14 (SPG)

14.5K 46 2
                                    

Sa malapit lang na hotel kami nagtungo ni Khalid para hindi na hassle pa maghanap pa. Nagcheck-in kami sa malawak din na room na para bang magtatagal kami rito.

"Wow..." mangha kong wika ng ihawi ko ang kurtina na tumatakip sa malaking bintana ng room namin. Kita ko ang ilaw mula sa mga building, streetlight at mga sasakyan dumaraan sa kalsada.

"Ang ganda talaga ng City Lights." nakangiting sabi ko habang tanaw ang tanawin.

"Ang ganda nga." wika ng lalaki saka niyakap ako mula sa likuran.

"But I'm prettier."

"I fuckin' agree, my wife."

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki. Mukhang natutuwa na ako sa kasal naming ito ah. Parang... mali? Malay ko ba kung ginagamit lang pala ako nito? Paano kung katawan ko lang pala ang habol niya?

Pero mapera si Khalid... Kung gusto niya ng babae, gagastos siya.

"Gutom na 'ko."

"Order na ako."

"Bitiw ka na sa akin, paano ka makakaorder niyan?"

"Heto na po, wife."

Umalis si Khalid sa likuran ko at naglakad papunta sa gilid ng kama para kuhanin ang iPad na naroon kung saan ginagamit para um-order ng pagkain.

"What do you want?" he asked. "I think their best seller na steak is masarap." conyo na wika nito kaya nalukot ang mukha ko.

"The steak you're saying is super mahal like hindi na ba tayo mag-e-eat tomorrow?"

Natawa siya. "So conyo."

Um-order si Khalid na para bang hindi niya tinitingnan ang presyo ng mga pagkain. Ang dami pa nga niyang in-order e!

"You can use my phone while I'm busy in the bathroom. I'll ready the bathtub for you."

"Thanks, Attorney."

Nanood nalang ako ng mga video sa social media habang hinihintay si Khalid at ang order namin.

"Get up, wifey. Take a bath first o sabay na tayo?"

"Ako nalang muna, Khalid..." usal ko dahil alam ko ang mangyayari kapag magsabay kami.

Nagbabad ako sa tub habang tanaw ang napaka gandang tanawin sa aking harapan. Hindi talaga ako binigo ni Khalid sa pagpili ng room. Bukod sa may kalakihan ang kwarto at kama, ang ganda rin ng natatanaw namin mula dito sa kwarto na ito.

"Paano sa susunod? Kailangan ko na namang pilitin si Khalid na makipagkita ako sa Mommy ko? O baka sa susunod, hindi na niya ako hayaan pa dahil ayaw sa kaniya ni Mommy?" mahinang usal ko.

"Paano kung mapano na naman si Mommy? Paano kung hindi na tuluyan pang makalabas si Daddy? Paano na ang pamilya ko?"

Bahagya akong tumihaya sa tub mula sa pagkakaupo kanina para ilubog ang aking katawan.

"Hanggang kailan ba niya ako ikukulong? Ni hindi pa nga niya ibinabalik sa akin ang telepono ko. Kung pahihiramin naman niya ako, napaka bilis na oras lang."

Napaka dami talagang tumatakbo sa isipan ko. Ang daming pwedeng mangyari. Ni hindi nga ako makapaniwala na kinasal ako ng ganon-ganon lang.

Napaka bilis ng pangyayari...

Inubos ko ang isang oras sa bathtub bago nagsimulang maligo ng tuluyan.

Wala akong dalang damit kaya nanatiling bathrobe lang ang suot ko, buti na nga lang ay mahilig akong magbaon ng underwear.

"Let's eat." pagyaya niya sa akin.

Tumabi ako kay Khalid aa mini dinning ng room namin. Ang dami nga niyang in-order! May wine pa na mukhang mamahalin talaga.

Xyro Club Series #5: Let's Threesome, AttorneyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu