22

5K 24 0
                                    

3 more chaps >>
_______________________

Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Khalid. It's either kinuha niya ang almusal namin sa ibaba o siya mismo ang nagluto ng breakfast namin.

Tatayo na sana ako ng makitang may tumatawag sa cellphone ni Khalid na nasa bed-side table. Lee is his caller.

Sinagot ko ang tawag habang nagmamadali sa pagpunta sa kinaroroonan ng asawa ko.

[Glad you answered!] tila inis anito. [Nagbigay ng pera si Khalil para do'n sa Tatay ng asawa mo na namatay. I don't know how how to give them the money so I called you.] he paused. [Hey, fucker, you there?]

"M-my Dad..."

[Damn...] bulong ng lalaki sa kabilang linya.

"Where's my Dad?! Fucking answer me!"

[I'm so sorry, Mrs. Ishikasa but I think Khalid is the one who needs to explain everything to you.]

"Ang sasama ninyo..." bulong ko. "Napaka halang ng kaluluwa ninyo."

Imbis na kuomprontahin si Khalid, nagkulong ako sa banyo para doon ibuhos lahat ng luha ko. Sigurado akong may pakana si Khalil Ishikasa kung patay na nga bang totoo ang Tatay. Bakit siya magb ibigay ng pera, 'di ba? Ano 'yon, parang binili n iya ang buhay ng Tatay ko.

Paglabas ko ng kwarto, wala pa rin si Khalid kaya ginamit ko ang telepono niya para tawagan ang numero ng kaibigan kong si Sanya.

nakailang ring ako ngunit hindi pa rin  niya sinasagot ang tawag ko. Ganito na ba siya kabusy kahit ang aga pa lang?

"Please... Answer my call."

Habang tinatawagan ko ang kaibigan, sinipat-sipat ko na ang paligid ko. Ang veranda kung saan pwede akong tumakas dahil wala ng nagbabantay sa paligid. Mukhang nakasiguro na si Khalid sa akin na hindi na ako tatakas pa dahil buntis ako at alam na niyang mahal ko siya.

[Hello? Who is-]

"Hello, Sanya. This is Fia and please, help me. Someone kidnapped me and don't fucking try to call the police. You're all I need. I will send my address to you, please, come..."

[Fuck. Move faster, Fia. Careful, okay? I'll be there.]

"O-okay... Thank you."

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kahit na buntis ako, tumakas ako sa veranda namin kahit pa may kataasan iyon.

"Ma'am..." gulat na wika ni Ate Lara ng makita akong nakakapit sa railings ng veranda namin.

"Huwag kang magsumbong, Ate, please..."

"O-opo,Ma'am... Teka lang po, kukuha ako ng hagdan dahil baka mahulog kayo. Ang anak ninyo po..."

I waited Ate Lara kahit kinakabahan na ako dahil parang anytime, nasa loob na ng kwarto namin si Khalid at mahuli niya ako.

Dahan-dahang ipinuwesto ni Ate Lara ang hagdanan sa banda ko kaya wala mang tatlong minuto ay nakababa na ako. Sinipat-sipat namin ni Ate ang paligid at ng makitang walang bantay ay itinakas na niya ako. Sa main gate kami lumabas.

Nagtatakbo ako kasama si Ate Lara papunta sa security house, sa bungad ng village. Nnag malapit na kami roon ay naglakad nalang kami ni Ate para hinsi halata na tumakas na naman ako.

"Kuya, isasakay ko lang po riyan ang Ma'am ko. Huwag ho kayong mag-alala at hindi tumakas si Ma'am, kita naman po ninyong isasakay ko siya." sabi ni Ate Lara.

"Marami po kasing inaasikasong kaso si Khalid kaya hindi niya ako maihahatid sa mall. Actually, nasa akin nga po itong telepono niya dahil pinadala niya po sa akin." sabi ko pa pero mukhang hindi talaga sila naniniwala.

Mayamaya ay may nagtext sa cellphone ni Khalid na unknown number kaya napatingin ako kay Ate Laram Binigyan niya ako ng makahulugang tingin na nakuha ko kaagad.

"Tingnan ho ninyo ang text ni Khalid." sabi ko pa matapos mabilis na pinalitan ng 'love' na nickname ng numero.

"Ma'am, itatawag lang po muna namin kay Sir, baka po inaano ninyo na naman ho kami at matanggalan na ho talaga kami ng trabaho."

"Kuya, paano ninyo tatawagam si Sir e na kay Ma'am ang cellphone niya? Anong numero ang tatawagan ninyo, ang nagtext kay Ma'am na sinasabihan siyang mag-ingat?"

"Hay nako..." bulong ng security. "Sige na po, Ma'am. Ang labo naman kung hahayaan ho kayong makatakas nitong si Lara. Takot po iyang ipapatay ni Sir kaya sige na po."

"Salamat po."

"Ingat po kayo, Ma'am." wika ng isa pang security.

"Ma'am, tawag nalang po kayo kapag may kailangan kayo." sabi ni Ate Lara.

Kaagad akong naglakad palayo roon at nagtungo sa waiting shed na malapit para magkunwaring naghihintay ng masasakyan.

Nang makitang hindi na nakatingin sa akin ang dalawang security ay mabilis akong tumawid ng dana at nagtungo sa isang kanto kung saan ko pinapunta si Sanya.

At hindi nga ako binigo ng kaibigan ko. Nakita ko ang babaeng inaasahan ko talaga na nasa labas ng kaniyang sasakyan.

Hindi ko na hinayaan pang yakapin niya ako. Sumakay kaagad ako sa kotse niya kaya wala itong nagawa kundi ang pumasok na rin sa loob ng kotse.

"Paandarin mo na kaagad ang sasakyan mo, panigurado'y nakasunod na si Khalid."

"Huh?"

"Basta paandarin mo na ang sasakyan. Sa Ilocos mo ako dalhin, please... Mamaya na ako magpapaliwanag sa iyo."

Sinunod ako ni Sanya.

Pinagpapasalamat ko na rin talagang high tinted itong sasakyan niya kaya malabong makita pa ako ni Khalid. Maraming connections si Khalid kaya kailangan na talaga naming magmadali ni Sanya.

"Bilisam mo pero huwag kang pahahalata na nagmamadali tayo dahil panigurado'y pinapagana na ni Khalid ang connections niya ngayon."

"Bilisan pero huwag pahahalata. Hirap mo ah." reklamo nito kaya napailing nalang ako.

"Salamat..."

"Sige lang. Ikaw 'yan e." aniya. "Sige na, matulog ka na."

"Kapag may check point, gisingin mo ako ah. Kilala ko si Khalid, hindi ako hahayaan nalang no'n basta-basta."

"Taga rito ex ko dati kaya alam ko ang pasikot-sikot dito. Kapag may check point, iiba tayo ng daan kaya magpahinga ka na muna."

"Sanya, si Daddy... Totoo ba?"

"Totoo, Fia, pero hindi kita pwedeng dalhin roon. Panigurado'y doon kaagad magtutungo si Khalid para hanapin ka."

"Bakit namatay ang Daddy ko?"

"Pinapatay, Fia. Hindi namatay si Tito sa sakit o sa kung ano pa man dahil pinatay siya ng kung sinong hindi pa nakikilala ng polisya."

"Kilala ko ang pumatay sa kaniya."

"Ang mga.. Ishikasa, hindi ba?"

Xyro Club Series #5: Let's Threesome, AttorneyWhere stories live. Discover now