Twelve

18.6K 456 0
                                    

Nagising si Yuri sa sunud sunod na tawag sa phone niya. She checked for her bedside clock and it tells that it's 3:26 in the morning. Shit! Alas tres ng madaling araw?!

Naiinis niyang inabot ito. Hindi na rin siya nagabala pang tingnan ang caller. "Hello?"

"Hello? Ito ba si Yuri Henares?" This time, napatingin na siya sa caller ID at nanlaki ang kanyang mata nang malamang si Trace iyon. Ngunit bakit iba yata ang boses at hindi pa siya nito kilala?

"Oo, ako nga. Sino 'to?" Sagot niya.

"I'm Mark, pinsan ako ni Trace. Pwede mo ba siyang puntahan sa Condo niya?" Wika nito.

Nagsalubonh ang mga kilay niya. Paanong alam nito na alam niya kung saan ang condo ni Trace? At bakit siya pa? Bakit siya, in the first place?

"Hello. You still there?"

"O-oo. Ano, bakit ako?" Nagugulumihan niyang tanong dito.

"Do I have to answer you, Yuri?" Bigla siyang napahiya roon. Oo nga pala't pinsan ito ni Trace at malamang ay alam nito ang mga ginagawa ng pinsan. Marahil nga alam nila na isa siya nitong Concubine.

Hindi siya kaagad nakasagot. Pumirma sila ng kontrata na walang dapat na pagsabihan niyon. Ibig sabihin, dapat walang ibang makakaalam kundi sila lamang. Pero bakit nito alam?

Bigla tuloy siyang nagkaroon ng konklusyon na isa ring Bacheler sa TSClub si Mark Andrei Maguire. O kung hindi naman ay talagang malapit lang silang magpinsan sa isa't isa at talagang nagsasabihan sila ng mga lihim.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Sige. Magaayos na muna ko."

Nagpasalamat lang si Mark at pinatay na niya ang tawag. Parang may kung anong pakiramdam siya na hindi magandang matagal silang magkausap nito. Baka kung saan pa kasi mapunta.

"F*CK YOU, HANS!" Isang malutong na mura ang ibinato ni Trace sa pinsang si Hans nang magtangka itong hubaran siya.

"Aba't, nakakag*go ka na, Trace ah! Tinutulungan lang kita! Umayos ka nga! Ang baho mo, amp*ta!" Saway naman ni Hans sa kaniya.

"Ayoko nga sabi! Let me sleep like this and leave me alone! Umalis na nga kayo dito!" Sakto naman ang pagpasok ni Mark.

"Umiinom kasi ng matapang na beer, akala mo naman yakang yaka! Tsk." Lumapit si Mark upang pulutin ang nahulog na phone ni Trace.

"Umalis na nga lang kasi kayo! Shit!" Napamura si Trace nang maramdamang susuka na naman siya. Nagmamadali siyang tumayo at nagtungo sa banyo.

Parang lalabas lahat ng lamang loob ni Trace sa nararamdaman. Yeah, it's his first time. Hindi naman kasi siya umiinom kung alam niyang hindi niya kaya ang tapang ng alak.

Maya maya pa'y may naramdaman siyang hagod sa kanyang likod na nagpagaan ng pakiramdam niya. Hinarap niya kunh sino ito at natuwa nang makitang iyon si Yuri.

"Hey," He mumbled, still exhausted.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, sir?"

"Trace." Pagtatama niya rito. Bakit ba ang kulit ng lahi niya?

"Ay, oo nga pala." She said. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Trace?" She repeated. Trace can't help but chuckle.

"Now that you're here, I know I'll be fine." Ramdam ni Yuri ang pamumula sa mga oras ding iyon. Nakaramdam siya ng kilig at hindi niya alam pero gustung gusto niya ang ganoong pakiramdam.

"Halika na." Aya niya sa binata.

She made him lie down on his bed. Lumabas siya upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. She came back to his room only to see Trace's closed eyes.

Seige Of PleasuresWhere stories live. Discover now