Wrong

22 3 4
                                    

Adrian's POV

PAGBABA ko ng kotse ay magaan kong pinagpag ang suot kong black & white na tweed blazer. Nagmamadali akong naglakad papasok ng Arète.


"Sir Adrian! Good Morning!" nakangiting bungad sa akin ni Miah. Sakto kasi ang paglabas nito sa office nila at tila papunta na rin sa conference room. Nginitian ko ito. Ayoko namang magsungit ng ganito kaaga.

Pagpasok ko ng conference room ay may mga tao na sa loob. Lahat sila ay nakaupo na at nakatingin sa akin. Hindi pa naman ako late, maaga lang talaga sila. Sinipat ko ang dulong bahagi ng table kung saan alam kong upuan ni Paps dito. Wala pa siya. Hays. Nabaling ang tingin ko sa HolyWater na nakaupo sa unang upuan sa gilid ni Paps. Nakatingin ito sa akin na tila dragon na anytime ay kakainin ako ng buo.

Inirapan ko ito at naghanap na ako ng bakanteng upuan na malayo sana kay Paps at sa dragong holysh*t. Kaso kahit saan ako tumingin ay wala ng bakante. Isa na lamang at sa tabi pa ni Gia.


Wala akong choice. Kailangan ko ng umupo kaya nagmadali akong tumungo sa tabi nito.




"Good Morning Seatmate!" biglang sabi nito pagkaupo na pagkaupo ko pa lang. Napansin ko din na medyo umusog ito papalapit sa upuan ko kaya napatingin ako ng masama sa kanya.



"Sungit naman! Wala bang "good morning too?" ngiting asong tanong niya.


"Ano ba, lumayo ka nga sa akin." iritang sabi ko. Sakto ang dating ng isang staff at nilapagan kami ng hot coffee. Hays, mabuti naman at may kape sa umaga.



"Lah, ikaw nga tong nakitabi sa akin! Hmp. Sungit mo naman pag umaga, pero pag gabi, naughty ka." muntik ko ng maidura ang kapeng kakainom ko pa lamang.


"Wag mo nga akong kausapin!" inis na sabi ko.


"Ah, ayaw mo? Bahala ka, baka maikwento ko sa iba yung sinend mong———" kumuha ako ng cookies tsaka ko pinasok sa bunganga niya ng matigil na sa pagdaldal. Baka ano pang masabi.


"Shut up. Okay? Nguyain mo yang cookies!" mabilis naman nitong nginuya ang isang cookie tsaka niya kinuha ang kape niya at ininom.



"So ano nga? Sayo ba yung sinend mong——"


"Gia!! Bunganga mo!" mahina pero may diing sabi ko dito.



"So sayo nga??" halos di makapaniwalang sabi nito.



"Hindi!"


"So kanino iyon? Kaninong Ti——-" ngayon ay kamay ko na ang pinangtakip sa bibig niya. Kahit na nagbubulungan lang kami ay mahirap na, baka may makarinig at masamain pa ng iba.




"Nasa meeting tayo for our series! Hindi ito seminar ng Ti———- ng ganun!!!" buti napigilan ko sarili ko.



"Weh! Sayo iyon eh. Sayo iyon!!!! Bakit dinelete mo agad??? Hindi ko pa nga nase-save!!"



"Gago ka ba? Gawain mong magsave ng nude pics no?" tanong ko dito.


"Hindi. Pero kapag galing sayo, baka maging bisyo ko na!"  nakangiting sagot nito kaya mabilis kong pinitik ang braso niya.


"Aray!"



"Enough okay? Parating na si Paps."



"Sumagot ka muna! Sayo iyon no? Hooy! Adrian!! Sayo nga???"


"Hindi nga!!"



"Sa boyfriend mo?"



"Wala kang pakialam kung kanino man iyon."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLOT TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon