Ililibing kita ng Buhay!

8 5 0
                                    

"Manong!" Tawag ko sa kapitbahay naming si Manong lando, pitong puto't tatlong taong gulang, siya na ata ang pinakamatanda dito sa lugar namin. Hindi siya ang mayor o kung anu mang magkatungkulan pero labis-labis ang paggalang ng mga tao sakaniya dito saamin at kasama na ako roon sa labis na gumagalang sa matandang ito.

Tumingin naman siya sa'kin mula binta sa maliit niyang kubo. "Ano ba iyon Carlo?"

"Pinatatanong ho ni nanay kung uuwi daw ho ba si itay mamaya?"

"Ay, nako hijo, ano bang malamay ko diyan sa tatay mo. Alam mo namang matigas ulo ng itay mo, kung uuwi, edi uuwi, kung hindi, edi hindi."

"Pero kayo raw ho huling nakasama niya, saan daw ho ba siya pumunta?" Tanong ko ulit.

Humithit muna siya ng tabakong kaniyang hawak-hawak. "Ay, naroon sa kabit niya. Hahaha"

"Manong Lando naman..."

"Aysiyang totoo naman, naroon sa kabit niya."

"Ano ho bang ginagawa roon ni itay?"

"Naghahanap ng pera." Sagot niya.

Haist!

"Sige ho, salamat. Dadalhan ko ho kayo ng ulam mamaya."

"Sige, iho, salamat." Huling salitang narinig ko bago ako lumabas kaniyang bakuran.

Malungkot akong naglakad pauwi, paano ba naman talagang tatalakan n naman ako ni inay. Hindi ko naman alm sasabihin ko, 'alangan namang sabihin ko nasa kabit niya si Itay edi nagkaroon na naman ng giera sa bahay.
Naabutan ko naman na naglalaba si mama sa may puso. " 'nay." Tawag ko.

Hindi naman siya lumingon saakin. "Oh, uuwi daw ba iyang tatay mo?"

"Hindi ko ho alam. Ang sabi lng saakin ni manong lando 'uuwi kung uuwi, kung hindi edi hindi'."

Hindi naman nagalit saakin si nanay. "Haist! Hayaan mo na."

May mg lalaki akong nakitang lumabas mula sa bahay namin. Purong naka-itim ang mga lalaki, nakita ko pa ang pag-ayos ng zipper ng isang lalaki, huling lumabas.

"Nay, sino ho ba ang mga lalaking iyan?" Tanong ko.

"Bayaan mo lang. 'Wag kang mangi-alam." Sabi ni nanay.

Ang lalaking naunang sumakay sa kotse ay anak ni mayor Hervey. Mayabang at palaging nasasangkot sa gulo, wala namang makapalag dahil anak siya ng mayor. Halos lahat ng babaeng matipuhan ng tarantado pinakikialaman. Magkasing edaran ko lang iyan at alam kong mainit ulo ng lalaking iyan saakin dahil sa kagandahang lalaki ko. Maraming babae ang nahuhumaling sa'kin samantalang siya kailangang ng pwersa at pera para magustuhan siya ng mga babae.

𝘚𝘪 𝘢𝘵𝘦?!

Naalala kong nag-ayos ng zipper ang kasama ni John 𝘝𝘪𝘯𝘤𝘦𝘯𝘵. Ibig sabihin... Tsk! Nagmadaling akong pumasok sa loob ng bahay ay naabutan ko nga ang kapatid kong nakahiga at nanghihina.

"Ate!?" Tinakbo ko siya at niyakap.

"Kael,huhuhu" niyakap niya ako habang nag-iiyak sa dibdib ko. "Kael, Huhuhuhu." Pag-uulit ni ate.

"Nayy!!" Sigaw ko.

"Tama, hindi tayo papakinggan ni nanay."

𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵? 𝘕𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘣𝘢 𝘴𝘪 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺?

Iyan sana ang gusto kong itanong pero hindi ko na itinuloy pa, alam ko na ang sagot.

𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘝𝘪𝘯𝘤𝘦𝘯𝘵 𝘋𝘦𝘮𝘶𝘯𝘛𝘢𝘥𝘰𝘳! 𝘐𝘭𝘪𝘭𝘪𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.

Short storiesWhere stories live. Discover now