Prologue

135 6 0
                                    

Enero 18,1789
Hacienda De Guerrero
Love story of Señora Yurah and Ichiro
Play back

Nakatulala kong pinapanood ang mga paru-paru sa hardin, matagal-tagal narin simula nung ako y nakalabas dito sa'ming hacienda, napakaganda pala ng pakiramdam ng isang malaya, malayang gawin ang mga bagay na gugustuhin mo.

"Señora Yurah, malalim yata ang iyong iniisip, hindi ba dapat ika'y maging masaya sapagkat sa wakas pinayagan ka na rin ni Señor na lumabas ng mansion" Saad ng aking katulong na si Angelika,  matagal na itong naninilbihan samin at medyo nalalapit narin ang loob ko sakanya,

"Iniisip ko lang kung gaano kaya kaganda ang labas, ano kaya kung pupunta tayo sa sinasabi nilang mall, Angelika" sambit ko sa kanya na parang batang nakikiusap bilhan ng isang cotton candy.

"Hindi ho maaari Yan Señora, lalo na kung wala po tayong pahintulot ng iyong ama" Saad niya.

"Nakakalungkot naman, pero ayos lang alam ko na balang araw, magagawa ko rin iyon na parang normal na tao"masaya kung saad sa kabila ng kalungkutan, napatango naman si Angelika tila sumasang-ayon saking pinapahiwatig.

"Halikana, Señora pinapatawag ka pala ng iyong ama" anyaya sakin ni Angelika.

"Susunod ako Angelika" Saad ko at muling tinanaw ang tanawin na dati ay natanaw ko lang mula saking silid.

Hahakbang na sana ako pabalik sa loob ng mansion ng may narinig akong parang nasasaktan, dali dali ko namang tinungo kung saan ito nanggaling at nakita kong may isang lalaki na tila kumakawala sa sa pagkagapos pero wala akong nakita na nakagapos sa kanya, nilapitan ko ito at tinanong,

"Anong ginagawa mo rito sa'ming hacienda Ginoo? usisa ko sa lalaking gulat na nakatingin sakin, napatitig ito ng ilang segundo sakin bago sumagot,

"Nakikita mo ako?" tanong nito pabalik, naguluhan naman ako sa kanyang sinabi ngunit sa kabila nun ay nagawa ko paring ngumiti.

"Naguguluhan ako sa iyong sinabi Ginoo, pero maaari bang malaman ang iyong pangalan?" Ani ko sa kanya.

"Ako si Ichiro" sagot nito, napangiti naman ako bigla.

"Napakaganda ng iyong pangalan, may lahi ka bang hapones" ngiting ani ko.

"Nakakatuwa ka Binibini, ang daldal mo tanong ka ng tanong, maaari bang ang tanong ko naman ang iyong sasagutin, Sino ka? at Paano mo ako nakita? hindi normal sa isang ordinaryong tao na tulad mo ang makakita ng isang kagaya ko" Sabi nito sakin.

"Ako si Yurah Guerrero,ang nagiisang anak ng nagmamay ari nitong hacienda na iyong tinatapakan, at hindi ko alam kung anong ibig mong iparating basta't ang alam ko lang ay narinig ko ang iyong boses na namimilipit sa sakit kaya nilapitan kita at nakitang pilit kang kumawala sa pagkagapos ngunit wala namang kahit ano na nakakasakit sa iyo" mahaba kong paliwanag.

Magsasalita pa sana siya ng tawagin ako ni Angelika sa di kalayuan, kaya iniwan ko muna ang estrangherong lalaki na nagpakilala bilang Ichiro baká rin ay naligaw lamang iyon at pinagloloko ako.

"Señora, ano ba ang ginawa mo doon sa punong akasya?" tanong nito sakin sa halip na sagutin ko ito ay ngumiti lang ako, nang makapasok kami sa silid ay agarang akong tinawag ng aking ama.

"C'mon, prinsesa kumain na tayo, bakit napakatagal mong bumalik sa silid at ako y nagaalala na sa iyo" Saad ng aking ama sabay halik saking pisngi.

"Wala dapat kayong ipag alala ama sapagkat ako y nasa paligid lamang"  Saad ko at yumuko bahagya bilang paggalang, tanging kaming dalawa na lamang ng aking ama sapagkat matagal ng yumao ang aking Ina, dahil pinaslang siya ng kalaban sa negosyo ni ama kaya ganoon nalang mabahala sakin si ama dahil ayaw nitong pati ako ay maglaho kagaya ni Ina.

One Last Dance With You Where stories live. Discover now