Chapter Eleven

3.2K 98 3
                                    


"HINDI ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ni JR bandang ala-una ng madaling araw. Wala itong saplot nang tumayo mula sa kama at magtungo ng CR na nasa loob lang din ng kuwarto nito.


"Nagtext na ako sa kanila, sabi ko nasa editing room ako." Umusog pa ng konti ang dalaga sa kama para silipin si JR. Kita kasi ang isang bahagi ng CR mula sa kama.


Napangiti siya habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ng lalake. Nakatalikod ito sa kanya habang nagji-jingle. Nang humarap ito ay nabigla pa siya. Huling-huli siya ni JR kaya nagkatawanan sila.


"Sinisilipan mo pa ako!" tukso nito sa kanya na bumalik sa kama at niyakap siya. "Natikman mo na nga ako, tapos di ka pa kuntento!"


"Hindi, may tiningnan lang ako." Napatili si Allie nang magsimula na naman si JR sa paghalik sa kanya. "Teka, teka, gusto kong magshower, ano ba!"


Dali-daling bumangon ang dalaga at tumakbo papuntang banyo. Pero agad na nakasunod sa kanya si JR.


"JR, ano ba!" kunwari'y saway niya, pero kinikilig naman siya habang pinaghahalikan siya ng lalake. "Sabi nang maliligo muna ako."



"So? E di sabay tayo!"


Mayamaya lang ay lagaslas na lang ng tubig ang naririnig mula sa banyo. Tuluyan nang nawala ang mga tili ni Allie.





TANGHALI na nagising kinabukasan ang dalaga. Ni hindi na siya nakapagreport sa office. Suot ang malaking tshirt na nahiram niya kay JR, nagtungo siya sa kitchen dahil narinig niyang may nagluluto dun.


"Hindi ka naman mabibigyan ng memo niyan?" tanong ni JR nang makita siya.


"Sinabi ko nang masama ang pakiramdam ko, okay na yun. Ngayon lang naman ako nag-absent e." Napangiti ang dalaga nang makitang pinagpapawisan na si JR habang nagluluto ng pagkain. Naka-boxer shorts lang ito kaya kitang-kita ang magandang katawan.



Ngayon lang napagmasdang mabuti ni Allie ang kitchen pero agad niyang nagustuhan iyun kahit maliit lang. May isang bahagi kasi ang dining area na may malaking glass window- natatanaw ang mga bundok at ang lawa. Very refreshing to the eyes kaya masarap kumain o kaya ay magkape habang nakaharap doon.


"Pasensya ka na ha, eto lang ang available na pagkain dito e. Buti nga may bigas pa pala. Brunch na natin ito." Tila nahihiyang pahayag ni JR nang makitang napatingin sa mesa si Allie.


Agad namang nakaramdam ng gutom ang dalaga nang makita ang niluto ni JR. Scrambled egg with cheese, corned beef na ginisa sa sibuyas at kanin na binunburan ng maliliit na bawang. At may mainit na kape.


"Ang sarap mo namang magluto ng scrambled egg at corned beef!" aniya matapos matikman ang niluto ng lalake. "Puwede ka nang cook!"

Laging Naroon KaOnde histórias criam vida. Descubra agora