18

12.9K 43 0
                                    

good eve, happy reading! >
____________________

Nang sumapit ang madaling araw, gising pa rin ako at inihahanda ang aking sarili sa pagtakas. Oo, ayaw ko na dito. Desidido na akong umalis dahil kapag tagal-tagal, masaktan na talaga ako ni Khalid na ikawawala ko na ng tuluyan ng tiwala sa kaniya.

I stared at his face to say thank you then started to walked carefully to go out of our room. Alam kong ganitong oras ay may nagbabantay na iilang security na hinire si Khalid kaya sa likod mg bahay ko piniling lumabas. Kailangan ko ring magmadali dahil baka may in-assign siyang magbantay ng cctv 24/7.

Nang makarating sa likod ng bahay luminga-linga pa ako para i-check kung walang tao. Nang makumpirma na mag-isa lang ako sa lugar na iyon, kaagad ako umakyat mg dahan-dahan at may pag-iingat sa bakod ng bahay na nagpahirap sa akin dahil sa taas nito.

Matagumpay akong nakalabas ng bahay ngunit panibagong hamon na naman ng makitang ang dami pa lang naka-assign na security sa labasan ng village
may iilang security na nag-iikot.

"Ma'am?" tila nagtatanong na wika ng isang security.

"A-ahm... May bibilhin lang po sana ako diyan sa labas." tugon ko.

"House number ninyo po?" tanong pa niya na sinagot ko naman. "Kayo po ang asawa ni Atty. Ishikasa at wala po siyang binilin na palabasin kayo ng ganitong oras."

"Saglit lang po talaga ako, Kuya."

"Saglit lang ho, Ma'am. Tatawag po ako sa bahay-" hindi ko na siya pinatapos pa.

Mabilis akong nagtatakbo palabas ng village at dahil sa ginawa ko, hindi ko nakitang may sasakyan pala sa harap ko. Nagulungan ng gulong ng tricycle ang paa ko kaya nabuwal ako.

Kaagad akong tinulungan ng mga security na humabol sa akin at huminto rin ang nakabangga sa akin.

"Sorry po," hingi ko ng tawad sa tricycle driver dahil kita ko ang pag-aalala niya sa kaniyang mga mata e ako naman ang may kasalanan.

"Pasensya na ho, Ma'am, hindi ko ho sinasadya. Mabagal din naman po ang pagpapatakbo ko ng tricycle ko."

"Kasalanan ko po, opo. Maaari na po kayong mamasads ulit, ako na hong bahala."

Tinanong muna ako ng security kung maaari ba ako nitong hawakan para maalalayan ako tumayo. Tumango lang ako at wala akong nagawa kundi ang maluha nalang habang iniuupo nila ako sa upuan.

"Tinawagan na po namin si Sir at papunta na ho siya rito."

"Tawagan mo ulit, Pare, malakas ang dugo ng paa ni Madame." ika ng isa.

"Mukhang malala nga." sabi pa ng isa kaya napabuntong hininga ako.

Hindi ko pa ramdam ang sakit dahil mahid pa ako sa nangyari. Hindi ko alam kung may nabagsag o nabali bang buto sa loob ng paa ko. Sa sobrang bigat ng side car ng tricycle, talagang nasugat ang paa kong nagulungan.

Hindi nagtagal ay dumating na si Khalid. Dala niya ang sasakyan niya at maingat nila akong inalalayan pasakay sa saskayan.

"Are you okay? What runs on your mind that you decided to sneak out, huh?" galit na tanong niya.

"Isoli mo na kasi ako sa pamilya ko, Khalid."

"Putangina?! Hindi pa rin tapos iyan?"

"Hindi talaga 'to matatapos hanggat hindi mo ako inuuwi, Khalid. Tatakas ako kasi gusto ko ng umalis sa puder mo. Ayaw ko na..."

"Walang aalis, Fia."

Nang makarating kami sa hospital ay inasikaso ako kaagad. Nang magamot ako ay hindi rin nagtagal ay sumailalim ako sa iilang test para mai-check nilang mabuti kung kumusta ba ang loob ng paa ko.

Xyro Club Series #5: Let's Threesome, AttorneyWhere stories live. Discover now