Hello

9 3 0
                                    

"In love with the most unexpected person at the most unexpected time" Title ng binabasa kong novel. Huminto ako sa pagbabasa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumayo ako sa harap ng bintana...

Isang maulang gabi nang ika-sampu ng hulyo. Isang babaeng nakasuot ng puting blouse na naglalakad sa gitna ng malakas na ulan ang aking nakita mula rito sa itaas ng aking bintana.

Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha ngunit narinig ko ang kaniyang mahinang boses na umahangulgol ng iyak.
Hindi ko matiyak kung siya nga ba ay umiiyak o tunog lamang iyon ng ulan na tumatama sa bubong ng bahay.

Pinagmasdan ko lamang siya mula rito sa taas ng aking binta.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung ito bang babae ay tao o multo na siyang usap usapan dito sa baranggay namin.

Natuwing gabi raw ay may nagpapakita ng babaeng naglalakad sa may kalsada habang umiiyak.

Ilang secondo lamang ang lumipas ay biglang natumba ang babae.
Walang sino man ang naroon sa lugar.
Ako lamang ang nakakita sa babae.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kung siya ba'y dapat kung tulungan?
O baka naman isa lang itong takteka  ng mga mag nanakaw o scammer.

Ang dami kong iniisip ngunit wala na akong nagawa ng biglang kusang kumilos ang katawan ko para tulungan ang babaeng natumba sa kalsada  kani-kanina lamang.

Ipinapasok ko ito sa bahay.
Tinawag ko ang aking nakakabatang kapatid na babae,upang tulungan akong bihisan ang babae na basang basa sa lakas ng ulan.

Ang ganda ng babae. Napaka puti nito,  may namumulan mga malabi,  ma-itim at kulutang buhok,  matangos ang ilong.  Hindi ko ma unawaan ang aking nararamdaman ng ito'y aking natitigan.
Inalis ko ang tingin sababae.
Iniwan ko ang aking kapatid upang asukasuhin ang babae.

Kinabukasan, pagbaba ko ng sala maraming naka haing masasarap na pagkain.
Nag taka ako kung sino ang mag gawa? Sino ang may birthday? Anong okasyon ngayon?

Ilang secondong pag iisip,  tinawag ako ni mommy. Niyaya na ako nitong sumabay sa pagkain.
Tumango lamang ako bilang sagut.

Umupo ako sa katabi ni Jelly.

"Mom,  sino may birthday?" Pagtatakang tanong ko kay mommy sabay subo ng hotdog.

Napangisi ang mommy "walang may birthday,  anak"

"Pero bakit po ang daming nakahandang pagkain? May darating po ba tayong bisita?"

"Wala anak. Kagabi pa siya nakarating." Nakangiting sabi ni mommy.

Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko.
Biglang nagpakita ang babaeng tinulungan ko kagabi sa likod ng mommy.

Nag iba siya. Ang gabing babaeng nakita kong napakaganda ay naging nakakatakot na ito.
Ang kaniyang mapupulang labi ay naging maitim na kasing itim ng uling. Ang kaniyang mahaba at kulutang buhok ay naging straight.
Sila mommy at Jelly maging si daddy naging kakaiba ang kilos ngayong araw.

"Hello" pagbati saakin ng babae sabay ngiti at iniabot nito ang kamay niya saaken.

Tinanggap ko namn ito.

Na upo ito sa tabi ko. Nilagyan niya ng madaming pagkain sa plato ko.

"Tama na. Masyado na itong madami" pag pigil ko sakaniya.

Ngunit isang matalim na tingin ang aking nakitang sagut. Na sinasabi nitong "hayaan lang na lagyan ko ang iyong plato ng mga inihanda kong pagkain."

Itinikom ko na lang ang bibig ko at hinayaan siya sa gusto niya.

"Kuya..?"
"Kuya,  walang pasom ngayon 'di ba?" Tanong ni Jelly.

"Huh?" Pagtataka ko. Chenick ko sa calendar kung anong petsya at anong araw ngayon.

Short storiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें