Chapter 11: Drawing

103 7 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead.
*****

Chapter 11: Drawing

Kinabukasan...

"DAVINA!" sigaw ng pamilyar na tinig ng lalaki na ikinahinto ni Davina sa paglalakad palabas ng unibersidad at napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

"Oh! Chriz." sabi ni Davina nang makita si Chriz na palapit sa kanya.

"Ilang araw na kitang gustong makausap kaso hindi kita matiempuhan. Gusto kong malaman kung may nahanap lang ng trabaho kasi kung wala ay may iaalok ako sa'yo." nakangiting sabi ni Chriz na ikinatatitig ni Davina sa lalaki dahil sa magandang ngiti na nakaguhit sa mapupulang ngiti ng lalaki.

"Salamat, Chriz, pero may nahanap na akong trabaho noong nakaraan pa at sobrang swerte ko sa amo ko dahil maganda ang pakikitungo niya sa akin." nakangiting sabi ni Davina bago muling nagpatulot sa paglalakad.

"It's good to hear. Papasok ka na ba? Guato mo bang ihatid na kita?" tanong ni Chriz at sinabayan si Davina sa paglalakad.

"Oo, papasok na ako at hindi mo na ako kailangan ihatid kasi pwede ko na lang lakarin dahil diyan lang naman ako sa Skyleigh's Cafe." sabi ni Davina.

"Sa cafe ni Ate Leigh ka nagtra-trabaho?" tanong ni Chriz kay Davina na napatango.

"Oo, at isa pa, nandoon ngayon si Draven sa cafe. Doon ko siya iniiwan tuwing pumasok ako sa klase ko na ang ate mo mismo ang nagsabi na pwede kong iwan ang anak ko doon para may kalaro si Sky. Isinali rin siya ng ate mo sa tuitor session ng pamangkin na ayoko sana kaso mapilit ang ate mo." sabi ni Davina na ikinatawa ni Chriz.

"Malamang gusto niya makasama at panggigilan ang anak mo. Mukha kasing Korean child actor ang anak mo. Mahilig pa naman iyon sa K-drama." natatawang sabi ni Chriz na ikinangiti ni Davina dahil magaan kausap si Chriz.

"Sabi niya nga sa akin." nakangiting sabi ni Davina.

"Excited na akong makilala ang anak mo." sabi ni Chriz na ikinangiti ni Davina.

"Paniguradong matutuwa ka rin kapag nakilala mo ang anak kong iyon katulad ng ate mo at ng mga kaibigan ko." nakangiting sabi ni Davina na ikinangiti ni Chriz nang makita ang magandang ngiti ng dalagang-ina na mas lalong nakadagdag sa gandang taglay nito.

*****

"MAMA!" masayang tawag ni Draven sa ina nang makita ang pagpasok nito sa entrada ng cafe. Agad na tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang sinusulatang papel bago tumakbo palapit sa ina.

"Mama!" masayang tawag ulit ni Draven kay Davina bago patakbong yumakap sa ina.

"HAHA! Miss mo na agad si Mama, anak?" natutuwang tanong ni Davina sa mainit na pagsalubong ng anak sa kanya.

"Hmmm. Miss ka na ni Draven, Mama." malambing na sabi ni Draven na ikinangiti ni Davina bago binuhat ang anak.

"Hmmm. Nasaan ang kiss ni Mama kung namiss nga siya ni Draven?" malambing na tanong ni Davina sa anak na ikinangisi ni Draven bago pinugpog ng halik ang mukha ng ina na ikinatawa ni Davina.

"Miss nga ako ni Draven." nakangiting sabi ni Davina bago binigyan ng halik ang pisngi ng anak bago binaba ang anak.

"Mama, marunong na po ako magsulat ng name ko. Ginaya ko iyong sinulat ni Teacher Jane." proud na sabi ni Draven sa ina nang ibaba aiya nito at pinakita ang papael kung saan nakasulat ang buong pangalan niya.

Kinuha ni Davina ang papel at napangiti siya nang makita ang sulat-kamay na buong pangalan ng anak. Mas lalong napangiti si Davina nang ilipat niya ang pahina ng papel ni Draven ay bumungad ang drawing ng anak at naluha nang mabasa ang nakasulat doon.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now