018

50 6 0
                                    

+639*********

August 27, 3:20 pm

Mama:
Nak?

Tara Leigh:
Ma? Bakit po?

Mama:
May extra ka ba diyan?

Tara Leigh:
Para saan po?

Mama:
Kailangan lang sa bahay. Ano? Meron ka ba?

Tara Leigh:
Ma, sorry po. Naubos na po kasi 'yung allowance ko. Kakabili ko lang books.

Mama:
Sige. Unahin mo na lang iyan.

Tara Leigh:
Ma, bawi na lang po ako sunod. Wala na po talaga akong extra.

Mama:
Wag na. Minsan lang kita hingian, alam mo yan.

Tara Leigh:
Ma naman.

Mama:
Ingat ka na lang diyan.

Tara Leigh:
Di n'yo ba ako kakamustahin man lang?

Mama:
Para saan? Eh kaya mo naman lahat.

Tara Leigh:
Iyon nga po eh. Wala naman po akong choice kung hindi kayanin. Hindi naman porket hindi ako nagsasabi ay kaya ko na lahat.

Mama:
Ano bang dinadrama mo? Hinihingian ka lang ng pera kung ano ano nang pinagsasabi mong bata ka.

Tara Leigh:
Sige po. Pasensya na Ma.

-------------------

Tala 🔒@leighgandaaaaa


Simpleng pangangamusta lang Ma.

Tala 🔒@leighgandaaaaa

Lalapitan n'yo lang ako kapag kailangan n'yo ng pera. Hindi pa nga nagtatrabaho ganito na kayo.

Tala 🔒@leighgandaaaaa

Why am I cursed?

It sucks... breathing sometimes. 

Tala 🔒@leighgandaaaaa
When will y'all ever care about me? Anak n'yo rin naman ako, ha.

-----

A Little LieWhere stories live. Discover now