ONE SIDED LOVE

39 10 0
                                    

Pasado alas singko na ng hapon at nandito ako ngayon sa harap ng Mall para hintayin si Anjie dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya. Ewan ko lang kung mahalaga talaga 'to.

5PM natatapos ang part time job niya kaya balak ko nalang siyang hintayin.

Noon palang may gusto na ako sa kaniya pero hindi ko magawang umamin dahil natatakot akong masira yung samahan na meron kami ngayon though hindi naman kami best friend.

Tatlong taon. Tatlong taon ko na siyang gusto. Sa tatlong taon na iyon, wala ni isa ang nakakaalam na may gusto ako sa kaniya. Palihim ko siyang minamahal kaya palihim din akong umaasa.

At ngayon bago matapos ang school year, aamin na ako kay Anjie. Kinakabahan ako ngayon dahil wala akong idea sa kung anong magiging reaction niya once na umamin na ako.

Agad akong napatayo nang mamataan ko itong palabas na, hindi na ako nag dalawang isip pa na tawagin ito.

"Anjieeee!" Masayang tawag ko dito at kumakaway-kaway pa na parang bata.

Lumingon ito sakin at ngumiti. Ang cute niya talaga ngumiti, mas lalo akong na iinlove. Hindi siya nag dalawang isip na lumapit sa 'kin at ginulo pa nito ang buhok ko.

"Anong ginagawa mo dito? Malapit nang mag dilim, dapat umuwi kana." Paalala niya pero hindi ko nalang pinansin.

"A-ah, may sasabihin lang sana ako s-sayo." Shit ba't ba ako nauutal? Kumunot ang noo niya pero maya-maya pa ay ngumiti din ito.

"Ano 'yon at bakit nauutal-utal ka pa?" Biro niya na nag patawa sa aming dalawa. Kinakabahan talaga ako hehe.

Tumikhim muna ako at huminga ng malalim. "Ano kasi, Anjie. Ahhm, gusto ko lang sabihin sa 'yo na- na gusto kita"

ー⁠_⁠ー⁠゛

•⁠ ⁠▽⁠ ⁠•⁠;

'⁠-⁠﹏⁠-⁠'⁠;

Ilang minuto pa kaming natahimik hanggang sa basagin na niya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Nag-bibiro ka lang, 'di ba?" Natatawa nitong tanong pero seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Bakit feeling ko masakit magiging outcome netong pag amin ko?

"S-seryoso ako, Anjie." Nakayukong sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Anjie!" pareho kaming napalingon sa babeng tumawag sa kaniya. Pag lapit nito ay agad siyang kumapit sa braso ni Anjie at binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"Sorry kung natagalan ako mag Cr, tara na?" paliwanag nito na para bang wala ako sa harap nila. May kung ano sa tiyan ko na parang hinahalukay at gusto nalang sumabog.

Agad na akong tumalikod para umalis dahil hindi ko na matiis na makaharap sila.

"Sandali lang!" Sigaw ni Anjie kaya humarap ako dito nang nakangiti. "B-bakit?" Utal kong tanong kaya bahagya akong tumikhim.

"Sorry-"
"Okay lang, Anjie. Hindi mo kailangang mag sorry dahil wala ka namang kasalanan" Paliwanag ko. "Sige na, baka may pupuntahan pa kayong dalawa, kailangan ko naring umuwi dahil baka hinahanap na ako." Pag tapos ay tinalikuran ko na ulit ito. Wala pa akong balak umuwi, gusto ko lang talaga makalayo sa kanila.

Bakit kaya tayo nag mamahal ng mga taong alam naman natin na hindi nila tayo mamahalin pabalik?

Tulala lang akong nag lalakad, hindi ko narin alam kung nasaan na ako. Likod na ata ito ng mall? Huhu

Pupunta na sana ako ng hagdan para maupo sandali pero napatigil din ako dahil may isang lalaki doon na nakaupo at nakatulala. Pero ano bang care ko? Baka pareho din kaming broken.

Nag lakad na ako papunta sa hagdan at naupo sa may tabi niya, hindi nga lang tabing-tabi dahil may konti paring pagitan sa 'min. Hindi naman ako nito pinansin kaya tumulala narin ako katulad niya.

>⁠.⁠<

*⁠_⁠*

+⁠_⁠+

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapag-desisyonan kong mag salita. Hindi naman ako nito kilala kaya hindi niya ako huhusgahan, kahit na sabihin ng lahat na Don't talk to strangers. I'm stranger too anyway.

"Nalulungkot ka rin ba? Nasasaktan ka rin ba kagaya ko? Kung oo, kanina tinanong ko sa sarili ko kung ba't kaya tayo nag mamahal ng mga taong alam naman natin na hindi nila tayo mamahalin pabalik." Panimula ko at lumingon naman ito sa 'kin, siguro iniisip niya na nababaliw na ako. Siguro nga.

"Ano sa tingin mo ang sagot?" Wala sa sarili kong tanong.

"Siguro para ma realized ng mga katulad natin na hindi lahat ng bagay o taong gusto natin e mapapa-sa'tin." Sagot niya kaya nilingon ko ito. Ang totoo niyan hindi naman ako umaasa na kakausapin niya ako dahil sino ba naman ako 'di ba?

Umiwas nalang ako ulit ng tingin at mahinang nag salita. "Nag mahal kana ba?" Mahina kong tanong na sa tingin ko ay narinig niya.

"Yeah, hindi nga lang naging sapat para mag stay siya sa tabi ko. I did everything, I give anything what she need and what she want pero iba pa rin ang pinili niya."

Napatigil ako sandali at napaisip.

"Kung gano'n, alam ko na kung bakit hindi tayo magawang piliin ng mga taong gusto natin kahit na sabihin pang binibigay naman natin lahat o ginagawa." Pareho kaming nagka-tinginang dalawa.

"Siguro dahil pinipilit natin yung mga bagay na hindi naman para sa 'tin, ginagawa natin lahat para hindi maiwan ng taong 'yon pero hindi natin na rerealize na pag-hahabol na pala yung ginagawa natin.

"Takot tayong maiwan, kaya ayaw natin silang mawala. Pero dahil ginusto naman natin 'to, wala tayong karapatang mag-reklamo. Pero may karapatan tayong masaktan." Patuloy ko.

"Kung gano'n pareho pala tayong naiwan" bahagya pa itong natawa pero mahahalata sa mga mata niya yung lungkot.

"Hindi. Hindi tayo pareho dahil ikaw iniwan ako naman umasa." Natawa nalang kami pareho.

Tumayo na kami pareho para umalis dahil mag gagabi narin.

"So, anong balak mo ngayon?" Tanong nito habang nag lalakad kami pababa ng hagdan.

"Balak kong piliin ang sarili ko at panindigan yung pag iwas ko, ikaw anong balak mo?" Balik na tanong ko dito.

"Katulad mo, balak ko ring piliin yung sarili ko" napangiti ako sa sinagot niyang iyon.

Nag hiwalay na kaming dalawa na hindi man lang nag pakilala sa isa't isa, siguro mas okay narin 'yon ang importante kahit papaano ay may nakausap akong katulad niya na sawi rin sa kung anong klaseng pag ibig man yon.

One sided love? or One sided feelings? Kung papipiliin man ako siguro both pero mas mangingibabaw parin ang salitang "One Sided Love."

ヾTHE END♡ノ

ヾCOMPLETED♡ノ
started :: May 12, 2023
finished :: May 12, 2023

De Realisatie #1 :
ONE SIDED LOVE・⁠-⁠・

De Realisaties (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora