CardHolder

18 3 3
                                    

Adrian's POV


May flight ako tomorrow afternoon at dapat natutulog na ako ngayon pero hirap akong makatulog dito sa bagong unit na regalo sa akin ni Paps. Bago ako bumalik ng Pilipinas ay isa ito sa nirequest ko sa kanya.


To have my own place.



Halata bang ayokong kasama si Paps sa bahay? Ewan ko. Hindi ako sanay. Hindi ako komportable. Ewan ko ba.




Pero pinagsisihan ko na tuloy na nagrequest pa ako ng bagong bahay kay Paps! Matapos kong malaman na dito din nakatira yung maingay na Assistant Direktor ni Paps. That Holysh*t creature.


Kinuha ko ang carholder nito at muli kong sinilip ang mga cards niya. Natawa ako ng makitang pati ang Loyalty Card niya at UMID ay nandidito sa loob.


"Eeew that bangs. Anong nakain niya at nag bangs siya ng ganyan? haha.." tawang-tawa ako habang nakatingin sa picture niya sa ID. Ang layo-layo ba naman kasi ng itsura niya compared now. Muli kong binalik sa cardholder ang mga ID's ni Gia tsaka ko ipinatong sa bedside table. Sinamaan ko ito ng tingin bago ako tumayo at tumungo sa banyo upang simulan na ang skincare routine ko.











Gia's POV

IRITA kong kinapa ang phone ko para patahimikin ito. Oo na, sinet ko kasi itong ng alarm ng 4am. Masyadong bang maaga? No. Normal na yan sa akin. I'm a morning person naman kasi talaga.

Antok pa man ako ay nagsimula na akong gumawa ng breakfast namin ni Gab. Matapos iyon ay wala na akong sinayang na oras at naligo na ako. Nang makabihis na ako ay saktong 6 am na. Bumaba ako ng lobby suot ang aking pang work out ootd. I have work mamaya pero I need to work out first. Katabi lang naman ng building ng condo ko ang building ng Silver Gym. Pero mas maganda talagang mauna ako dito para wala pang masyadong tao.

Paglabas ko ng elevator ay nakita ko na agad si Archie——- ang bading na receptionist ng condo namin. Nakangiti ito at kumakaway sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay pagkalapit ko sa kanya.



"Ang agang ngiti naman niyang Archie! Anong meron?" tanong ko dito.



"Sis naman! Inaabangan talaga kita! Kasi naman, may ibinilin sa akin dito na ibigay ko daw sayo! Ito oh!" nanlaki ang mata ko ng makita ko ang cardholder ko. Mabilis kong kinuha iyon at chineck ang laman..




"Kanino galing to??"



"Kay Adrian! Yung bagong nakatira sa taas! Sa may penthouse!"


"What? Siya ang nakabili ng bagong renovate na penthouse???"


"Oo Sis!!!"



"Teka lang Archie, kailan to binigay ni Adrian dito? Mga anong oras?"



"2 am kanina. Sakto na kakapalit lang namin ni Grace ng duty. Nagulat ako nung lumapit siya. May dala ngang maleta. Akala ko nga dati masungit eh, mukha namang mabait!"



"Hindi iyon mabait!"



"Teka, kilala mo ba siya? Tsaka paanong napunta sa kanya yung card holder mo? Ang burara mo naman Sis!"



"Hoy! Hindi ba pwedeng nahulog ko lang somewhere?"

"Well, oo nga no? hmm—— teka, kilala mo nga si Adrian?"


"Hindi."




"Hindi? Pero tinawag ka kasi niyang HolyCow——-"


"Ano??? Sinabi niya yun??"


PLOT TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon