OLDWY-12

20 4 0
                                    

"Babalik ang mga taong hindi mo inakala na buhay pa, ang noo'y nabura ay muling maalala"

Ichiro POV'

Ichiro Fience Fildrieth, katagang hindi ko maalis sa isip, bakit pakiramdam ko ay may mali, bakit tila pamilyar ang pangalan nayon.

Napapikit naman ako ng mariin ng biglang sumakit ang ulo ko at may mga imaheng hindi ko naiintindihan na nakita sa isip.

"Ichiro,bmaligayang kaarawan"nakangiting saad ng isang babae, may kasama ito sa gilid niya at kapwang nakangiti rin.

Kasunod naman ang eksenang nasa isang silid ang lalaking kamukha ko,at may kasama ito.

"Hindi mo kami kanyang saktan gamit ang kapangyahiran mo Feliciana,mahina kana"mapanudyang saad ng isang lalaki na nagtatagis ang ngipin sa babaeng kaharap nito.

Anong nangyayari? sino ang tatlong taong nasa harapan ko, kasama na ang lalaking Ichiro ang pangalan.

"Hindi nga pero kaya kong magbigay ng sumpa, hindi kita papatayin sa ngayon kayong dalawa ni Gustavo, sapagkat dahan dahanin ko kayo sa pamamagitan ng sakit na hindi  kayang gamutin ng kahit sinong manggagamot hahahaha" parang baliw na saad nito.

Gustavo? parang pamilyar, hindi bat ito ang pangalan ng ama ni Yurah.

"At itong anak mong lalaki ang pahihirapan ko, matanda kana, hindi ako kuntento kung ikaw ang paparusahan ko"saad ng babae habang nakatingin sa lalaking kamukha ko.

"Wag ako nalang,wag mong idamay ang anak ko, wala siyang kinalaman dito, kami ang pumatay sa yong angkan, wala siyang kasalanan" sigaw ng lalaking may katandaan at katulad ng sakin ay asul na mga mata, pilit rin itong kumawala sa baging na nakagapos sa kanya, at takot na madamay ang kanyang  anak.

"Katulad ng kay Gustavo ang buhay ng kanyang anak rin ang kapalit ng kasalanang ginawa niya, kaya magpaalam kana, dahil habang buhay na makukulong ang anak mo sa kadiliman, hahahah"halakhak ng babaeng parang baliw at iniwagayway ang hawak nitong bagay na parang isang piraso ng kahoy na umiilaw sa dulo, at hawak naman ng isa niyang kamay ang kakaibang Walis Tingting, at naglaho ang babae at ang pagsigaw ng kamukha ko na tila nasasaktan hanggang sa maglaho rin ito,

"Hindi anak ko! Ichiro"sigaw ng lalaki na ama ng binatang naglaho.

Ichiro?sino Siya? alaala ko ba to?

Gulong gulo ako sa nangyari at walang magawa kundi ang tumulala, kasabay ng pagpasok ng bagong eksena sa isip.

"Anong nangyayari? nasaan ako? Ama?Ina?"tanong ni Ichiro at dahan dahang tumayo.

Inilibot nito ang kanyang paningin at nakitang nasa isang malawak at punong puno ng mga bulaklak siya nakatayo, lakad na sana siya ngunit may isang pwersa na pumipigil sa kanya na nagmula sa malaking punong akasya, unti unti namang naging malinawa sa kanya ang lahat, simula sa selebrasyon ng kanyang kaarawan, ang liwanag na lumitaw sa gubat at ang sagutan ng kanyang ama at di kilalang babae.

One Last Dance With You Where stories live. Discover now