CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas at nasasanay na rin akong mamuhay dito sa Pilipinas. May mga kaibigan na rin ako sa university.

Sumali rin ako sa basketball varsity ng school, para rin hindi ako mahibang sa bahay, lagi nalang kasi akong magisa. May isa akong kaibigan dito, Gabriel Luis ang pangalan niya. Halos siya ang lagi kong kasama dito. Siya rin ang nagaya sa akin na sumama sa basketball varsity.

"Tol, punta daw court!". Sabi ng isa naming ka-team na sumilip sa locker room para tawagin kami. Tumango kami at nagbihis na agad sa jersey naman.

"Sexy nga eh", "matalino pa kaso maraming lalaki daw 'yon". Mga naririnig kong pinaguusapan nila. Umiling-iling nalang ako at nagsuot na ng rubber shoes ko.

"Ikaw, Lix? May natitipuhan ka na ba dito?". Tanong ng isa kong kaibigan na kasama ko ngayon sa locker room. Umiling nalang ako bilang sagot na wala.

Hindi talaga ako pasalita, kahit nong bata pa ako. Kung magsalita man ako, laging maiksi. Hindi lang talaga ako sanay magsalita..

Pagkatapos ko magsuot ng rubber shoes ay lumabas na agad ako ng locker room at pumuntang court. Pagkapunta ko ay nakita ko silang nagsisimula na magtraining. Binilisan ko ang pagtakbo kasi paniguradong iinit nanaman ang ulo ni coach dahil pabaga-bagal nanaman kami.

"Double time!". Sigaw ni coach. "Ayoko ng babagal-bagal!". Pasigaw na sinabi nito at agad naman kaming tumakbo papalapit sa iba naming teammates.

Pumila ako sa tabi ni Gabriel at nagfist bump kami at sinimulan na namin ang training.

Pagkatapos ng training pumunta agad kaming cafeteria dahil sa gutom at uhaw. Nagmamadali kaming pumila sa unahan at inunahan ang iba sa sobrang uhaw. Hindi kasi kami pinagpapahingan ni coach, kung may breaktime man 5 to 10 minutes lang. Grabe rin kasi si coach kung magtraining.

"Tol, may maganda do'n oh". Sabi sa akin ni Gabriel habang nakaturo sa isang table na nasa likod ko. Hindi ako tumingin dahil hindi naman ako mahilig maghanap ng babae, gusto ko 'yong destined, hindi 'yong kung sino-sino lang, alam kong minsan gago ako pero hindi naman ako fuckboy. Umiling nalang ako at tinulak siya dahil susunod na siyang o-order.

"Tara ba inom mamaya?". Rinig kong sabi ng isa. "Nanaman? Ipahinga mo naman 'yang bituka mo". Sabi ni Gabriel sa kaniya. Pinakyuhan nalang siya ng kaibigan namin.

"Sama ka, Lix?". Tanong ng isa. At ang normal na sagot ko ay umiling ng hindi. "May pupuntahan ako". Sagot ko dito. Ang tutoo ay hindi naman talaga ako nagiinom pero wala namang mali kung susubukan hindi ba?.... "Sige, sama 'ko". Sagot ko at inubos na ang pagkain ko. "Yownnnn!". Masayang sigaw ng mga teammates.

Pagkatapos ng classes namin ay nagpunta agad kami sa isang bar malapit sa university. Agad naman naming pinakita ang mga ID namin sa guard at pumasok na.

Nasinghot ko agad ang matatapang na amoy ng mga alak at sigarilyo sa loob, kita ko rin ang nagiiba-ibang kulay ng mga ilaw, ang malakas na music ng DJ, mga naghahalikan, at nagsasayawang mga tao.

Sinundan ko sila Gabriel sa dulo ng bar kung saan may bakanteng mga upuan, agad namang may waiter na pumunta sa amin at kinuha ang mga alak at pulutan na iinumin at kakainin namin.

Iba rin pala ang bars dito. Nong unang dalhin kasi ako ni Diego sa isang bar sa Madrid ay halos may mga babaeng strippers sa stage at minsan ay linalapitan ka pa. Siguradong may mga ganong bars din dito sa Pilipinas pero buti na lang at dito kami pumunta.

"Lix, shot! shot!". Sigaw nila at binigyan ako ng isang bote ng San Miguel. Kinuha ko ang bote na iniaabot sa akin ni Gabriel at ininom ito. Sumigaw naman silang lahat dahil sa paginom ko.

Akala ata nila ay ngayon lang ako nakainom, mas matapang pa nga rito ang pinakaunang alak na nainom ko. Wala na rin naman akong pake kung umuwi ako ng late paniguradong wala pa sila papa paguwi ko kaya mas mabuti nang libangin ko nalang muna ang sarili ko ngayon kesa mabaliw na magisa sa bahay naming kalaki-laki na puro maids nalang ang tao.

Tiningnan ko ang phone ko at nakitang ala-una na ng umaga. May pasok pa kami bukas pero buti nalang at tanghali pa. Nagpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako.

Sa isang buwan kong paninirahan dito sa Pilipinas ay natuto na rin akong mag-commute. Ayoko magdala ng sasakyan sa eskwelahan.

Oo, gusto ko ng atensyon pero sa mabuting paraan. Atensyon katulad ng pagkakaroon ng mga kaibigan at magandang reputasyon sa eskwelahan. Ayoko ng atensyon na nagmumukha akong mayabang dahil galing ako sa isang mayaman na pamilya.

Lagi man akong napapahamak sa bahay o sa eskwelahan ay hindi ko naman naisip na manakit ng ibang tao. T'saka ayoko magkaroon ng mga kaibigan na gagamitin lang ako para sa pera ko. Alam kong maraming ganong tao kaya iniiwasan ko ang mga ganong ugali.

Sumakay na ako ng jeep at sinabi kung saan ako bababa. Pagdating sa village namin ay naglakad na lang ako papasok patungo sa bahay namin.

Tiningnan ko ang bahay naming sobrang laki at nakita kong nakabukas ang mga ilaw sa baba pero walang kailaw-ilaw sa mga kwarto namin. 1:25 na ng umaga ay wala pa rin sila. Umiling nalang ako at binuksan na ang gate namin.

Linagay ko na ang pincode ng pinto namin para makapasok. Isa pa itong dahilan kung bakit hindi ako nagpapapunta ng mga kaibigan ko dito sa bahay. Oo, ni isang kaibigan ko ay hindi pa nakakapunta dito sa bahay namin.

Pagpasok ko ay agad akong umakyat sa kwarto ko at naligo na para makatulog na ako. Nagalarm nalang ako ng 8 ng umaga.

Narinig ko agad ang alarm ko at tumayo agad. Pagkabihis ko ay bumaba na agad ako para kumain.

Magisa nanaman akong kumain. Sumilip kasi ako sa kwarto ng parents ko at walang tao rito. Tumingin ako sa bintana at nakitang wala na ang sasakyan.

"Sir Calix, kain na po kayo, may bacon and eggs po sa lamesa bagong luto po 'yon. Umalis na po ng maaga ang mga magulang niyo ho't may meeting daw po ng alas-syete ng umaga". Sabi ng isang katulong namin na nagpupunas ng lamesa sa may hagdanan namin.

Tumango ako rito at t'saka kumain na. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang malaking photo frame sa may salas namin na family picture namin.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na agad ako ng bahay para sa early training namin at para makapasok rin ako ng maaga. 

Once Upon an UsWhere stories live. Discover now