Summer 14 : Exam

14 4 0
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw at exam day na namin. Pakiramdam ko ay lahat ng ni-review ko ay nalimutan ko na dahil sa kabang nararamdaman ko. Kasalukuyan na akong nakaupo rito sa aking upuan habang binabasa ang notes ko para sa first subject namin. Lahat din ng classmates ko ay busy sa pagre-review kaya walang kahit na anong maririnig na ingay bukod sa mga estudyanteng nadaan sa room namin.

I kept my focus on what I was reading. Luckily, I haven't forgotten any of the topics that I reviewed, otherwise, I'm doomed. I'm trying to maintain my grades pa man din. Nakuha ang atensyon naming lahat nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang adviser namin na hawak ang mga makakapal na papel na sure akong test papers. Isa-isang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil doon na siyang tinawanan lang ni ma'am.

Nagsitayuan kami nang utusan niya kaming i-arrange na ang mga upuan. Pinaghiwa-hiwalay namin ito at iniwasang idikit ang aming mga upuan. Ano pang use nito kung nagko-kopyahan pa rin naman ang iba? Napailing-iling nalang ako sa aking isip at napahinga nang malalim. Wala na rin naman akong pake tungkol doon, gusto ko nalang matapos na ito.

Umupo kami nang maayos nang sabihin na ni ma'am na magsisimula kami. Napapikit ako nang simulang ibigay ni ma'am ang mga test paper. Hindi ko muna ito tinignan nang mabigyan ako. Nagdasal pa muna ako bago tuluyang i-analize ang mga questions. Halos magdiwang ako nang mabasang ito ang mga ni-review ko.

I started answering each question and made sure that I totally understood the question before choosing an answer. Time passes so fast that it's already time to go home. I felt really drained as I finished reading and answering the last question. I mentally let out a profanity as soon as I gave my test paper to my adviser. 'Di ko na kaya! Feel ko ay sabog na sabog ang utak ko.

Buti nalang at p'wede ng umuwi 'pag tapos na magsagot. Medyo nagulat pa ako nang mapansin na ako palang ang nakakatapos. Shock was written on their faces as they watched me fix my things and leave the room. Tahimik ang hallway at mukhang halos lahat ng room ay hindi pa tapos. Masyado pa naman kasing maaga kaya 'di na nakakapagtaka.

Nasa bintana na ako ng room kaya tumingin ako kay Kaliyah na siyang malapit lang. Tinignan niya ako na parang kala mo ay hinang-hina na. She even mouthed, 'sana all'. Nginitian ko lang siya at nagpaalam na bago naglakad paalis ng building namin. Tahimik lang akong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo na minsan ay sinisilip ang ibang room na may mga busy'ng estudyante na nagsasagot.

Nasa dulo na ako ng hagdan ng room namin nang matigilan. I was stunned when I noticed a person standing outside of our building. He was leaning against the wall while one hand was inside his pocket and the other was holding the strap of his black tote bag that was on his shoulder. His head is bowed while he looks at his foot, which is playing with small stones that are on the ground.

Para akong estatwang nakatayo sa dulo ng hagdan. Just the sight of him makes me stop and stare at him. I can stare at this guy forever. He's effortlessly gorgeous. Napatikhim ako nang mapansing masyado na akong matagal na nakatayo doon. I started walking towards him and stopped right in front of him.

Tinigil niya ang kaniyang paa mula sa paglalaro sa mga maliliit na bato bago dahan-dahang itaas ang kaniyang ulo nang mapansin akong nakatayo sa harapan niya. Agad siyang napaayos ng tayo nang tuluyan akong makita. I unconsciously raised my left eyebrow when I noticed him kind of panicking. He can't even look straight into my eyes and keeps avoiding my look.

"Akomi," pagtawag ko sa pangalan niya. Napahinto naman ang kaniyang mata sa aking gilid habang dahan-dahan itong nililipat sa akin. "Ayos ka lang ba?"

"Ah... y-yeah," tumatangong sagot niya. Nanliit ang aking mga mata nang yumuko siya.

"A-are you sure?" I asked when I noticed the redness of his ears. Wala naman siguro siyang sakit, 'di ba? Muli niyang inangat ang kaniyang ulo ngunit 'di pa rin ako tinitignan nang diretso sa aking mga mata.

"Yeah, naalala ko lang 'yung test," tumatanging sagot niya. Napatango na rin naman ako bilang pag-sangayon.

"Ano nga palang ginagawa mo rito? May inaantay ka?" Muling tanong ko.

"Ikaw," tumingin siya sa mga mata ko. Pero agad din namang binawi at muling tumingin sa gilid ko.

'Di ko napigilang tumingin sa aking likod para tignan kung sino ang tinitignan niya. Nagsalubong naman ang aking kilay nang walang makitang kahit na sino. Muli ko siyang tinignan at tumikhim.

"Ano nga ulit ginagawa mo rito?"

"P-pinapasundo ka ni Farrel." Sagot niya.

Tumango nalang ako habang nakatingin pa rin sa mata niya. Hindi naman siguro masama ang tingin na binibigay ko sa kaniya, 'di ba? Bakit ganito ang kinikilos ng lalaking 'to? Niyaya ko na siyang umalis na siyang tinanguan niya lang din. I heard him clear his throat as we walked. Pero nanatiling diretso ang aking tingin.

"Kumusta pala ang exam mo?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Ayos lang, I guess. Ikaw?"

"Ayos lang din." Tumango-tango ako sa sagot niya.

Muling namutawi ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa makalabas kami ng school. Naabutan namin si Farrel na nakaupo sa upuan na nasa waiting shed. May mga lamesa rin doon. Sabay pa kaming huminto ni Akomi 'di kalayuan kung nasaan siya. Nakasandal siya sa kaniyang kinauupuan at naka-cross ang mga binti habang nakatingin sa isang direksyon.

Napataas ang aking kilay nang may mapansin habang tinitignan siya. Dahan-dahan kong sinundan ang direksyon ng kaniyang tinitignan. The side of my lips slowly rose up when I saw a beautiful woman standing on the opposite side of the road. She's talking and laughing with her friends. Shocks, sobrang ganda. Halos hindi ko rin napigilan ang sarili ko na mapatitig sa kaniya. Mukha siyang familiar, 'di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"I didn't know an angel had fallen," I whispered. Mukhang narinig ito ng katabi ko dahil sa mahinang pagtawa niya, pero wala naman siyang sinabi.

Kung si Aryzonea ay may intimidating look siya naman ay napaka-angelic ng mukha. Masyadong magaganda ang mga babaeng nakikita ko dahil sa pinsan ko. Napabalik lang ako sa pag-iisip nang maalala ang pinsan ko. Muli ko siyang tinignan. Hanggang ngayon ay nasa babae pa rin ang kaniyang tingin at mukhang 'di kami napapansin.

Naglakad na kami palapit sa kaniya. 'Di niya pa kami mapapansin kung hindi pa siya dalawang beses na tatawagin ni Akomi. Mukhang nagulat pa siya at tinanong kung kanina pa ba kami. Napailing-iling nalang ako sa kaniya at mahinang natawa. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at mukhang wala pa rin sa sarili dahil sa paulit-ulit na sulyap niya sa babae.

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Nasa unahan namin si Farrel na hanggang ngayon ay tila ang mukha ng magandang babaeng iyon ay nasa isip niya pa rin.

"Grabe, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan," bulong ko.

"Malakas ata ang tama niya sa babaeng tinitignan niya." Pag-sangayon ni Akomi.

"Hindi na rin naman nakakapagtaka. She really looks stunning."

"That's also what always comes to my mind whenever I get a glimpse of you."

***

Eyes of a Stranger (Season Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ