Love Me Tomorrow (SEASON 1) Chapter 2

926 38 0
                                    


CHAPTER 2

FAEN SARCHEE CHAN

Naiirita ako sa makalat na living room ni Ma'am Patrice. Lilinisin ko na lang. Walang hidden charges! Pero baka magalit siya.

Pumwesto muna ako sa gilid ng pintuan ng room niya. Tinotoo nga 'yong sinabing bukas ang pinto e. Pati siguro Cr kasi rinig na rinig ang lagaslas ng tubig.

"Ma'am Patrice! Maglilinis ako dito sa sala ha. Walang bayad 'to."

"Do as you wish, Babe."

Eh? Babe daw. Parang tanga si Ma'am.

"Babe! Paabot nga ng towel! I forgot kasi!"

Susko! Maliligo walang dalang towel! Pumasok na nga ako nang tuluyan sa room niya. Ang-cozy! Lakas ng aircon!

Okay. Saan dito ang towel niya? May dalawang nakasabit. Pink ang blue.

"Ma'am Patrice, alin po dito? 'Yong pink o blue po?"

"'Pink please."

Nagtakip ako ng mga mata ko saka ko inabot sa may bukas na pinto ang towel niya.

"Ma'am, ito na po."

Narinig ko ang tawa ni Ma'am. "Bakit ka nakatakip? Parang crazy 'to. Babe, nasa likod ako ng pinto."

"Babe pa nang babe si Ma'am. Hindi niyo ako Babe po."

Kinuha na nga ni Ma'am ang towel. "I can call you whatever I want. Babe, baby, darling. Anything. I'm your boss."

Naku! Buti na lang talaga wala akong boyfriend! Paano na lang kung biglang mag-message 'tong si Ma'am Patrice. 'Babe, sunduin mo ako.'

Oh, de parang tanga lang?

May nagdoorbell. Pinuntahan ko na para tingnan. Sinilip ko muna sa pinhole. Babae ang bisita ni Ma'am. Pero parang mayaman version ng mga pick-me-up girls. Judgmental na yata ako sa araw na 'to.

Binuksan ko nang kaunti ang pinto. "Sino sila? Sino pong hinahanap nila?"

"I'm looking for Miss Sofia Patty. Nandito pa ba siya?"

"Walang Sofia Patty dito." Para sa seguridad ni Ma'am Patrice, sinara ko na ang pinto.

Aba! Makulit! Kumatok ulit siya! De binuksan ko ulit ng slight ang pinto.

"Ano 'yon?"

Pinakita niya ang phone niya. Dito nga 'yong address na nakalagay. Napansin kong app 'yon! App ng ano dating! Naku! Ito ba 'yong sinasabi ng family niya na pilyang bata si Ma'am? Hindi na siya bata kaya siguro ganito na ang mga apps niya. Haha!

"Naku. Wrong number 'yan. Huwag ka na ulit kakatok. Hindi na kita pagbubuksan."

Sinara ko na nga ang pinto. Hindi ako makapaniwala dito kay Ma'am Patrice! Ang image niya kasi ay napaka-sweet. 'Yong tipong girl next girl. Pero siguro ganoon talaga sa showbiz. Ipo-project mo 'yong magmumukha kang huwaran at ka-idol-idol sa lahat. Lalo sa kabataan.

"Who's that?" Anak ng tokwa naman. Naka-towel lang si Ma'am Patrice! Pinupunasan niya ang buhok niya gamit 'yong kulay asul na towel. 'Yong talaga siguro ang purpose n'on. "Sino 'yon, Babe?"

"Faen po ang pangalan ko." Tsk! Kaya siguro Babe siya nang Babe kasi hindi niya alam ang pangalan ko. "Faen Sarchee Chan, Ma'am."

Tumango-tango pa siya. "Okay, Babe. Pero sino 'yon?"

"Hindi ko na tinanong ang panagalan. Sofia Patty ang hinahanap. Baka wrong address po."

"Ah okay. Hindi ko pala na-cancel 'yong pag-swipe ko." Anglala! Angkaswal ha? Nagbo-book siya sa mga dating app. "Umorder ka ng food. Hindi pa ako kumakain. Kakain sana kaso dumating ka."

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Onde histórias criam vida. Descubra agora