Chapter 18: Ruthless Husband
Lexine's POV
Nang ma-alimpungatan ako ay nabaling ang tingin ko sa mga bata at ganon nalang ang pagtataka ko nang hindi ko makita si Xcherron
"Xcherron?" bumangon ako at tinungo ang comfort room nang mapansin ang liwanag na nanggagaling ro'n
Sumilip ako sa nakatiwang-wang na pinto at ganon nalang ang gulat ko nang makitang may kausap ito sa telepono
"Pero bakit po?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang cellphone na yan dahil ngayon ko lang ito nakita at wala akong ideya kung sino ang kausap niya
"Talaga po, daddy? okay, I will wake Xchenna" bigla nalang akong nanigas sa kinatatayuan ko marinig ang sinabi nito
"I can't wait-" nanginginig sa galit akong pumasok at hinablot ang cellphone na nasa tenga niya
"Hayop ka talaga! tigilan mo na nga kami ng mga anak ko! patahimikin mo na kami parang awa mo na!" galit na sigaw ko sa kabilang linya
Nang marinig ko ang halakhak nito ay agad kong pinatay ang tawag at tinapon ang cellphone sa trash can
"M-Mommy" galit na binalingan ko ito dahil sa ginawa niya
"Bakit ka nakikipag-usap sa kaniya ng hindi ko alam!?" singhal ko rito na nagpayuko sa kaniya
Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin bago ikinalma ang sarili
Sa totoo lang ay gusto kong magalit ng husto sa kaniya pero hangga't kaya kong mag-timpi ay gagawin ko
I know he is too young for this, and this is not the proper way to confront him
"Kailan pa to?" kalmadong tanong ko rito habang nananatili lang itong nakayuko at nilalaro ang maliliit niyang mga daliri
"Sinabi mo ba sa kaniya kung nasaan tayo?" kalmado kong tanong rito pero sa totoo lang ay gusto ko ng sumabog sa galit
Kung may ideya lang sana siya na napakadelikadong matunton kami ng ama nila dahil pag-nagkataon ay baka saang lupalop nanaman ng mundo kami nito dalhin
Hinawakan ko ang baba nito at inangat yon ng bahagya bago siya tinignan sa mga mata "Sumagot ka"
"H-Hindi po" tugon nito nang hindi nakatingin sa mga mata ko
As her mom, alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at nag sasabi ng totoo
"Tell me the truth"
"H-Hindi nga po, I-I don't know where we are" tinignan ko ito ng mariin, hanggang ngayon ay nag-dadalawang isip parin ako sa isinagot nito
Lumuhod ako at pinantayan siya "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo. You don't have any idea how dangerous your father is, ayokong pagsisihan mo 'to sa huli" nakikiusap ang mga matang sabi ko rito
"Xcherron, can you listen to me kahit ngayon lang? please, stop communicating with your dad for now hangga't hindi pa naaayos ang lahat"
Napansin ko ang pag-daan ng sakit sa mga mata nito
Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon pero kailangan muna namin mag-tiis
"Always remember that I love you at all costs, son. Please, let's choose the right path. I am here to guide both of you, and I promise that I will never leave you behind" nakangiting pagpapaalala ko rito at agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit
ESTÁS LEYENDO
Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)
RomanceEnthusiasm Series #1: Alexkaizer Buenavista (Under Revision) "You've become a brave woman now, huh? too bad, you're still my baby after all" ⚠️ Ex-boyfriend