Chapter 1

4 0 0
                                    


⚠️
•Tag-Lish
•Foul Language
•Mature Scenes

Sophia Collins is a successful young woman. She is the girl that has everything, many people envy her for her natural beauty, intelligence and wealth. She has strong personality and always chooses her career against anything. 
Lumaki siya galing sa hirap kaya sineseryuso niya yung pag-aaral at pagsisikap niya kung kaya't na abut niya ang mga pangarap niya.

That's the reason why she and her ex boyfriend broke up. She doesn't want to settle down until she achieves her goals in her life. She might have strong personality but she is secretly hopeless romantic. But it doesn't matter right? As long as your rich, successful, smart and pretty. Why would that even matter? She has everything and she believes that she doesn't need no man. She can't afford to get hurt again that's why she invested everything in making herself better, why would you even waste your time to a person who will just leave you.

"huy Sophia! May sulat na pinapapabigay para sayo" Sophia walked down the stairs scratching the back of her head with the strands of her hair everywhere in her face.

"Ang aga-aga mo naman sumisigaw Aling Myrna." Sagot naman niya ito habang kinukuha ang sulat galing sa kanya. Binuksan niya ito at may nakitang malaking letrang nakasulat na "Bachelor Party" .

"Aling Myrna ikakasal na yung best friend ko!" Malakas na sigaw nito. "Huminahon ka muna Sophia, ano ba magigising yung kapit-bahay natin." Aling Myrna and Sophia has a mother-daughter like relationship. Ever since Sophia was an infant she was the one who was taking care of her. Kaya normal na ang ganyang conversation sa kanila. Parati kasing nasa trabaho yung parents niya.

"Invited ako sa party, Aling Myrna wag mo na akong hintayin mamayang gabi baka matatagalan pa akong umuwi." Hiyaw nito habang padalidali siyang pumunta pabalik sa kwarto niya.

"Nasan na ba yung cellphone ko" bulong niya habang hinahanap niya ito sa kanyang kama. Nakita niya ito sa ilalim at kinuha niya, masayang tatawagan ang kanyang kaibigan.

"Ashley, congratulations ikakasal kana, akala ko talaga hindi kayo magkakatuluyan, puro kasi 'mag break up na kayo' yung advice ko sayo eh kapag nag-aaway kayo." Pabirong sinasabi niya ito habang tumatawa ang kanyang kausap sa kabilang linya.

"Grabi ka naman Sophia, hindi ka talaga nagbago ang bitter mo parin, baka kasing pait mo na din yung ampalaya."

"Bigyan mo ako ng inaanak ha, para maging ninang na ako, excited na ako maging rich tita na palaging namimigay ng pera"

"Hindi pa nga tapos ang kasal gusto mo na akong magkaroon ng anak"

"Ang iba nga hindi pa kasal may anak na, may tsismis ako alam mo ba yung anak ni Aling-"

"Ayan ka nanaman Sophia di ka talaga nagbago, palagi ka paring updated sa mga tsismis noon pa nung highschool pa tayo."

"Hindi naman sa nakikialam pero worried lang yata talaga ako." Humalhak ang dalawa at patuloy na nag tsismisan.

___

Sophia Collins wore a white sleeveless maxi dress that hugs her curvy figure with a slit that exposes her soft thighs. White was the party's dress-code. It was a simple outfit but with her beauty and aura made her standout.

"Ang sexy naman ng beshie ko." Ashley complemented.

"Today is your night Ashley, ang ganda-ganda mo parin wala paring kupas, di parin ako makapaniwala na ikakasal ka na talaga." Sagot ni Sophia at biningyan ito ng mahigpit na yakap.

"Oo nga talaga di nga rin ako makapaniwala na ikakasal na ako" pangiting sinabi ni Ashley. Obvious nga na mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa.

"Hali kana sumakay na tayo sa yacht, ikaw lang yung hini-hintay ko eh. Nandyan din pala yung ibang batch mates natin nung highschool pa tayo." Dagdag ni ashley.

Both of them walked inside the white yacht. Sophia was mesmerized by the view, hindi naman sobrang laki ng yacht pero sakto lang ito para sa kanila mag kakaibigan.Tumingin siya sa madilim na dagat at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Sa lakas ng hangin parang mayroong dadating na bagyo.

"Sure ka bang safe maglakbay ngayon?" Pabulong na pagsabi ni Sophia kay Ashley.

"Pabayaan mo na, si Uncle John naman ang magdri-drive ng yacht. Paminsan-minsan lang tayo magkasama-sama. Mahinahon naman yung dagat ngayon." Hindi na pinansin ni Sophia ang panahon at sumang-ayon na lamang kay Ashley.

"Oi Ashley at Sophia, hali na kayo dito!" Sigaw ng iba nilang kaibigan.

"Ralph, Zandro, Michelle!" Sigaw ni Sophia habang yinayakap sila isa-isa ng mahigpit.

"Ang tagal na nating di nagkita, kamusta na kayo?"

"Okay lang naman, ito gwapo parin!"

"Palabiro ka talaga Zandro, di parin talaga kayo nagbago" Sagot ni Sophia "Umupo na kayo at ikaw naman Ms. Bride dito ka sa gitna, ikaw yung bida dito!"

"Kala ko tayo-tayo lang, madami pala tayo." Sabi ni Ralph habang nakatingin sa mga bisita na abala na sa pagsasayaw at pagkain.

"Completo na ba tayo? Lalarga na yung yacht sabi ni Uncle John." Sabi ni Michelle.

"Wait lang kulang pa tayo ng isa!" Sigaw ni Zandro. Tumingin si Sophia sa hagdanan nung may narinig siyang hakbang ng paa na palapit.

Lumaki ang mga mata ni Sophia nung nakita niya kung sino ito. Tinapik niya ang likuran ni Ashley. "Ashley!" Pabulong na sigaw ni Sophia. Lumaki din ang mga mata ni Ashley nung nakita niya ang mukha ni Sophia.

"Omg, sorry di kita nasabihan na pupunta pala si Ivan. Baka kasi di ka na pupunta eh." Ivan Coleman, ex boyfriend ni Sophia Collins, their relationship lasted for 4 years and they broke up because they were both busy with their own life and careers at nawala na daw yung spark.

Sophia ended up with bad terms with her ex-boyfriend, sino ba naman ang hindi magagalit sabi ni Ivan sa kaniya na kailangan nilang mag focus sa kanilang careers kaya sila maghihiway, eh wala pang 3 months pinagpalit na siya sa babaeng sabi sa kanya na hindi alalahin. Anong focus sa career sadyang may iba kalang talaga!

3 days pa since they broke up at may ibang babae na siyang kasama. Halos di makakain at makatulog si Sophia nung araw na yun. Halos pinatay siya ng sakit.
Its been 3 years na since they broke up, matagal na. Both of them probably moved on already.

At least they become better versions of their selves and achieved all of their goals in life already.

"Okay kalang ba Sophia? Diba sabi mo okay na ang lahat at naka move on kana? Tanong ni Ashley habang tinataas ang kanyang kilay.

"Oo naman, okay lang ako. Naka move on na ako matagal na Ashley, sadyang nagulat lang ako." Napalunok na lamang si Sophia habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

'Oo nga, naka move on na kapag hindi ko siya nakikita. Ang gwapo parin niya hanggang ngayon- huy sophia wag kang marupok isipin mo yung mga araw na iyak ka ng iyak wag kang magpadala niyan' Magulong kakaisip ni Sophia.

What if bumalik ang greatest love mo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lust IslandWhere stories live. Discover now