya't niyakap ko nalamang ito ng mahigpit
We already expected this, alam namin na kahit sarili niyang Ina ay kaya niyang kalabanin para lang sa mga hangarin niya
"You, why are you still here? ang sabi mo aalis kana pero bakit ka pa sumama?" bakas ang iritang tanong ni Xcherron kay Diego na ngayon ay nakasakay sa passenger seat
Agad ko naman itong sinaway dahil sa inasal niya
Hindi ko alam pero lagi nalang mainit ang dugo niya rito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya
Lagi niya nalang itong sunusungitan sa 'di malamang dahilan
"I'm sorry, young master, pero ako ang mapapatay ng grandma niyo kapag may nangyaring masama sa inyo" maamong sagot naman nito
"Then let my dad kill you" agad nabaling ang tingin ko kay Xcherron dahil sa biglang lumabas sa bibig nito
"Watch your words, Xcherron" pangaral ko rito na mukhang wala namang narinig
"Mommy, who are those goons po ba?" biglang tanong ni Xchenna kaya sa kaniya naman nabaling ang atensyon ko
Hindi na bago sa kanila ang makakita ng baril dahil sa bahay namin sa america ay napapalibutan ito ng mga armadong lalaki
![](https://img.wattpad.com/cover/344564454-288-k323367.jpg)
YOU ARE READING
Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)
RomanceEnthusiasm Series #1: Alexkaizer Buenavista (Under Revision) "You've become a brave woman now, huh? too bad, you're still my baby after all" ⚠️ Ex-boyfriend