Part I: Be Happy I.W.L.Y.G

2 1 0
                                    

A/N: Non Fiction Story, totoong story galing sa isang taong nagmahal, nasaktan at nagparaya.

Hi! Ako si Cassandra Mandalan (di totoong pangalan) gusto ko lang ishare sa inyo yung story kong to. Hindi para isama kayo sa kadramahan at iyakan haha pero para magbigay inspirasyon sa iba na kagaya kong nagmahal ng iisang tao sa mahabang panahon para sa pangakong pinanghahawakan na malabo ng matupad. Pero kahit ganon naniniwala ako na kung hindi man siya, alam kong may nakatakdang tamang tao para sakin na ibibigay ni God. At sa taong to, you will always be my greatest love<3

Reminiscing the Past

Grade 2, grade 2 noong maging magkaklase kami ng taong to kaya nakilala ko siya. Noong una di ko pa siya napapansin kasi may boy bestfriend ako na lagi kong kalaro sa room at ang ilan ay mga babae na sila sila lang noon yung pinapansin ko at kilala ko (di ko kinikilala lahat ng mga kaklase ko kaya di ako familiar sa iba). Isang araw may bagyo pero pumasok ako dahil late announcement ang balita. May iilan din na kaklase ko ang pumasok ganon din sa guro namin. Dahil walang klase sinabi samin ng guro namin na walang gagawin at umuwi na yung mga may payong at may sundo at kung wala pa ay maglaro nalang muna habang hinihintay dumating ang mga sundo namin.

Habang naglalaro kami ng boy best friend ko sa may gilid ng puzzle, biglang sabi ng boy bestfriend ko na pinaglalaruan ni Paulo Martinez (di totoong pangalan) yung bag ko na hinihila. Pupunta siya ng harap ng board at pupunta sa likod habang hinihila yung bag ko patakbo. Hindi ko siya madalas napapansin sa room kaya naman noong tinuro siya sakin ng kaibigan ko ay medyo humanga ako sa mata ni Paulo, ewan ko pero mula bata ako mahilig na ako sa mga singkit. Tumayo ako nun at pumunta kay Paulo para kunin yung bag ko pero sabi niya ay hiramin niya lang daw muna. Wala ako nagawa nun kaya bumalik nalang uli ako sa pwesto namin ng kaibigan ko pero paminsan minsan ay tinitignan ko si Paulo, minsan sa kanya at minsan sa bag ko dahil baka masira.

Continuation..

Pagkatapos ng pangyayaring yun wala na ulit pansinan samin ni Paulo pero minsan napapatingin ako sa kanya siguro puppy love? Pero habang tumatagal kaming magkakasama sa room. Isang araw biglang siyang lumapit sakin may bitbit na parang kadena ng aso. Nilalaro niya yun sa kamay niya paikot sa braso, noong lumapit siya hindi ko inaasahan yung ginawa niya sakin. Isinipat niya sa mukha ko yung kadena. Dahil masakit at mukha ko pa ang natamaan ay umiyak ako, hindi ko makakalimutan na tumawa siya noon. Narinig yun ng guro namin at lumapit samin. Tinanong niya ako kung anong nangyari at ang sabi ko ay sinipat ni Paulo yung mukha ko ng kadena. Hindi ko alam kung anong naisipan niya nung mga panahong to bat niya ginawa sakin yun. Yung puppy love na pagkahanga ko sa kanya, ganon din kabilis nawala noong ginawa niya yun sakin. Sabi ng guro namin bawian ko siya ipalo ko din sa kanya at dahil masunurin at maawain ako sinunod ko yung teacher namin na isipat din kay Paulo yung kadena pero mahina lang yung hindi ka masasaktan di gaya ng pagkasipat niya sa mukha ko. Sinabihan siya nun na wag ng uulitin. Patapos na yung pasukan noong maitabi siya sakin sa upuan for seating arrangement pero mabait na siya nung time na to. Hanggang yan nalang ang pinakanatandaan kong pangyayare noong grade 2 kami.

Grade 3, siguro unting alaala nalang din ang maisheshare ko dito sa inyo. Kilala ko na si Paulo noong grade 3 dahil sa pangyayare noong grade 2 kami. Hindi ko nadin kaklase yung guy best friend ko nung grade 2 dahil section 2 siya at section 1 ako pati nadin si Paulo. Hindi nadin kami masyadong nagpapansinan dito kung hindi lang nangyare na nagkaroon ng seating arrangement. Siya uli yung naging katabi ko pero di gaya noong grade 2 na wala kaming pansinan noon sa upuan dahil sa nangyare, ibahin niyo ngayong grade 3 kami. Dahil pahaba yung table namin with chair sa harap (mga upuan ng elementary) tuwing ilalagay ko yung lapis ko sa lalagyanan ng lapis sa table ay lagi niyang hinuhulog yun kaya paulit ulit ko ding pinupulot. Tinitiis ko lang wag mainis sa kanya nung panahong ito dahil naririnig ko sa ibang mga kaklase ko na mahirap kalabanin si Paulo dahil isa daw siya sa mga kaklase naming siga sa room. Natakot ako aaminin ko kaya tuwing may ginagawa siya saking di maganda ay binabalewala ko nalang. Pero may times na mabait siya, di naman lagi na masama ugali niya. Ito nalang din ang ilang naalala ko noong grade 3 kami.

Be Happy I.W.L.Y.GWhere stories live. Discover now