Chapter Ten

3.2K 99 3
                                    




ISANG masarap na dinner ang pinagsaluhan ng dalawa sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay na over-looking sa Taal Lake. Kumuha sila ng isang It was almost magical dahil at nag-enjoy ng husto si Allie. Hindi na muna niya inisip ang guilt na pilit na nagpupumiglas sa isang bahagi ng kanyang puso.


"Alam mo, gusto ko dito sa Tagaytay. Sana nga magkaroon ako ng bahay dito." Nasabi ni Allie habang papalabas sila ng parking lot. "Gusto ko rin sa Baguio, malamig at masarap tumira doon. Kaso masyado nang malayo sa Manila. Kaya perfect na sa akin ang Tagaytay."


"Ako din, gusto ko dito." Nagdrive na naman sila pero hindi pa pabalik ng Maynila.


"Asan na nga pala ang sorpresa mo? Wala naman yata e. Chika lang yata ang lahat e!" kinurot ni Allie sa tagiliran ang kaibigan.


"Teka, teka, nagmamaneho ako e." Natatawang hinawakan ni JR ang kamay niya para hindi niya ito makurot. Pero imbes na bitawan ay nanatili itong nakahawak sa kanya.


Napatingin na lang sa labas ng bintana si Allie para hindi mahalata ni JR na bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit sa mukha. Bigla siyang na-conscious!


"Ang gaganda naman ng mga bahay dito. Buti pa sila ang yayaman," komento niya. "May bahay dito si Jolina Magdangal ah. Saan kaya banda?" She was bubbling again. Hindi tuloy niya namalayan na huminto na pala sila.


"E yan. maganda rin ba yan?" Itinuro ni JR ang isang katamtamang laki ng bungalow na nasa tabi lang ng daan at over-looking pa rin sa Taal Lake.


Puti ang kulay ng konkretong bahay, pati ang gate na yari naman sa kahoy. May ilang pine tree na nakatanim sa paligid kaya nagmukha itong bahay sa isang post card.


"Ay ang cute!"Bulalas ni Allie. Binuksan pa niya ang bintana ng kotse para matingnang mabuti ang bahay.


"Halika, bumaba tayo at pumasok." Nauna nang lumabas ng sasakyan si JR at binuksan na nito ang pinto para makababa ang dalaga.


"Kilala mo ang may-ari?" Agad siyang sumunod sa lalake na nasa may tapat na ng gate. Binubuksan nito ang lock na nakakabit sa nakapulupot na kadena.


Nang mabuksan na ay muling hinawakan ni JR ang kamay niya at iginiya siyang papasok. Takang taka naman si Allie habang tahimik na nakasunod sa lalake. Mukha kasing alam na alam nito ang bahay.


Pagpasok nila ay agad na binuksan ni JR ang ilaw kaya nagliwanag ang buong kabahayan. Actually kahit maliit lang ang lugar ay nagmukhang malaki dahil maluwag iyun. Wala naman Isang sofa set lang sa sala ang makikita at maliit na center table. Ang agad na napansin ni Allie ay ang karugtong na terrace ng sala. Yun ang una niyang pinuntahan.


"Wow, ang ganda naman dito! Kitang-kita ang Taal." Maluwag ang balcony at may mga upuan pa sa isang gilid. "Kaninong bahay ito? Ang sarap tumira dito!"


"Gusto mong tumira dito?" Natatawa si JR reaksyon niya. Siguro nga ay dahil para siyang bata na first time na sumakay sa Ferris Wheel.

Laging Naroon KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon