Summer 02 : Confused

26 4 0
                                    


I stared at my laptop's screen and crossed my arms. Nag-pop ang Gc naming magkakaibigan sa screen. They started talking, and I was just reading and didn't bother to type anything. I was zoning out and wasn't able to keep up with their conversation. Hindi ko rin napansin na minention na nila ako. I immediately read it and answered.

GC: fretty fersons

Kimie lang bih

Nandiyan ka pa ba? @Sole sole i apologize

Sole sole i apologize

dito pa, lutang lang

Kali-kali smelly

kanina ka pa lutang ah. ano iniisip mo?

Sole sole i apologize

siya

Kimie lang bih

Ay tangina, gumaganon na siya

Choake me

hindi na si anni 'to

Sole sole i apologize

mga siraulo, haha

Napailing na lamang ako sa mga chats nila. Kung ano-ano pa tinatanong, ready'ng-ready sa chismis ang mga 'to. Pero wala naman akong balak na ikuwento sa kanila ang tungkol sa lalaking 'yon. Hindi ko nga alam kung sino 'yon. Isinara ko na ang aking laptop at humilata sa aking kama. Sunod kong pinagtuunan ng pansin ang aking cellphone.

Halos ilang minuto akong nakatitig sa search bar ng facebook app ko. Hindi ko magawang hanapin ang account niya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. But he looks really familiar. I feel like I've already seen him before, but I just couldn't remember when and where. Napapikit na lamang ako nang madiin. I let out a heavy sigh and turned off my phone. I lifted my arms and put them on my eyes as I kept them closed.

I couldn't understand why I badly wanted to know who he was. Is he someone interesting? Is he really that interesting for me to act this way? Nilipat ko ang pagkakalapat ng aking braso sa aking noo at idnilat ang aking mga mata. I stared at my room's ceiling as I remembered the encounter I had with him earlier. I mean, why is he looking, though? He was looking at me as if he didn't want to look away. Or was it just me being delusional?

But he really does have the prettiest eyes I've ever seen. It was so beautiful that I can stare at it every day as long as he doesn't stare back. Hindi ko ata kakayanin kung sakaling maka-eye-to-eye contact ko siya. Pero masyado akong nagandahan sa mata niya kanina na hindi ko na iniisip pa na nakatingin din pala siya sa akin.

Napakunot ang aking noo at pilit na inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Familiar talaga ang mukha niya sa akin. Kung sakaling tatanungin ko naman si Kaliya, Kimiella at Choarllote ay sigurado akong aasarin lang nila ako. Masyadong ma-issue ang mga taong 'yon. Baka imbis na malaman ko ang pangalan niya ay siya pa ang makaalam ng pangalan ko dahil sure akong sasabihin nila sa kaniya na gusto ko siya.

'Yon ang ginagawa nila sa isa't isa at lagi akong dinadamay. Na tipong kahit hindi ko naman gusto 'yung tao ay pagti-trip-an at pagti-trip-an nila ako. But I really want to know his name. I don't even know why I so badly want to know his name. I don't even like him. I'm just curious, I guess.

Napahinga ako nang malalim at tumayo na mula sa pagkakahiga. Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking 'yon? Wala naman siguro siyang atraso sa akin para alalahanin ko siya. Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng kwarto. I need some fresh air to distract myself from thinking about him.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni mama nang makitang lumapit ako sa pintuan ng bahay.

"Magpapahangin lang po." Tanging sagot ko.

"Mag-iingat ka at madilim na." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Malamig at malakas na hangin ang sumalubong sa akin nang makalabas ako ng bahay. The sky is already dark and filled with stars and some visible clouds. May mga street light naman dito kaya kahit papaano ay hindi nakakatakot maglakad. I took my phone and checked our GC again. Hindi pa rin sila tapos at panay pa rin ang banggit sa akin. Umupo ako sa bench na nasa covered court ng village namin nang makadating ako doon.

GC: fretty fersons

Kimie lang bih

Hoy nasa'n kana @Sole sole i apologize?

Tinatakasan mo nanaman chismis mo sa amin ah

Kali-kali smelly

sino ba kasi 'yang iniisip mo at nakalimutan mo na ata kami

Sole sole i apologize

mga siraulo, tigil-tigilan niyo ko

busy pa ko kakaisip sa kaniya

Choake me

gago, sinooo??????

Kimie lang bih

HOY WALA KANG KINUKWENTO SA AMIN

SINO YAN??????

Sole sole i apologize

mga tarantado, joke lang eh 😭😭

ambibilis niyo maniwala, haha

Kimie lang bih

siraulo alam naming totoo yang sinasabi mo

Sole sole i apologize

JOKE NGA LANG

Kali-kali smelly

wag kami annia, kilala ka namin

Sole sole i apologize

bahala kayo diyan

Natawa na lamang ako sa kanila at ipinatay na ang cellphone ko. Sino ba kasi ang lalaking 'yon?

"Tangina, lumabas ako para magpahangin at alisin siya sa isip ko pero ayaw ata ako tigilan," natatawang sabi ko sa sarili ko.

May ilan-ilang mga tao ang dumadaan din dito sa court at ang ilan naman ay nakatambay rin katulad ko. I focused my attention on a group of people who were not far from me. While looking at them, another thought came to mind. Bakit nga ba wala akong kaibigan kahit isa sa village na 'to? Ilang taon na kaming nakatira rito pero kahit kapitbahay namin ay hindi ko kilala.

Tumayo na ako at napagpasiyahang umuwi. I started walking away from the covered court. Dahil malapit lang naman ang bahay namin doon ay nakauwi rin ako kaagad. Naabutan ko silang nanonood ng TV sa sala. Dumeretso na ako sa kwarto ko para maglinis. Mabuti nalang at sabado bukas.

Pero nanghina ako nang maalalang may practice pala kami ng sayaw buong weekend. Wala manlang pahinga kahit isang araw. Pahirap ang P.E. na 'to sa amin. Talagang wala kaming karapatang magpahinga hanggat 'di namin nape-present 'to. Dahil na rin siguro malapit na matapos ang school year kaya andami nilang pinapagawa at pinapamadali sa amin.

Lalo akong nanghina nang maalalang may isang quarter pa pala. Gusto ko nalang talagang matapos 'to. Pero hindi pa 'ko ready mag-college. I lay down in my bed after washing myself. I open my phone again to check our P.E. group chat. They just sent the announcement that they had already made earlier. Pinatay ko na rin ito matapos mabasa ang mga nakalagay doon.

An image of him flashed through my mind when I closed my eyes. I hope to know who he is. Curiosity really kills.

***

Eyes of a Stranger (Season Series #2)Where stories live. Discover now