Chapter 2

659 20 6
                                    

"Sa 'yo ba 'tong scarf na ito, Sunny?"

Napatingin ako sa nagtanong sa akin. It was Enzo at hawak niya ang scarf na ikinumot ko sa kaniya noong gabing 'yon. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari. At hindi ko alam bakit naiinis ako tuwing naiisip ko kung gaano kagrabe 'yong ginawa niya sa akin. Isang basong brandy lang naman ang nainom niya knocked out na siya tapos sinukahan niya pa ako? Paano na lang ang future namin? Paano kung ako 'yong nalasing, sino ang mag-aalaga sa akin? 'Di ba? Parang kapag naging kami, hindi ako makakapag-inom, eh. Hays. Anyway, ang advance ko mag-isip.

"Hindi 'yan sa akin," matabang kong sagot tsaka ko siya nilayuan. Ayoko nang lumapit sa kaniya lalo pa't naalala ko na hindi niya lang ako sinukahan kundi ninakawan din ng halik. Well, it was an accident pero kahit na that was my first kiss. Gusto ko pa naman memorable ang first kiss ko kaso I wasn't ready noong nakuha sa akin. Nakakaiyak.

"Ah, akala ko kasi sa 'yo. Sorry," paghingi niya ng tawad. Napakunot naman ang noo ko. Nagso-sorry siya dahil akala niya sa akin 'yong scarf? Eh, may mas dapat siyang ihingi ng tawad sa akin! Hindi niya ba maalala?

"So it was all a dream." Narinig kong bulong niya.

"Sa akin 'yan!"

Napalingon ako nang sumigaw ang classroom president namin at kinuha ang scarf niya. "Bakit na sa iyo 'to? Hindi ikaw ang kumuha nito sa 'kin last night, ah!"

Napaiwas ako ng tingin. Naku po, ina.

"Gano'n ba? Sino?"

"Si Sunny."

Pareho silang napatingin sa akin.

Nakita kong ngumisi si Monica na para bang may natuklasan siya. She even pressed her lips na para bang kinikilig sa nalaman niya. Bwisit! Mukhang pinaplano niyang i-ship kaming dalawa, ah! Ayoko!

"Si Sunny?" pag-uulit ni Enzo.

"Joke lang, ito naman umasa agad. Ako talaga ang nag-ano, nagkumot? Oo, nagkumot niyan sa 'yo," saad ni Monica habang sumusulyap sa akin na para bang sinasabihan ako na utang ko ang buhay ko sa kaniya. "Pero 'wag mo nang alalahanin 'yon. As a classroom president, it is my responsibility to take care of all of you. 'Di ba, Sunny?"

Dumako ang mga mata ni Monica at saka niya ako nginitian ng ngiting aso. How can a human do a bitch smirk? Inirapan ko na lang sila. Mabuti naman at hindi na nangulit si Enzo. Makakahinga na ako nang maluwag.

"Hi, Sunny!" Napatingin ako kay Nathan nang batiin niya ako. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya. "Hello!"

Umupo siya sa tabi ko. "Kumusta? Hindi kita nakita no'ng party, ah," sambit niya sa akin. Napapansin ko ang pabugso-bugso niyang tanaw sa mga labi ko. The hell. Napakagat ako sa labi ko. Gusto niya ba akong halikan?

"Ah, kasi si Daisy 'yong kasama ko tsaka..." pagdadahilan ko. Masyado siyang nakalapit sa akin kaya nakakaramdam ako ng pagkailang.

"Eh, nakita ko no'n si Daisy, eh." Inilagay niya ang kamay niya sa baba niya na tila ba parang nag-iisip. "Bakit hindi kita nakita?" tanong niya pa sabay tingin sa akin.

"Ha? Baka pumunta ako sa c.r. no'ng dumaan ka. Hehe," pabebeng sagot ko.

"Gano'n? Sayang hindi ko nasilayan ang ganda mo no'ng gabing iyon. Sa totoo lang, hindi talaga nabubuo ang araw ko kapag hindi kita nakikita," sambit niya na ikinagulat ko.

"H-ha? Para kang tanga." Hindi ko mapigilang mapangiti. Luh, parang epal 'to si Nathan. Kapag ako nahulog. Saluhin mo ako!

"Oh! Ang cute mo talaga kapag nagba-blush ka! Kaya gusto kita, eh!"

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon