chapter 21: Madness

366 22 2
                                    

Chapter 21: Madness

"Aida, si Manang Lorna? parang hindi ko pa siya nakikita ngayon" pag-agaw ko sa atensyon ni Aida nang maabutan ko itong nag-lalakad sa sala

"Eh, Ma'am, wala na po dito si Manang. Nagulat nalang po kami na pinalayas na po siya ni sir kaninang umaga" malungkot na sabi nito na ikinagulat ko

Bakit naman papalayasin ni Cross si Manang dito? dahil ba 'to sa nangyari kahapon? pero sa pagkakaalam ko ay maayos na kami

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam eh" hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad dumiretso sa opisina niya kung nasa'n siya ngayon

Pagkapasok ko palang ay naabutan ko na itong nakaupo sa swivel chair habang nagtitipa sa laptop niya

"It's already late in the evening, bakit hindi ka pa natutulog?" biglang tanong nito nang maramdaman ang presensya ko

"Tinanggal mo sa trabaho si Manang Lorna?" diretso at walang pag-aalinlangan kong tanong

Kahit sa sandaling pagsasama at pag-uusap namin ni Manang ay mabilis gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya kaya hindi ko matanggap na bigla nalang siyang pinaalis ni Cross

"She needs to take a break first, ayoko siyang nandito at nakikipag-usap sa'yo" pag-amin nito na napasinghap sa'kin sa inis

Sa tono palang ng pananalita niya ay hindi ko na 'yon nagustuhan

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pang paalisin si Manang kahit hindi naman gano'n kabigat ang ginawa niya?

"Pinaalis mo siya dahil lang sa ayaw mong nakikipag usap ako sa kaniya? anong klaseng rason 'yan?" nagpipigil kong tanong rito

Pabalya nitong sinara ang laptop niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko "Lang? sinisiraan niya ko sa'yo, noon pa man ay wala na talaga siyang ginawa kun'di manghimasok sa buhay na'ting dalawa"

"Pero hindi mo pa rin dapat 'yon ginawa. Akala ko ba maayos na ang issue na 'to? pero bakit kailangan mo pa siyang tanggalin sa trabaho?"

Pabalya itong sumandal sa upuan at hinarap ako "Why are you feeling so damn affected? hindi mo siya gano'ng kakilala kaya huwag mong ipapamukha sa'kin na mas pinipili mo ang matandang 'yon kesa sa sarili mong asawa"

"Huwag mong gamitin ang pagiging mag-asawa natin para maliitin ang ibang tao" madiin na paalala ko rito

"Just forget about her and let me handle this. Hahanap ako ng papalit sa kaniya, ayokong siya ang maging dahilan ng pag-aaway natin" bigla nalang kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya

Sa pagkakaalam ko ay matagal na itong naninilbihan sa kaniya pero bakit napakadali nalang para sa kaniya na paalisin ito

"Hindi tayo magkakaayos hangga't hindi mo siya pinapabalik rito"

"My decision is already final and if that's the case, hindi ako mapapagod na suyuin ka" mapagmatigas na sagot nito

"Iiwan kita" wala sa sarili sambit ko na nagpaangat ng kilay niya

Tipid itong natawa "Subukan mo" panghahamon nito na nagpaurong ng dila ko "Marami na tayong napagdaanan at sa tingin ko hindi mo gugustuhing maranasan ulit ang mga nangyari noon"

Napakunot ang noo ko. Kahit wala akong ideya sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang kabahan sa di malamang dahilan

"And seriously? iiwan mo 'ko dahil lang sa matandang yon? what a damn bullshit reason" walang modong turan nito

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now