Chapter 23

299 10 2
                                    

After our short trip, we decided to walk and talk, catching up on our lives. Of course, while holding hands. I can't stop thinking that this is one of my dreams before, walking under the moonlight together with the one I love. The night is not scary anymore because he is beside me.

"So, when are you coming back to the Philippines?" he asked, which made me chuckle.

"Wow, you acted like you didn't know, huh? You're typically my stalker, Enzo."

"Wow, what a confidence you got there!" Kiniliti niya naman ako.

I glanced at him. "C-can you stop? Bakit mo ba tinatanong? We'll fly back after two days!" sagot ko habang inaalis ang kamay niya at pinipigilan ang pagtawa.

"I know you are but what I mean is, when are you planning to stay for good? You see, your soon-to-be-husband is wealthy so you don't have to work your ass off here."

"Wow, what a confidence you got there, Engineer Enzo Iñigo Canillo!" panggagaya ko sa ibinanat niya sa akin kanina. "Well, I love my job so even if you got a lot of money in this world, I would still choose to work on my passion. I love traveling so your wealth is not enough to stop me from doing what I want."

Natawa siya. "Sabi na nga ba't gusto mo talaga akong maging asawa," hirit niya. Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit ba lagi niya akong naiisahan? I thought we were talking about his wealth, why suddenly the desire of mine being him as my husband became the issue here?

Well, I must tell the truth. "Totoo naman," sagot ko na siyang ikinagulat niya. Ako naman ang natawa sa naging reaksyon ng mokong. "Oh, ano? Tanggal angas ka na naman? Lakas mong mang-asar, eh, kapag binanatan ka pabalik, nawawala ka sa wisyo."

Napakamot na lang siya ng ulo at muli napatunganga na para bang mine-memorize ang sinabi ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hotel na tinutuluyan namin ni Daisy. Nagpaalam na ako sa kaniya pero sumusunod pa rin siya sa akin.

"Hoy, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Dito rin ang hotel ko," sagot niya. Kumunot ang noo ko pero knowing that he's Enzo, of course, he'll choose to stay near me. "O-okay."

Sumakay na kaming pareho sa elevator. Napatikhim ako sa katahimikang bumalot sa amin dahil dalawa lang kami sa loob. Hindi ko alam bakit parang ang tagal naman yatang mapunta sa twelfth floor ang elevator na 'to para makababa na ako. Sa fifteenth pa sya, eh. Mauuna akong lumabas.

Tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin. Napatikhim ako lalo nang makitang nakatingin din siya sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Shit. Kakakita niyo palang sa isa't isa, Sunny. Huwag mong sabihing nagnanasa ka na agad?

Umiling ako at iniwas ang tingin sa kaniya.

Mabuti na lang at tumunog na ang elevator hudyat na nasa twelfth floor na kami.

"Good night, Enzo. See you next time," paalam ko.

Akmang lalabas na ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin papasok muli.

"E-enzo, w-what are you doing?" nababahala kong tanong. Sumara na muli ang pinto ng elevator.

"Why see you next time? When would that be?" seryosong tanong niya. Nakakunot ang noo niya na para bang hindi siya natuwa sa tinuran ko.

"I-I don't know."

"Why don't you know? Don't you want to see me often?"

Napaatras ako sa tanong niya. Malalim ang boses niya na para bang nang-aakit. Nagtataasan tuloy ang balahibo ko sa katawan.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon