chapter 23: Trust

329 15 3
                                    

Chapter 23: Trust

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang mas lalong naging mahigpit sa'min si Cross

Sa mga panahong 'yon ay hindi rin naging maganda ang pagsasama na'ming dalawa

Buong akala ko ay maaayos rin namin ang issue na 'to pero wala yatang araw na hindi kami nag kasagutan

Nakuha pa nitong mag-dagdag ng mga tauhan niya na nag-kalat ngayon sa labas ng bahay para lang masigurado na hindi kami makakalabas

"Ate Mildred, si Cross po?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay dito nang maabutan ko ito sa kusina

"Ay, Ma'am, kakaalis lang po ni Sir. Hindi na po niya nasabi sa inyo kanina dahil ayaw niya po kayong gisingin, pero ibinilin naman ho niya kayo sa'min ng mga bata" mahabang paliwanag nito na napatango sa'kin

"Nag-sabi ba siya kung anong oras siya uuwi?"

"Baka gabihin na daw po siya eh" tugon nito bago nag-paalam na may gagawin pa daw siya sa labas

Agad akong pumanhik sa itaas at pasimpleng pumasok sa opisina niya

Sa totoo lang ay matagal ko na itong gustong gawin pero natatakot lang ako na baka mahuli niya o kaya ni Armando

Mahigpit kasi nitong ipinagbabawal na walang pwedeng pumasok sa opisina niya hangga't wala siya ro'n pero ngayong wala siya ay ito na ang tsansa ko para makapag-halughog

Alam kong mali ang ginagawa ko pero kailangan kong makahanap ng ebidensiya tungkol sa totoong pagkatao ko

Una kong nilapitan ang lamesa niya at binuksan ang mga drawer nito pero kada papel na nando'n ay puros galing lang sa kumpanya

Sunod kong binuksan ang iba pang cabinet na nandito pero ganon nalang ang panlulumo ko ng wala ng makitang kahit anong papel

Inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto na 'to at bigla nalang napako ang tingin ko sa pader nang mapansin ang itim na nakaukit ro'n

Kung titignan mo lang 'yon ng mabilis ay hindi mo ito agad mapapansin pero kung susuriin ay para 'yong isang pinto papunta sa tagong kwarto

Hindi ako nag-dalawang isip na lumapit ro'n at ganon nalang ang gulat ko ng mabuksan 'yon nang itinulak ko ng bahagya

Madilim sa loob at wala ring mga bintana kaya agad kong kinapa ang switch ng ilaw at binuksan 'yon

Naglakad ako papasok sa loob at ang amoy ng mga papel na agad ang unang bumungad sa'kin

Ngayon lang ako nakapasok rito at unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang mga trolley cabinet na nakahilera sa loob

Punong puno 'yon ng sandamakmak na papel at hula ko ay dito niya lahat tinatambak ang mga papel na pinapakinabangan niya

Sa sobrang dami no'n ay hindi ko alam kung ano ang uunahin. Kung susuriin ko ito isa-isa ay siguradong aabutin pa ako ng siyam-siyam

Sa huli ay napagdesisyunan ko nalang mag-umpisa sa corner ng kwarto na ito kung saan ay meron ding mga cabinet

Halos lumipas na ang bente minuto ay wala parin akong nahahanap na ebidensiya at sa gitna ng paghahanap ay hindi ko namalayan na may natabig pala akong isang folder

Pinulot ko 'yon at gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang printed text na Lexine Collins sa taas mismo ng folder

Bigla nalang akong pinagpawisan ng malamig. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na't ito ang sinabi nilang totoo ko raw pangalan

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now