THIS TIME, I CAN LET HIM GO

36 11 0
                                    

Bakit kaya may mga taong hindi nakukuntento sa kung anong meron sila ngayon?

Bakit kailangan nilang iparamdam yung mga bagay na hindi natin gustong maramdaman?

Bakit kaya, kahit na anong pilit natin sa sarili nating magiging okay din lang ang lahat, ehh, masakit parin?

Bakit kaya hindi ko magawang maging masaya noong mga panahong nasa tabi ko parin siya matapos nang ginawa niya?

Bakit parang ang layo niya sa'kin?

Ang daming "Bakit" na hindi ko masagot. Maraming sakit na hindi ko gustong maramdaman. Maraming tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan.

"Jhooooo!!!" Agad akong lumingon sa pinang-galingan ng malakas na sigaw na iyon. Nakita ko si Emey at Tali na papalapit sa pwesto ko.

May dala-dalang kahoy si Tali, si Emey naman ay may hawak na basket at kung pag mamasdang mabuti sigurado akong pagkain ang laman no'n.

"Anong ginagawa niyo dito?" Bungad na tanong ko sa kanila nang maupo sila sa tabi ko.

"Sasamahan ka naming panoorin ang pag lubog ng araw, pagtapos gagawa tayo ng bonfire pag sapit ng dilim." Masayang saad ni Emey.

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang beach resort para mag bakasyon ng tatlong araw. Pag dating namin dito, mas pinili kong mapag-isa.

Kagagaling ko lang sa heartbreak at alam nilang dalawa 'yon kaya gumawa sila ng paraan para malibang ako but in the end gusto ko parin mapag-isa.

"Alam naming gusto mong mapag-isa pero sana hayaan mo kaming damayan ka" saad ni Tali. "Sama-sama tayo through ups and down, kung gusto mo mapag-isa, be lonely with us." Dagdag pa niya na nag pangiti sa'kin.

Ang tanga ko sa part na hindi ko inisip na may dalawang prettybitches nga pala akong mga kaibigan na handa akong damayan sa lahat ng bagay.

"Mag kwento ka makikinig kami" si Emey. Huminga ako ng malalim bago mag simulang mag tanong sa kanila about sa mga "Bakit" ko kanina.

"Sa tingin niyo bakit kaya may mga taong hindi nakukuntento sa kung anong meron sila ngayon?" Ilang minuto pa kaming natahimik, siguro pare-pareho naming hinahanapan yung sagot na 'yon.

"About what? Love, Dreams, Passion, or Money?" Paninigurado ni Emey habang natatawa.

"Kung anong dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon" mahina kong sagot at tumanaw sa papalubog na araw.

"Siguro dahil iyon na siya, at gano'n ang gusto niyang mangyari. Kung alam mo namang ginawa mo yung best mo, you don't have to question yourself like that." Kagaya ko ay nakatanaw din siya sa lumulubog na araw.

"Kung gano'n bakit kailangan nilang iparamdam yung mga bagay na hindi natin gustong maramdaman?" Hindi ko mapigilan mainis sa tuwing naiisip ko yung panlolokong ginawa sa'kin ng ex ko.

"Ganito kasi 'yan, Jho. Kapag pinapakita mo sa kanila na mahina ka mas lalo nilang ipaparamdam 'yon sayo, pero kapag hinayaan at binabalewala mo lang sila doon nila marerealize na hindi ka pala dapat ginaganon!" Kahit na natawa si Tali sa sinabi niya alam kong may point siya.

"So, bakit kahit na anong pilit natin sa sarili nating magiging okay din lang ang lahat, ehh, masakit parin?"

"Because it matters, Jho. Your care, your presence, your emotions, your effort, your feelings everything Jho... everything matters!" Mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Tali.

Kahit papaano gumaan ang loob ko dahil nasagot yung mga bakit na matagal ko nang tinatanong sa sarili ko.

"Ano Jho? May bakit ka pa ba?" Nakakalokong tanong ni Emey na nagpatawa sa'kin. "Meron pa, pero sa tingin ko kaya ko nang sagutin 'yon."

Tumayo na ako para gumawa ng apoy sa gagawin naming bonfire. Tinulungan naman ako nung dalawa sa pag aayos kaya mabilis lang naming nasindihan iyon.

Nakapalibot kaming tatlo sa apoy habang hawak ang stick kung saan may nakalagay na marshmallow doon.

"Hindi ba sabi mo may mga Bakit ka pang natitira? Gusto naming marinig yung sagot mo do'n." Pambabasag ni Tali sa katahimikan. Sumang-ayon naman agad si Emey dito.

"Totoo niyan, may dalawang bakit pang gumugulo sa isip ko na nahanapan ko ng sagot." Pareho silang napangiti sa'kin.

"Iyon ay bakit hindi ko magawang maging masaya noong mga panahong nasa tabi ko parin siya matapos nang ginawa niya? At bakit parang ang layo na niya sa'kin?" Dugtong ko. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

Napasulyap ako sa mga bituwin, lahat sila nag niningning. Napakagandang pag masdan. "Siguro niyan, kaya hindi ko magawang maging masaya dahil nung panahong bumalik ako sa kaniya, hindi pa ako totally heald. Masakit parin sa'kin yung nangyari pero sinubukan ko parin kasi akala ko...akala ko magiging maayos ulit lahat." Sa pagitan ng bawat salita may mahinang hikbi ang gustong kumawala mula sa aking bibig.

"Kaya pala parang ang layo namin sa isa't-isa dahil hindi na kami katulad ng dati, na dating masaya at konti lang ang pino-problema." Napangiti nalang ako ng mapait.

Nagkaroon ako ng maraming "Bakit" dahil pinilit ko yung mga bagay na alam kong hindi na maayos. Kailangan ko nang bumitaw, kailangan ko nang tigilan ang kahibangan ko. Hindi na ito maayos, wala nang pag-asa. Tama na, tinatapos ko na.

"Sunog na yung marshmallow mo" malungkot na saad ni Emey. Napasulyap ako sa hawak kong stick, natupok narin ng apoy.

Namalayan ko nalang na tumatawa na pala kaming tatlo. Nang mahimasmasan ay tiningnan ko sila ng may ngiti sa labi.

"Thank you sa inyong dalawa, kung hindi niyo ako sinundan dito siguro wala akong marerealize ngayon araw" natatawang sabi ko na ikinatawa rin nila.

"Hindi man siya para sa'kin, alam kong kayong dalawa ang itinadhanang makasama ko sa hirap at ginhawa."

"You're always welcome, but I know someday, you can let it go"
"No, Emey. This time I can let him go"

ヾTHE END

ヾCOMPLETED♡ノ
started :: JUNE 10, 2023
finished :: JUNE 10, 2023

De Realisatie #3 :
THIS TIME, I CAN LET HIM GO・⁠-⁠・

De Realisaties (COMPLETED)Where stories live. Discover now