Chapter 32: Breakin' to pieces

223 5 4
                                    

(A/N: Ayan may update ko. Lol. May continuation 'tong chappy nato kaso gusto kong mambitin. HAHA! Vote and comment naman jan guys. Salamt. naghahanap rin ako ng marunong gumawa ng BC. :) PM me lang. ;)


Chapter 32: Breakin' to pieces

 

Yna's POV

 

     Maaga kaming nagising ng anak kong si Race dahil susunduin pa kami ni Chris dahil ipapasyal daw naming si Engr. Valdez pero bakit kaya ako nakakaradama ng kaba? Parang may hindi magandang mangyayari. Nagiging nega na naman ako.

    

     'Ano ka ba Yna, siyempre talagang kakabahan ka big boss ng fiancé mo yung makakasama niyo'.

    

     Oo nga pala. Siguro dahil doon ay kinakabahan ako. Dapat kailangan ko ring magpaimpress sakanya para hindi niya tanggalin si Chris sa trabaho.

 

     "Baby, behave ka lang doon sa pupuntahan natin ha?"

    

     "I'm always a good boy naman mommy and besides I have my Ipad so I will not bother you."

     "Naku ang bait naman ng baby ko. Pakiss nga."

    

     Hinawakan niya naman ang mukha ko saka niya ako kiniss sa magkabilang pisngi.

     "I love you mommy. Whatever happens I will always be at your side."

     "Ikaw talaga baby, pa hug nga si mommy."

     At ang mahal kong anak, yinakap ako at niyakap ko rin siya.

Race is my life. Ikakamatay ko kapag nawala siya sa akin. Mawala na lahat huwag lang siya. He's my everything pero ang ikinakatakot ko, baka hanapin niya ang tunay niyang ama.

     Hindi naman lingid sa kaalaman ni Race na hindi tlaga si Chris ang tunay niyang ama. Sinabi ko na ng mas maaga pa dahil ayoko siyang masaktan kapag saka pa niya malaman kapag matanda na siya. Ayokong magalit ang anak ko. Mahal na mahal ko siya.

     "Mommy, awat na po. Nandito na po si Daddy Chris."

     Daddy ang tawag niya kay Chris dahil siya ang kinamulatan niyang kasa-kasama ko at alam din niya na fiancé ko si Chris that's why he's  been asking me bakit daw hindi pa kami magpakal ni Chris para daw maging real daddy na niya ito. Natatawa na lamang ako kapag nagtatanong siya. Well, hindi ko naman siya masisis. Naghahanap siyang kalinga ng ama at kay Chris niya iyon nahanap. Minsan naiisip ko rin yung sinabi ng anak ko pero parang may nagsasabing hindi pa ito ang panahon para pakasalan ko si Chris.

     Maybe because the mere fact that hindi ko pa alam kong nasaan ang tunay na ama ng anak ko. Nagui-guilty ako sa tuwing naiisip ko yun. Pero matagal na panahon na, at bakit wala paring dumarating?

     "Honey, nasa ibang bansa na naman yang isipan mo no?"

 

     Nagising ako sa lalim ng aking pag-iisip ng biglang magsalita si Chris. Ngayon ko lang napansin na nasa harapan na naman siya ng anak ko at buhat buhat na niya ang bata.

     "Eh?"

     "Ang sabi ko, malalim na naman yang iniisip mo."

 

     Mind reader ba 'tong lalaking to?

     "Hindi naman, alis na tayo. Diba dadaanan pa natin yung boss mo?"

     Hindi na din kami nagtagal sa bahay at sumakay na kami sa sasakyan niya. Si Race ayun naglalaro sa Ipad niya nasa likod siya. Pero mamaya doon din ako sasakay kasi sa passenger's seat sasakay yung boss ni Chris.

     After 20 minutes nakarating na kami sa opisina nila.

 

     "Wait lang honey ha? Tatawagin ko na si Sir Valdez." Paalam ni Chris sa akin.

     The mere mention of his surname makes me shiver. Parang narinig ko na iyong surname na iyon pero hindi ko lang maalala kung saan. Sumasakit na naman 'tong ulo ko. Anong nangyayari sa'kin?

——————————————————————————————-

JUN's POV

     Huminga ako ng malalim bago lumabas sa opisina ko. Nandito na raw si Engr. Villanueva meaning kasama niya si Yna. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit iba to doon sa unang pagkikitang muli namin. Parang may ibang mangyayari bukod sa pupuntahan namin.

     "Sir."

     Bungad sa akin ni Engr. Villanueva.

     "Let's go." Sabi ko.

     Palabas na kami ng building at heto na naman ako yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko talaga, may kakaibang mangyayari.

     'Ano ka ba naman Jun, kalalaki mong tao. Kabaklaan yan!'

Kingina. Panira naman 'tong isipan ko eh. Ginugulo ako.

     Bubuksan ko n asana yung passenger seat nang magsalita si Engr. Villanueva.

     "Ah sir, isinama ko na pala yung anak namin ni Yna."

     Ano raw?

     Anak nila ni Yna?

     Wait?

     Nagkaanak na sila?

     F*ck!

MY RETARDED HUSBANDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang