Part II: Be Happy I.W.L.Y.G

4 1 0
                                    

Reminiscing the Past..

Bakasyon na at malapit na ulit ang pasukan. Marami uli ang nagsisipuntahang mga estudyante sa school para mag pa pirma ng clearance at magpaenroll. Ang iba ay nakikibrigada eskwela.

Noong panahon din na to ay naging kami ng grade 5 na crush ko na para sakin ay parang laro lang dahil hindi ko siya sineryoso (4 months din ang tinagal ng relasyon naming laro laro lang noong panahing grade 7 ako at grade 6 siya, hindi kami close sa personal netong grade 5 na crush ko, hindi nagkikita, hindi nagkausap ng personal, walang holding hands dahil sa mga rason ko palagi na ayokong  pagsisihan at mangyare, tuwing inaaya niya ako ay tinatanggihan ko o di kaya nagrarason ako ng ibang dahilan para di kami magkita, ako din ang nagsabi sa kanya na dapat walang makaalam sa relasyon namin pero sinabi niya padin sa kuya niya na kaklase/ kaibigan ko kaya kumalat padin. Heartthrob din siya sa school namin kaya madaming galit sakin maski yung coach nila sa volleball na baklang may gusto sa kanya, volleyball player kaya matangkad. Lahat ay nagsimula sa text at nagtapos din sa text pero masasabi kong naging seryoso siya kahit tinignan ko lang laro ang lahat ng ito sa aming dalawa).

Pumunta kami ng kaibigan ko sa school para magpaclearance. Noong papatapos na kami, may isang guro na hirap kaming magpapirma ng clearance, doon siya nakalocate sa principal's office. Dahil hindi pa kami fully paid sa ilang bayarin sa school dahil walang pambayad ay kailangan naming magsulat ng note para payagang pirmahan yung clearance namin. Mahaba ang pila pero tiniis namin ng kaibigan ko. Hanggang sa dumating si Paulo. Btw mahilig si Paulo magsuot noon ng mahahabang damit kaya madalas namin o ako na asarin siya na damit ng papa niya yung suot niya. Hindi kasi siya mahilig pumorma noon. Noong makita niya kami ng kaibigan ko/ kaklase ko ay lumapit siya samin at tinanong kami kung tapos na kami. Ang sabi namin ay hindi pa. Nandon pala siya para kuhanin yung card niya. Hindi ko alam at wala akong kaalam alam kung bakit niya kukunin yung card niya dahil bata pa kami. Hindi ko na siya natanong noon kung bakit dahil may unting pagkailang padin akong nararamdaman sa kanya. Ang sabi niya tutulungan niya daw kami ng kaibigan ko na matapos kaagad. Kinuha niya samin yung mga papel namin at siya na ang mag-isang pumasok sa loob ng office. Paglabas niya ay pirmado na ng teacher namin yung clearance namin. Pagkatapos nun umalis nadin siya. Hindi ko alam na iyon na pala yung huling kita ko sa kanya at makakasama ko siya.

Grade 7, first day of school. Excited ako neto kasi noong huling kita ko kay Paulo sa school ay lagi na siyang pumapasok sa isip ko. Kahit kami noong panahon na to nung grade 5 na crush ko noon, si Paulo ang madalas sa isip ko. (Noong mga panahon din na to, ayoko na sa pinasok kong laro. Naghahanap nalang ako ng tyempo pano kami magkakahiwalay noong grade 5 na grade 6 na ngayon. Pero kahit ganon naaappreciate ko din naman itong grade 6 kahit papano sa mga ginagawa niya kaya minsan sinusuportahan ko din sa laro niyang volleyball. Nanonood lang ako sa malayo tuwing may laro sila dahil halos kalat na sa iba na ako yung jowa niya, binigyan ko din siya ng lumbands yung parang sanriyo pero gagawing bracelet bilang pasasalamat sa kanya sa pag appreciate din sakin kahit papano, kahit laro lang naging tingin ko sa relasyon namin dahil mga bata pa kami at walang love na nabuo). Hinanap ko saan nakaupo si Paulo pero wala akong Paulo na nakita, ang nasa isip isip ko nalang ay baka late o di kaya absent kasi baka may sakit. Lumipas uli ang araw at wala parin si Paulo. At sa pangatlong araw, habang nagsusulat ako, kusa nalang akong napahinto noong marinig ko ang pangalan na binanggit ng isa naming kaklase na walang iba kundi si Paulo. Doon ko nalaman na lumipat na pala ng private school si Paulo, di kalayuan sa school namin ang school niya. Nalalakad lang din dahil magkalapit lang ang private at public school sa amin. Nalungkot ako nun ng sobra, nandon yung mga what if's. Like what if may mahanap siyang iba? What if di ko na siya makita? What if siya nalang nung una palang ang pinili ko? Ang daming what if at pagsisisi ang bumalot sa isipan ko noong mga panahong ito. Doon ko lang napagtanto ang lahat ng kinikilos ko. Yun pala ay matagal ko nadin siyang gusto pero tinatago ko lang dahil takot ako at ayokong masira ang pinagsamahan naming dalawa. Not until ginawa ng grade 5 yung pinakahihintay kong tyempo, yung makalaya ako saming dalawa. Nagkaroon kasi siya ng gf habang kami palang kaya direkta ko siyang brineak noong nalaman ko kaagad ang nangyare. Pero aaminin ko, nasaktan ako kahit papano, kahit laro lang ang naging tingin ko. Nandon yung part na para akong na trauma na mangyayare din pala sakin yung lolokohin ka. Yung kayo pa pero may iba na pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Happy I.W.L.Y.GWhere stories live. Discover now