CHAPTER 13.
Third Person's POV.
"Alam mo nakakainis kana!! Pagkatapos nang ginawa mo sa akin 5 years ago, babalik ka ngayon upang guluhin kami ng anak ko?!!"
"OUR SON. And by the way, hindi ako manggugulo."
"Huh! Hindi ba talaga!"
"Yes! I'm not gonna make any trouble, okay? I didn't came back upang guluhin ko kayo. I came back because I want to fix the most important in my life that I break 5 years ago."
"Aahhhh so nakabasag ka ng baso?! Lagot ka."
Napapikit si Martin sa sinagot ng kaniyang kasama. Parang hindi naman nito makuha-kuha ang kaniyang ibig sabihin. Napakamot na lamang siya sa kaniyang noo.
"Pwede ba?! May sarili naman akong sasakyan at hindi ko kailangan ang insist-insist mong yan na ihatid ako!"
Napakamot na lamang sa gilid ng tenga si Martin dahil sa lakas at maingay na boses ni Scarlet na dumagundong sa bawat sulok ng kaniyang sasakyan. Kanina pa ito sigaw ng sigaw sa loob ng kotse matapos niyang ipilit ito kanina na ipasok sa loob ng kaniyang kotse.
*FLASHBACK*
Inis naman na nakasunod si Scarlet kay Martin at nagdadabog pa ito sa paglalakad. Nang makalabas na sila ng restaurant ay saka niya hinabol si Martin at hinarangan ito sa unahan.
"Hindi kita kailangan! Kaya kong umuwi nang mag-isa! Akala mo hindi kita kayang sagot-sagotin dahil Boss kita? Huh! Akala mo lang!", Sambit nito.
Huminto naman si Martin sa kaniyang harapan kaya magkaharap na sila ngayon.
"Well? I am not also expecting that you would respect me as your Boss.", Sabi nito.
"Hindi talaga----Aaaaahhhhh!!!"
Mula sa boses nitong sigaw ng sigaw ay napalitan ito ng malakas na tili nang bigla siyang buhaton ni Martin na parang sako. Tumaas ang sulok ng labi ni Martin habang naglalakad at nakapas-an sa balikat nito si Scarlet na nagpupumiglas.
"Ano baaaa!!! Ibaba mo akoooo!!!", Tili nito habang pinagpopokpok ang likod ni Martin na kasing-tigas ng bato.
Isang manly laugh lamang ang kaniyang narinig mula dito.
"Do you like my muscle wife? You can also touch it.", May tonong panunukso nitong sabi kaya natigil sa pag-pokpok si Scarlet sa kaniyang likod.
"Bw*sit kaaaa!!!", Sigaw nito sa inis at nagsimula muling magpumiglas mula sa balikat nito.
Ngunit ay hindi naman natinag si Martin sa kaniyang pagpupumiglas bagkus ay napahalakhak pa ito kaya mas lalong nainis si Scarlet.
"You know what, Wife? I really cared about my body. I go to gym to exercise and to grow my muscle.", Sabi nito at mahinang natawa.
Wala talaga siyang ibang maisip kundi ang inisin si Scarlet. Naalala niya kasi kung paano nagsimula ang kanilang lovestory.
"Wala. Akong. Pake. Kung. Gaano. Kalaki. Ang. Pangangatawan. Mo!", Madiin na sagot ni Scarlet.
Isang tawa ang kaniyang narinig mula kay Martin at maya-maya pa ay naramdaman niyang huminto na sa paglalakad si Martin. May narinig siyang pag-bukas sa pintuan ng sasakyan at walang pag-aalinlangan naman siyang pinasok agad sa loob ng kotse.
"Hoy!", Sigaw niya nang mabilis agad sinarado ni Martin ang pintuan ng kotse.
Sinubukan niyang buksan ang pintuan ngunit naka-lock na ito. Kotse nga ito pero pakiramdam niya ay mahirap itong galawin. Napalingon siya sa kaniyang tabi nang maramdaman ang pagpasok nito at sinarado ang pintuan.