Chapter 4

174 5 2
                                    

Chapter Dedicated to Amoreeese

(Picture From Pinterest!)

~•~•~

Day 4 Shopping..

Third Person's POV

"Miss Ginevia gusto niyo po bang matikman ang masarap at malambot na kakanin na ginawa namin para sa iyo?" Sambit ni Manang Yira sabay bigay sa kanya ng maraming kakanin na nasa isang plato ng pinggan, na pa ngiti naman si Ginevia kay Yira at nag pa salamat rito. "Manang Yira naman eh, wag niyo na ho akong tawaging Miss Ginevia, Ginevia nalang ho." Naka ngiting sabi niya sa ginang sabay subo ng isang kakanin

"Eh baka ako'y pagsabihan ni Master Maverick, iha." Natatawa pero may halong takot na sabi ni Manang Yira sa kaniya, napa tigil siya sa pagsubo ng kakanin sabay lingon kay Manang Yira, nakita niyang peke ang pag tawa nito at nakita niya rin ang takot sa expression nito na ipinag taka niya.

"Manang Yira, halata hong peke ang ngiti niyo, at saka.. bakit parang takot na takot ka, Manang Yira?" Nagtatakang tanong ni Ginevia sa ginang pero umiling lang ito sa kaniya na lalo niyang ipinag taka. "Nako talagang bata ka, wala lang ito, oh siya, mauna na ako at may gagawin pa akong mga labahan, sige na, mag ingat ka kay Maverick iha" ang sabi ng ginang at nag mamadaling umalis sa kusina, hindi narinig ni Ginevia ang huling sinabi ng ginang dahil sa hina ng boses niyon. Pero isa lamang ang kaniyang hinala base narin sa expression sa mukha ng ginang...

Takot

Yan ang unang naisip niya kaya mas lalo lamang siyang nagtaka, nag-aalala siya sa Ginang. Tinapos niya na ang pag kain at pumunta sa kaniyang silid, kakausapin niya mamaya ang ginang pati narin si Maverick para maka uwi na siya.

~•~•~

Someone's POV

"Boss, we found her. Kinidnap siya ni Don Sovetski" kalmadong sabi ng isang bodyguard ko tsaka inabot sa akin ang picture ni Ginevia at Maverick na masayang kumakain sa hapagkainan, kahit na may dugo pa ang aking kamay ko ay kinuha ko ang picture na iyon at ngumiti nang masilayan ko na masaya ang kapatid kong si Ginevia sa piling ni Maverick.

"Good Job, Alexis, you may now Leave." Sabi ko at malamig na tinignan si Alexis, tahimik lamang itong nag bow sa akin at umalis na sa office ko, nang mag-isa na lamang ako ay tinignan ko ang malamig na bangkay ng ex-girlfriend ko at dalawang bodyguard ko, pinunasan ko ang kamay ko gamit ang tissue sabay suot ng salamin ko, inayos ko muna ang sarili ko at tuluyang naglakad papa alis ng office ko, iniwan ko dun ang malamig na bangkay ng tatlo.

"Clean that mess up, kapag bumalik ako ng hindi malinis at meron parin ang bangkay ng tatlong traydor na iyan ay kayo ang isusunod ko." Sabi ko sa apat na bodyguards ko kaya tumango ang mga ito at pumunta na nang office ko, lumabas ako sa mansion ko at pumasok sa kotse kong Black Miserati Levante. Sabay drive pa punta sa bahay nang isa kong kapatid para ipaalam sa kaniya ang magandang balita about sa aming kapatid na si Ginevia

Tch, i hope Maverick treat's my sister well. Damn him.

~•~•~

Maverick Zineo Dave Sovetski's POV

"Maverick, tama na yan.. ang dami mo nang biniling damit sakin, sayang ang pera mo!" Sabi sa akin ni Ginevia pero nginitian ko lang siya ng matamis, kaya wala na siyang nagawa ng ibinigay ko na ang black card ko sa counter para mabayaran iyon. This is why i love this woman damn. Sabi ko sa isip ko at kinuha ko na ang Black Card ko ng matapos na ang Cashier sa ginagawa niya at ibinigay sa akin ang limang Paper bag namay tatak na Chanel dito. Nakita ko pa ang pag hawak ni Ginevia sa kaniyang ulo na tila ba naiinis ito sa akin pero tinawanan ko nalang siya, may kasama kaming mga guard ngayon, sila Bryan, Zade at Myier na taga buhat ng mga pinamili namin ni Ginevia

OBSESS MEN SERIES 1: Maverick's ObsessionWhere stories live. Discover now